Pain Ends

1K 20 2
                                    

Hello! This one shot fanFICTION is dedicated to my fellow KaRa Shippers/Lovers/Supporters! Enjoy reading! Never shall we sink, team PAKWAN! Always remember the TITLE of this fanfiction. If YOU are not one of us, then do not continue scrolling... Spread the love!

--





"Ang naalala ko lang kasi, everything got blurry, yes... blurred yung mga lights ng Arena yun yung nakikita ko habang nakahiga, tapos ayun naramdaman kong tumulo yung luha ko, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa mga upcoming games pa, yung team, lahat, lalo na yung promise..." Umiiyak na sabi ni Mika.


Umiiyak na naman si Mika, ayaw na ayaw ko siyang makitang ganyan. Hayyy. Nakangiti lang ako na pinagmamasdan si Mika. I'm trying to be strong. Because I should be. Behind the smile that I'm showing is PAIN. A pain that is killing me, a pain full of questions, wishes, and most especially hope. Question na 'bakit?'. Wish na 'sana ako na lang.' Hope syempre, hindi na kailangan ng explanation kung bakit mayroon iyan. Kasi sobrang hirap makitang ganyan yung pinakamamahal mo, yung kahit na sobrang bully niyan, ay mamahalin mo siya ng sobra sobra pa sa pagkabully niyan.


"Vic... nakikinig ka pa ba?"


"Ara!"


"Huy, Ara!"


"Tulala ka na naman, ang lalim nang iniisip mo tas tila naiiyak ka na."


Yun palang 'fake' smile na suot ko kanina, ay napalitan ng ekspresyong kanina ko pa ayaw ipakita kay Mika. Ayan tuloy, at sa akin napunta ang atensyon ng teammates ko.


"Sige... itutuloy ko na ah, Vic! Uso naman makinig... Ayun yung sakit parang tape, double sided. Uhm, physically? Emotionally?" patigil-tigil na kwento ni Mika.


At ang ikinagulat naman naming lahat nang...


"Hala Mika!" Sigaw ni Kim.


"Napano ka Kim?" nag-aalalala kong sabi.


"Tignan mo Miks," sabay abot ng phone nya kay Mika. "Baka bigla tayo puntahan nyan lagot, kailangan mo nang makaalis dito."


Lumapit ako kay Yeye para tingnan na rin iyon. Si Kiefer Ravena pala, iyong team captain ng Men's basketball team ng Ateneo, may itinweet.


@kieferravena15: Get well soon to the darling of the crowd. And yes, I completely agree with the hashtag #GandaMoPaRinMikaReyes and pls #PrayforMikaReyes.


Bukod pa diyan ay meron ring ibang artista at atletang na nagpost at nagtrend pa iyong #PrayforMikaReyes at pati iyong #GandaMoPaRinMikaReyes... Tawa tuloy ng tawa yung iba naming teammates lalo na si Mika, dahil sa hashtag na iyon. Ako naman, natahimik.


Sobra-sobrang dami ng nagmamahal dito kay Daks, tingin ko tuloy ang hirap hirap nyang maabot kahit na lagi-lagi kaming magkasama.


"Oh Kim! Iyo na iyan!" sabay bato ni Yeye ng phone ni Kim. Napatalon naman si Kim upang maabot ang kaniyang cellphone.


Tumingin naman sa akin si Yeye sabay sabi "Huy Vic! Ba't ka natahimik?"


"Ah wala." Tipid kong sinagot.


"Selos ka ba?" Sabi ni Yeye, na dahilan kung bakit ako nagulat


"Ayieeee!" tukso naman ng teammates namin. Natigil lang iyon ng nagsalita ang isa sa mga kambal na si Camille.


"Ay Ye! 10:45 na pala, pwede una na kami? Kitakits na lang! Get well sooooon, darling of the crowd." paalam niya na tila mapang-asar dahil sa panggagaya sa pahayag ni Kiefer.


"Ay sige." payag naman ni Yeye. Kumindat naman si Kim sa akin. Tinotopak na naman siguro iyon ngunit hinayaan ko lang iyon, kung ano ang gusto niyang iparating. Pagkaalis nila ay tinawag ako ni Mika.


"Vic..." malambing na tawag nya.


"Hmmm?" Sabi ko.


"Vic..." sabi niya ulit, sabay hawak sa kamay ko, "...thank you, salamat ng sobra, sorry ha?"


"P-p-para saan?" Naluluha kong sagot.


"Sorry dahil, hindi kita matutulungan na ipagpatuloy itong journey natin this season, sa volleyball... papagaling ako agad. Prauh-mes!" Mariin niyang sabi


"Ye naman eh... Huwag mong madaliin. Tsaka okay lang yun, yung promise? Promise pa din syempre. Sometimes there are some excuses like this in our journey... and yeah, excused ka! Tsaka anong sabi mo? Hindi ka makakatulong para tapusin itong season? Yung presence at pag-chicheer mo palang ay sapat na! Ano ka ba, huwag mong problemahin dahil sobrang lakas mo sa akin eh!" Masaya ko itong sinabi sa kaniya.


Hay Mika Aereen... I kissed her forehead. And, ang cute niya sobra. Ayun di pa din bumibitaw yung hands namin.


"Ye... I love you"


"I love you too, Vickie lu!"


"Stop calling me like that, Daks!" Tapos nagmake face pa siya, yung totoo injured ba itong babaeng ito?


"Okay! Okay" sabi ko sabay taas ng dalawang kamay ko. "I give in!"


"Wooooh! I WON FROM THE MVP! FROM THE VSG!" Naka-emphasize talaga yung THE?! Whatever Yeye, whatever makes you happy, I'll give it to you.


"Shhh! Ye! Para kang baliw!" Tawa ako ng tawa, para kasing bata! Laughs from this kind of joy, eto ang kailangan niyang talaga.


"Nababaliw na ako sa iyooooo!" Ikinanta nya pa talaga ha! Wala na akong ibang nagawa kundi ngitian sya.


---


Thank you for reading! Please leave a comment ('cause I need your opinion guys) Ang hashtag natin for this story ay #HoldOnKARA. 'Till next stories - fictien

Hold On (Mika Reyes - Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon