Prologue

12 0 0
                                    

PROLOGUE

"Ma, Pa, kamusta na kayo dyan? Ok lang ba kayo? Ayos naman po ako, wag niyo po akong alalahanin dito. Kaya ko na naman po mag-isa dito, medyo nasasanay na din ako."

Saad ni Hannah kasabay ng paghaplos niya sa puntod ng kanyang mga magulang.

"Inaamin ko po, araw-araw parin akong umiiyak dahil sa pagkawala ninyo. Alam ko pong ang pinaka-ayaw niyo sa lahat ay makita akong umiiyak at nalulungkot, pero hindi ko pa rin po mapigilan. Sorry po."


Patuloy parin niyang pagkausap sa mga magulang na tila ba sasagot ang mga ito sa kanya.


"Hay naku, ang drama ko na naman, ayoko na nga... haaaay... mahal na mahal ko po kayo Ma,Pa. Sana masaya na po kayo kung nandyan nab a talaga kayo sa langit."
Dagdag pa niya.


Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa kinaroroonan niya, isip niya'y sagot ito ng kanyang magulang sa mga pinagkukwento niya.


Nalipad ang ilang petals ng bulaklak patungo sa kanya, napadpad ang mga iyon sa kanyang relo, at agad siyang napatingin sa oras..


"waaaaah!!!! Male-late na ko sa klase ko, yari na naman ako nito kay sir! Ma, Pa, babye po mamaya dadaan ako ulit bago umuwi. Love you po!" sabaytakbo niya...

......

"Napapangiti ka na naman dyan, ano bang ginagawa mo? Pinapanood mo na naman siya no?" Tanong sa akin ni Gabriel

"Araw-araw mo na lang yan ginagawa, hindi ka ba nagsasawa?" tanong ulit niya.

Hindi pa rin ako sumasagot sa kanyang katanungan.

"Tandaan mo, hindi ikaw ang nakaatas na magbantay sa kanya." Sabi pa niya.

"Oo hindi nga ako, pero natutuwa ako sa kanya at para bang may kung anong pwersa ang humihila sa akin para bantayan siya." Sagot ko na may ngiti sa aking mga labi.

"Ngunit binabalaan kita Joshua, hindi ka maaaring lumabag sa kautusan ng kaharian."

"Alam ko Gabriel, alam ko."


Pagkatapos ng usapan naming ay ibinalik ko ang tingin sa aking pinapanood.

"Araaaaaaaaaaay!!, hay ang malas"

Natawa ako sa aking nasaksihan, nadapa si Hannah. Ngunit alam kong muli siyang babangon at magpapatuloy.

Natagpuan ko na naman ang sarili ko na nakangiti.

"Kahawig ka niya talaga." bulong ko sa aking sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon