Hello! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Sana magustuhan nyo. :)
CHAPTER ONE
"Haaaaays! Bakit kaya ang pogi ko?" sabi ko habang nakatingin sa salamin.
Hay nako Miko! Kinakausap mo na naman sarili mo. Ays yan! Muntanga ka.
"Tch! Bakit kasi ang boring ngayong araw ee." sabay hagis ng katawan ko sa kama. Galing no? Hinahagis hagis ko na lang yung katawan ko.
*riiiiing* *riiiiing*
Ayun! Buti na lang may nakaisip magpaka-call center ngayong oras.
"Hello?"
("J!") sagot sa kabilang linya.
Teka, sino ba to? Tinignan ko yung caller, baliw ee no? Sinagot ko yung call ng hindi tinitignan kung sino yung tumawag. Tsk.
"Handsome speaking. Ano problema Ches?" sabi ko.
Si Chester Justin Ponce. Ang bassist ng banda namin. Astig yan! May pagka-misteryoso at seryoso sa buhay nga lang. Pero minsan, baliw din yan.
("Practice daw tayo ngayon.")
BINABASA MO ANG
Ang Journal ng Heartthrob
Teen FictionMeet Mico Jay Castro, ang heartthrob prince ng Southridge Academy. Kilala siya bilang astig, gwapo, matalino, rich kid at multi-talented. Vocalist ng pinakasikat na banda sa Southridge Academy, ang I scream Band. Halos lahat na ata nasa kanya na. Ba...