Entry No. 2

135 11 4
                                    

Updated na! :D Enjoy reading mga bregs.

CHAPTER TWO

Hiyawan. Sigawan. Tilian. Teka, iisa lang yun diba? Hayaan na natin. Yan kasi ang nasasaksihan ko ngayon dito sa Southridge Academy.

Bakit? Ano meron? May limang gwapo kasing magpeperform ngayon sa stage.

"Let's give it up for, the I Scream Band!" sabi ng emcee na mas lalong kinaingay ng crowd.

"Ehem."

Yan palang sinasabi ko, pero yung mga babae dito lumalabas na yung litid kakasigaw. Halos maubusan na nga sila ng boses ee. Langya! Ba't ang wild nila ngayon?!

"Girls. Kalma. Alam kong masyado kaming gwapo kaya please tahimik muna." pagpapakalma ni Jaycee sa kanila. Pero mas lalo ata silang naging wild. Putspa!

Ewan ko. Hindi naman sila ganyan kapag wala kami sa stage o hindi kami nagpeperform. Parang normal na estudyante nga lang kami 'pag naglalakad sa hallway ee. Siguro nahihiya lang sila na mag-approach samin o iba lang talaga yung dating namin pag nasa stage?

"Good Morning Southridge Academy! Mukhang buhay na buhay na umaga natin aa? *chuckle* Tama yan. First day of school dapat masigla tayo. Orayt! Let's do the first day high!"

*drum beats*

"First day high!" sabay sabay na sigaw naming lima.

"Nasasabik sa unang araw ng eskwela. Taas kamay with confidence, let's do the first day high!"

"First day of school laging may kaba, sino ba naman ang gustong mag-isa. Sana may cute na makatabi, may bagong kaibigan pagkatapos ng klase."

"Lakas loob hanapin ang katropa, sumabay sa saya..."

"Let's do the first day high!"

"Nasasabik sa unang araw ng eskwela. Taas kamay with confidence,"

"Let's do the first day high!"

"Umaapaw sa talino,"

"Do the brainy high." -Jaycee.

"Kung mayaman si papa,"

"Do the sossy high." -Dan.

Natawa sila sa ginawa ni Dan. Parang beki ee.

"Pag mahilig ka sa sports,"

"Do the MVP high." -Troy

"Kung cool ka at astig,"

"Do the rebel high." -Chester.

"Pag solid sa bait,"

"Do the nice guy high." -silang apat.

"Itaas ang kamay!"

"Let's do the first day high!" -yung apat.

Nakisali na rin yung crowd sa pagrakenrol namin hanggang sa matapos yung kanta.

Naghiyawan ulit sila na may kasamang palakpak. Ngumiti naman ako sa kanila kasi nakita kong pinipictyuran nila ako ee. Para naman hindi ako mukhang nakastolen sa camera nila.

Habang nililibot ko yung paningin ko sa mga babaeng nasa baba ng stage at nagkakagulo, may isang babae ang pumukaw ng pansin ko. Nandun lang siya sa gilid at tahimik na tumatawa sa mga babaeng kinikilig sa harapan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Journal ng HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon