chapter 9: rumors

22 3 0
                                    

Alexia Eve's point of view

Maaga akong nagising at agad na bumangon. First day of school ngayon, at ayokong malate. Kahit medyo kinakabahan, kailangan kong gawin ito. Tumayo ako, kumuha ng damit, at nagtungo sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo, nag-ayos ako ng sarili-simpleng suot lang para hindi masyadong mapansin. Nang matapos ako, dumiretso ako sa kusina para magluto ng breakfast para sa amin tatlo. Simple lang-omelette at sinangag, sapat na para sa isang mabilis na umaga.

Saktong pagkalapag ko ng mga plato sa mesa, lumabas na sina Selene at Lux mula sa kani-kanilang kwarto. Parang sakto ang oras nila palagi. "Good timing," sabi ko habang inilalagay ko ang huling plato. "Tara, kain na tayo."

Nakangiti si Selene habang umupo, at si Lux naman ay tahimik na pumuwesto sa tabi. Kahit simple lang ang agahan, tila laging magaan ang pakiramdam kapag kasama ko sila

Masaya kaming nag-uusap habang kumakain ng agahan. Si Selene, gaya ng dati, ay nagkukuwento ng mga random na bagay na nangyari sa kanya kahapon. "Alam mo ba, may nakasabay akong pusa kahapon sa labas ng bahay! Parang sinundan ako hanggang sa pinto," sabi niya, tumatawa pa.

Si Lux naman ay tahimik lang, pero paminsan-minsan ay sumasagot siya kapag tinatanong ni Selene. Ako? Nakikinig lang at natutuwa na masaya ang umaga namin.

"Ang aga aga, pero andami mo nang kwento, Selene," pabirong sabi ko habang humigop ng kape.

"Syempre! Alam mo naman ako, maraming ganap," sagot niya na may ngiti.

Pagkatapos naming kumain, agad silang nag-ayos. Ako rin, nagmamadali na ring tapusin ang pagligpit ng pinggan. "Ready na kayo?" tanong ni Lux habang inaayos ang kanyang bag.

Tumango ako. "Oo, tara na."

Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay, dala ang mga gamit para sa school. Sumakay kami ng kotse, si Lux ang nagda-drive, at habang nasa daan kami papuntang university, tahimik lang si Lux, pero si Selene hindi pa rin nauubusan ng kuwento.

"Tiwala lang, Alexia. Magugustuhan mo ang university," sabi niya, tumingin sa akin at ngumiti ng malawak.

Napangiti na lang ako, kahit may kaba. Sana nga, tama si Selene.

---
Pagdating namin sa school, agad na bumungad sa akin ang mga titig ng mga estudyante. Nagbubulungan sila, at ramdam ko ang mga mata nilang sumisilip sa akin. Naiilang ako, pero sinusubukan kong hindi ipakita.

Habang naglalakad kami sa hallways, rinig ko ang mga bulong ng mga estudyante.

"Nakita mo ba yun?" narinig kong sinabi ng isang estudyante sa likuran ko. "Sino kaya siya? Bakit kasama siya ni Lux at Selene?"

"Ang panget naman niya!" sagot ng isa pa. "Wag na wag siyang lalapit sa aking Lux o sa susunod na magiging alpha."

Medyo na-offend ako sa narinig, pero pinili kong wag na lang itong pansinin. Hindi ko na kailangan pang dagdagan ang stress ko sa unang araw ng klase. Pero isang bagay ang hindi maalis sa isipan ko-ang sinasabi nilang alpha. Ano bang ibig sabihin nila?

Naputol ang pag iisip ko ng magsalita si selene. " Alexia ok ka lang? Nandito na tayo sa classroom mo." Sambit niya na may pag aalala.

Ngumiti ako at sinabi na, "oo salamat sa paghatid."

nagpaalam na sina Lux at Selene. "Sige, Alexia, good luck sa first day mo," sabi ni Selene, habang si Lux ay nagbigay ng isang maliit na ngiti.

" Sabihin mo sa amin kung may mangulo sa iyo ha, Ako bahala." Napatawa naman ako sa sinabi nya at nagba-bye na.

In The Lion's DenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon