ุุุุุุI was cleaning the dishes when suddenly, I heard some creepy noise. Para itong umuusad na kadena.
I wasn't alone, my friend Jillian is in her room. Bagong lipat lang ako rito sa apartment na tinutuluyan niya. Hindi ko nalang pinansin ang narinig saka pinag patuloy ang ginagawa.
Matapos maghugas ay pumasok na ako sa kwarto naming dalawa, nakita kong nakahiga sa kama niya si Jillian habang nag c-cellphone. Humiga nalang din ako sa kama ko at agad na pumikit, marahil dahil narin sa pagod kaya mabilis din akong nakatulog.
Bigla na lang akong nagising, it's already 3:30 in the morning. Sinilip ko si Jillian at nakitang mahimbing itong natutulog. Pabalik na sana ako sa pagtulog nang makarinig ng mahihinang kaluskos.
Parang tinambol ang dibdib ko dahil sa kaba, naririnig ko na naman kasi ang mahihinang kalansing ng kadena.
Wala akong balak usi-sain ang naririnig kong iyon dahil hindi naman ako ganon katapang para subukang alamin kung saan ito nanggagaling. Pumikit na lamang ako at nagtagklob ng kumot.
Maya-maya lamang ay lumalakas ang tunog ng kadena, para bang malapit lang ito sa akin. Halos hindi na ako makahinga nung makarinig pa 'ko nang mahihinang hikbi. Tila ba umiiyak ang kung sino, imposible namang may umiiyak ng ganitong oras. Ang balita ko rin ay ilang araw ng hindi umuuwi ang nakatira sa kabilang apartment.
"Tulong.."
Sh*t!
Naiiyak nako sa sobrang takot, hindi ko na alam ang gagawin ko. Boses babae ang naririnig ko at sh*t! Malapit ito sa'kin. Ramdam kong nasa gilid ko lang sya put*ngin@!
Nang nag mulat ako ng mata ay umaga na. Napabalikwas ako ng bangon at saka tiningnan ang sarili. Ang bilis ng tibok ng puso ko, naiyak nalang ako nang maalala ang napanaginipan ko kagabi. Panaginip lang yon diba? Putangina.
"Maria! Gising na mag almusal kana!" Bahagya akong nagulat nang sumigaw si Jillian mula sa pintuan. "Tara kain?" Tumango nalang ako at tumayo na sa higaan. Kinuwento ko kay Jillian ang napanaginipan ko kagabi, kahit siya ay natakot din sa kinuwento ko.
Kinagabihan ay hindi ako mapakali, kanina kase habang nasa banyo ako, nakarinig na naman ako ng kalansing ng kadena. Nababaliw na yata ako! Nahiga na lang ako at pinilit matulog. Ngunit katulad kagabi, nagising na naman ako, sigurado na'ko ngayon na hindi na ito panaginip.
Tumayo ako sa higaan dahil nakaramdam ako ng pagka-ihi. Habang nasa loob ng banyo ay kumakanta ako para hindi ako masyadong matakot. Natigil lang ako sa pagkanta ng marinig na naman ang kalansing ng kadena. Nanginig ako bigla sa takot, mabilis akong lumabas ng cr saka bumalik sa kwarto namin, kaso bago palang ako makalapit sa pinto ay may nakita akong nakatayong babae roon, nakaputing damit na may mahabang buhok. Pansin ko rin ang mahabang kadena niya sa bandang kamay at paa.
Sa sobrang takot ay hindi ko nakayanan, bigla na lamang nandilim ang aking paningin.
Nagising ako na masakit ang ulo. Narito nako sa kwarto namin ni Jillian.
Bumungad sa'kin si Jillian ng may puno ng pagaalala sa mukha. Sinabi niya sa'kin ang nangyari at kinilabutan ako don, kaya naman kinuwento ko ang lahat sa kanya nang umiiyak.
Hindi umalis sa tabi ko si Jillian. Nasa banyo ako para sana maligo, kinapa ko muna ang bulsa ko kung may laman ba ito para hindi na masama sa marumihan, wala akong ibang nakapa maliban sa isang matigas na papel.
Isa itong litrato ng hindi pamilyar na babae at lalaki. Inisip ko nalang na baka kay Jillian ito at nalagay niya lang sa bulsa ko.
Pagkatapos maligo ay lumapit ako kay Jillian at inabot sakanya ang litrato, nagtataka man ay kinuha niya rin ito at tiningnan. Nagtataka niya pa akong sinulyapan matapos makita ang litrato.