"Bugto"
- salitang bisaya na ang ibig sabihin ay "kapatid".
...
Sa bawat relasyon may isang taong nahuhulog... merong nasasaktan sa huli.., meron namang nagtatagumpay. Merong taong naduduwag kaya hindi niya maamin ang nararamdaman, at meron namang pinangangalagaan lang ang pinaghirapang pagkakaibigan at pinagsamahan.
***
*1 message received*
From: Bugto
"Ate, may problema ako :("
.
text niya sa akin.
Siya ang Kapatid ko. Pero hindi kami nanggaling sa parehong sinapupunan. Or better yet, hindi kami galing sa parehong nanay. Kapatid lang ang turingan namin dahil mula pa man noon, para na kaming magkapatid sa lahat ng bagay. Nagsasabihan ng mga problema... nagbibigay ng advices... at pinapasaya ang isa kung may isa man sa aming may problema.
.
To: Bugto
"Oh, Ano naman yun, kuya?"
*Message Sent*
.
Ate at kuya naman ang tawagan namin. Minsan nga nakakatawa, eh. Kasi maraming kaibigan namin ang nagsasabing "Magkapatid kayo?!"
Yun bang nabibigla pa sila. Siyempre sinasabi namin ang totoo. Pero di talaga maiwasan ang panunukso nila sa amin. Maraming nagsasabing "oy,bagay kayo", o kaya nama'y may magtatanong ng, "magkapatid ba talaga kayo, o mag-syota?"
Tinatawanan na lang namin 'yun kasi alam naman namin na malayong mangyari yun. Hanggang dun lang siguro kami.
.
From: bugto
"gusto ko nang makipagbreak sa kanya... hindi kasi ako deserving sa pagmamahal niya. Wala siyang future sakin... ngayon pa na magka-college na kami pareho, baka ako lang makasira sa pag-aaral niya. :("
.
Oo nga pala, may girlfriend na siya. Gwapo naman siya, cute, at mabait. Idagdag mo pa ang karisma niya, kaya imposibleng walang magkagusto dun.
Pero gaya nga ng sinabi niya, gusto na raw niya makipagbreak sa girlfriend niya. Di ko nga siya maintindihan minsan, though napakabait naman niya at gusto niyang gawin yun para lang sa kapakanan ng girlfriend niya.
.
To: bugto
"Huh? bakit ganun? usap tayo bukas, ah. Kailangan linawin mo yan sa kin."
*Message Sent*
.
Summer noon at enrolled kami sa isang one-summer program ng isang subject. Bagong graduate kami ng highschool at pinili naming i-summer nalang yun para hindi na kami maging busy masyado pagdating ng regular classes sa college.
kinabukasan nun ay magkikita kami para sa ikaapat na araw ng klase kaya sinabi kong sa araw na yun na lang kami mag-usap. Bukod kasi sa skul ay hindi na kami masyadong nagkikita dahil malayo ang bahay nila sa amin. Nag-uusap lang kami through text, tawag, pag tumatambay, o di kaya'y pag nasa skul lang.
Siyempre nalulungkot ako kasi hindi namin masyado nakakausap nang personal ang isa't isa. Bihira na lang kami nagkakamustahan, at bibihira na lang kung magbahaginan ng mga masasaya, at nakakalungkot na experiences namin.
Big deal na yun para sa akin. magkapatid kami, eh. Kaya dapat lang naman ata...
Siguro nga hindi ko maintindihan ang sarili ko tuwing nandyan siya... o yung nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya, kung papalapit ako sa kanya, kung maggu-good night siya, o kung mag-a-"I love you bugto" siya...
Inaaminin kong kakaiba ang nararamdaman ko pagdating sa kanya, at sa lahat ng bagay na patungkol sa kanya...
BINABASA MO ANG
"Bugto" (One Shot Story)
RandomAko ang ate niya, siya ang kuya ko. Hindi man kami tunay magkapatid, yun naman ang turingan namin sa isa't isa. Pero ang sabi pa nga nila, sa bawat relasyon, palaging may nahuhulog. Ngunit kaya mo bang aminin sa kapatid mo ang nararamdaman mo kapali...