Sunny's POV
"Aray ko naman bakit may pos....ikaw?"
Di naman pala poste ang nabunggo ko. Si kuyang tinulungan ko dati.
Nakayuko ito at inabot ang kamay nito sa akin. "Sorry about that, okay ka lang." tinanggap ko naman ang kamay nito at ngumiti.
"Okay lang po ako kuya, sorry rin masyado po akong naaliw sa lugar kaya di kita napansin. Ano po pala ang ginagawa nyo rito?"
"I just met a friend, how about you, anong ginagawa mo rito gabi na, shouldn't you be at home.
"Umm? Naglalakad lang po ako kuya para magpahangin, pauwi na rin naman po ako eh."
"I see, since you're not busy do you want to come with me." nabigla naman ako sa tanong nito.
"Kung okay lang po sa inyo kuya wala pong problema. May alam po akong lugar hehe."
Di ko na ito hinayaang magsalita at basta na lang hinila ang kamay nito.
Nandito kami sa park ngayon. Maganda rito dahil kahit gabi may nagtitindang pagkain rito pero kadalasan mga turo-turo at palamig lang.
Agad ko namang nakita si mang kanor, ang lagi kong pinagbibilhan ng fishbol.
"Magandang gabi po mang kanor, may tinda pa po ba kayo?"
"Oh Sunny nandito ka pala, syempre marami pa. Sino paa yang mukhang mayaman mong kasama?"
Nakalimutan kong kasama ko pala si kuya.
"Hehe bago ko pong kaibigan kuya." ito na lang ang sinabi ko kasi di ko pa naman alam ang tungkol dito maliban sa tinawag syang boss ng lalaking pumunta sa bahay dati.
"Ah sige, anong gusto mo?"
"Dalawa nga pong tig be-benteng kikyam, fishbol, at kwek-kwek tapos dalawang sampung-pisong palamig."
Agad namang hinanda ni mang kanor ang inorder ko.
Napatingin naman ako kay kuya. "Umm alam kong di po kayo kumakain ng street food pero sabi nga ng mga sosyal, there's a pirs time for ebrytime....tama ba yun kuya."
"Haha? it's there's a first time for everything, your close so that's fine." napakamot na lang ako sa sinabi nya sa huli.
Ano ba yan, ang hirap naman ng ingles.
Magsasalita pa sana akong marinig ko ang boses ni mang kanor "Ito na yung order mo sunny sixty-five lahat."
Kinuha ko naman ang wallet at binuksan ito. Napalaki naman ang mata ko at tumingin kay mang kanor na may kasamang pilyong ngiti.
"Hehe mang kanor pwedeng bukas ko na lang bayaran. Nakalimutan kong binigay ko yung perang dala ko sa batang na kilala ko kanina. Pramis babayaran kita bukas, may tubo pa kung gusto nyo." pakamot kong sabi.
"Haha okay lang kung kailan mo na bayaran kilala naman kita." sabi nito
"I'll pay for it, will this do."
Napatingin naman ako kay kuya at nakita ko itong may hawak na isang libo.
Napakamot na lang ako sa ulo at tumingin kay mang kanor na napakamot rin sa ulo.
"Sobrang laki naman yan iho may barya ka ba?"
"Oh..um....pamigay nyo na lang ang paninda ninyo para makauwi na po kayo. Ito po tatlong libo."
"Naku salamat iho sige gagawin ko." sabi ni mang kanor.
Napalingon naman sa akin si kuya. "Okay na ba para sayo ang inorder mo?"
BINABASA MO ANG
Mafia Lover Series #1: The CEO
General FictionSkylar Johan De Silva has it rough in life. After losing his mother to childbirth, his father had gone missing, and his girlfriend of 3 years broke up with him, he's basically a walking bad luck. Atleast he has friends to listen to his life story. A...