HAPPY EVER AFTER SPECIAL CHAPTER

6K 112 19
                                    

Author's note:
Hello guys na publish ko na po yung MY HOT HOUSEMATES SERIES 2: WHAT IF IT'S US yan po yung story ni Mark at Jarred and try niyo din pong basahin ang BAD ROMANCE nandiyan po si Maxwell. I hope na na magustuhan at suportahan niyo din po ang mga bagong mga story ko salamat.

SEAN KIM P.O.V

Maaga palang ay gumising na ako dahil first day ngayon ni Allen sa trabaho. Tahimik akong bumangon akong para hindi ko magising si Allen dahil napuyat siya kagabi sa ginawa namin. Pagkalabas ko ng kwarto ay bumaba ako papuntang kusina balak ko siyang lutuan ng masarap ngayong umaga para ganahan siyang magtrabaho mamaya.

Ilang minuto akong nakatayo sa harap ng ref dahil hindi ko alam kung anong lulutuin ko usually kasi si allen ang palaging nagluluto sa amin.

"Ano kayang lulutuin ko?" tanong ko sa sarili ko

"What if mahiga nalang ako sa mesa total mas masarap naman ako kesa sa kahit anong pagkain" tumatawang sabi ko

Napag desisyon ko nalang na magluto ng itlog hotdog at bacon yun lang kasi ang madaling lutuin. Nang matapos akong magluto ay umakyat na ako ng kwarto para gisingin si Allen. Sobrang himbing parin ng tulog niya kaya nilapitan ko ito at ginising.

"Babe gising na malalate ka na sa trabaho mo" malambing na sabi ko

"5 minutes pa babe inaantok pa ako eh" parang batang pagmamaktol Niya

Nung ayaw niya talagang magising ay tumabi ako sa kanya at kiniliti siya.

"Ano ba Sean inaantok pa nga ako eh" sabi niya

"Anong sabi mo sean?" tanong ko sa kanya at pinalo ang puwetan niya

"Arayyy! ano bang pangalan mo diba Sean?" sagot niya

"Babe kasi Sean ka ng Sean eh" kunwaring galit galitan ko

"Edi babe" sabi niya

"Bumangon kana diyan at magluto ka ng aalmusalin mo" sabi ko at agad na lumabas ng kwarto at pumuntang kusina.

Ilang minuto bago lumabas si Allen sa kwarto. Hindi ko na siya inantay at kumain ako ng almusal. Pagkalabas niya ay agad siyang dumeretso sa ref at kumuha ang hotdog at itlog.

"Anong gagawin mo magluluto ka?" tanong ko sa kanya

"Oo di ba sabi mo magluto ako ng aalmusalin ko" sagot niya

"Tapos na akong magluto babe ang dami neto oh" sabi ko

"Edi ubusin mo problema ba yun?" walang pakialam na sagot niya

"Ginagalit mo talaga ako Allen?" tanong ko sa kanya

"Hindi Naman Sean Kim" sagot niya na mas lalong kinainis ko

Tiningnan ko siya ng masama pero ang loko inirapan niya lang ako.

"Kakainin mo tong niluto ko o ikaw ang kakainin ko?" tanong ko kay Allen

"Gahaman ako eh pwede both?" pilyong sagot nito sa akin at naupo na at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumasok ng banyo at naligo dahil may trabaho din ako. Pagkatapos kong maligo ay lumabas agad ako ng kwarto para kunin ang mga gamit ko para sa trabaho.

"Babe dalian mo diyan at baka malate ako" sabi ni Allen kaya binilisan ko ang pagkilos.

Hinatid ko si Allen sa pinagtratrabahohan niya bago ako pumuntang opisina. Ako na ngayon ang nagpapatakbo ng kompanya ng pamilya ko. Dahil nagkasakit si daddy simula ng magkahiwalay sila ni mommy. Si Krist naman ay nasa pangangalaga ni Eunice at minsan ay dumadalaw din si Krist sa bahay dahil parang tatay na ang turing niya sa akin kahit ang too ay kapatid ko siya. Close din naman si Allen at Krist kaya walang problema kung minsan ay iniiwan siya ni Eunice sa amin.

My Hot Housemates [COMPLETED]Where stories live. Discover now