CHAPTER 3

3 2 0
                                    


Maaga akong nagising dahil nga sa may pasok ako ngayon sa resto. Tulog pa rin siya kaya iniwan ko na lang sa kama. Mamaya pagsasabihan ko na lang 'to na sa labas matulog. Kailangan ko muna itong tulungan dahil sa hindi siya makaalala e baka mapano, konsensiya ko pa kung ankng mangyayari sa kaniya.

Hayst, dati nangyayari lang ito sa mga nababasang libro ko e, magkakaroon ng amnesia tapos ano, babalik sa tino tapos lalayasan nag alaga? Hayst! Napakamot ako sa ulo bago pumasok ng CR para maghilamos. Lulutuan ko na lang siguro siya ng almusal at tanghalian niya baka sabay kaming mag hapunan.

Naligo na ako, sinuot ang uniform ko sa trabaho, nag susuklay ako ng bumangon si Yogurt mula sa higaan niya.

"Maaga pa, matulog ka muna." Sabi ko rito habang nilalagyan ng palamuti ang mukha ko.

Hindi ito nagsalita bagkus ay tinitigan lang ako, mula sa salamin. Humarap ako rito. "Bakit?" Medyo mataray na sagot ko rito.

"Aalis ka?" Tanong nito sa akin sa bagong gising na tono.

"Oo, may trabaho ako e." Ani ko at sinimulan kunin ang bag ko.

"Handa na ang pagkain mo, yung cellphone mo tabi mo lang 'yan sa'yo para kapag kailngan mo ng tulong press mo lang ng matagal 'yung one, ha?" Pagpapaalala ko rito nasa labas na ako ng pinto at akmang aalis na ng higitin nito ang pulsuhan ko.

"Bakit?"

"Wag kang umalis..." sabi niya sa mahinang boses.

"Hindi pwede," tinanggal ko ang kamay niya sa akin. "Aalis na ako ikaw na ang bahala sa bahay, ha!" Hindi ko na inantay ang sagot nito dahil sa nagmamadali na rin akong mag sapatos. Humarap pa ako rito bago isara ang pinto.

"Bye," Sabi ko.

Maraming tao sa restaurant namin ngayon, dahil sa celebration ng Mother's day, may pa free ice cream kami para sa mga ina, nanay, mama, o ano pang tawag sa magigiting na ilaw ng tahanan.

Break time ko ngayon at kakain na ako nang maramdaman kong nag vibrate ang cellpone ko ay nilabas ko agad 'yon.

Tumatawag sa akin si Yogurt. Ano kayang kailngan no'n. "Hello?" Sagot ko sa tawag niya.

"Napaso ako masakit," ani nito sa kabilang linya. "Hindi nakakamatay 'yan, lagyan mo ng toothpaste sa cr." Suhestiyon ko sabay subo ng kinakain ko.

Pinatay ko na ang tawag at nag simula ng kumain...

Nag vibrate na naman ang cellphone ko kaya, sinagot ko ang tawag ni Yogurt.

"Bakit?" Saad ko sa binata.

"Uuwi ka hindi ba?" Sabi nito. Napakunot ang noo ko.

"Malamang bahay ko 'yan, saan ako matutulog kung hindi ako uuwi?" Straightforward kung sagot rito. Kanina pa niya ginugulo pagkain ko e, in 30 minutes tapos na break ko!

"Ibaba ko na, mamaya na lang tayo mag usap." Sabi ko rito, saka hindi na inantay pa ang sagot niya dahil pinatay ko na iyon.

Inayos ko na ang sarili ko para sa trabaho ngayon, paglabas na paglabas kita mo talaga ang dami ng tao. 'Yung iba take out na lang dahil sa walang mauupuan, sikat talaga sa buong Manila itong Cuisine Alehambra restaurant. Pagmamay-ari raw ito isang Half-Filipino and Half- Arabian businessman. Hindi ko pa siya na m-meet kasi hindi pa siya nakakapunta rito, pang 15 branch sa Manila.

"Yes, on it." Ani ko nang may makausap akong costumer. Kahit gabi na ay kita mo pa rin ang dami ng tao.

"Bree, hindi ata tayo makakauwi ng maaga sabi ni ssob!" Bulong sa akin ni Lenuel. Kumunot naman ang noo ko at bahagyang humarap dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MEMORIES OF WAVES (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon