A/N: Hi sa inyo. Kung may nagbabasa aba congratulate sayo. ^_^ Natiis mo ang aking poor narrating skills xD. (Kristine in her uniform sa multimedia section
Yuki's POV
Lumipas ang April at May na walang Andy. Tanggap ko na. Pinagpalit niya ko sa pangarap niya. Oh shit hirap magpanggap. Oo tama hindi ko nga tanggap. Hinding hindi kahit kelan.Ngayon enrollment ko na. Bagong mukha bagong kaibigan at higit sa lahat bagong environment. Jusko pagdating ko agad sa PUP, chuk, haba ng pila para sa pasahan ng requirement. Take note: requirements. PUP nga to. Pila ulit pila. Napagdesisyunan kong kumuha ng Mechanical Engineering dito. Sana talaga makaya ko yun. ^_^ But i have a big problem last day na ng enrollment. Hindi kasi ako nakapunta agad sa enrollment, binulutong ako. Hiya ko naman sa kanila diba. Wala na tuloy korean skin ko. Nawala na. 138 ang PUPCET score ko. What do you expect Valedictorian si gago eh. Pag academics ang galing galing ko pero pag love life ang tanga tanga ko. Nakakainis. Pagdating ko sa Enginerring Building para sa interview. Wow as in sabaw wala ng slot sa kahit anung engineering course. Wala. Math naman ata yung Accountancy. Favorite ko Math wag kayong anu jan mahal ako ni Mathematics. Siya hindi niya ako iniwan kahit kelan. Pagdating ko sa building ng accountancy aun last section si gago. Tinake ko na kesa naman magPsych ako. Interesting kasi yun pero parang mas kailangan ko ng course na ikakayaman ko para pag nagkita kami ng Andrew ko, Ako lang naman yung sinayang at pinagpalit mo para sa kasikatan mo. Bitter ko no. Wala eh minahal ko ng totoo.
Finally at last, nkapagenroll din ako after 2 consecutive days na puro pila there pila here pila everywhere. Tapos rally dito rally jan rally everywhere. Wag daw itaas ang tuition. 12php na nga lng per unit aangal pa yan. I'm an official BS-Accountancy Student sa PUP na may dos policy. Dos policy is a rule in the course of Acco na prohibiting students to gain lower than dos in our major subjects like: Accounting, Math, English, Law Computer and Finance. Kmusta tapos every sem 29 units with summer term. Ito po ang dahilan ng pagkakaroon ng real life zombie in the Philippines xD
Pero kahit last section ako lahat kame valedictorian. Yung iba katulad ko hindi nakaattend. Yung iba naman hindi pumasa sa drawing aptitude. Tapos may iba namang last minute nagdesisyon lumipat sa Sintang Paaralan.
Next Monday 1st day of class. Public school to no iba sa private so sana maka-in ako sa mga trip nila.
Pagkalipas ng isang linggo na puro paglulugmok lang ang ginawa ko sa kwarto ko. Ayun sabi ni mama sorry daw dahil nasa crisis daw ang kumpanya nina lolo ko sa Japan. Kaya pala pinupush ako sa PUP. In short nagiging mahirap na kami. Wag niyo ng tanungin kung bakit ako lugmok. Malamang sa malamang dahil kay Andy. Don't bother to say kaya mo yan makakamove on ka din. Manahimik ka. Wala kang alam. Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang palaging iwan.
First day of class na. I just wore a simple black shirt with matching tight jeans and high cut shoes. I put lotion and perfume to make myself presentable. Banidoso kasi po talaga ako. I even styled my hair like koreans do. Pero nagsisi ako na nag-ayus ako ng ganun. Ang init sa Sintang Paaralan. Nanlalagkit yung feeling ko dahil sa lotion na nilagay ko. Tanga ko diba? Sinabi ng hindi na ako nasa private eh.
I sit in the very back. Ayaw ko makaagaw pansin but everybody in the class is looking at me until someone asked me: "Hi. Uhm, I'm Joselito and you are? Are you a Korean or a Japanese?" Whoah. Did they really think I'm a foreigner. Hahaha. Ok let's try.
"Annyeong. Lee Jong Il imnida. Nice knowing you. ^_^" sabi ko yan sa kanya.
Siyempre special treatment pagforeigner ka. Biruin mo yun naloko ko silang lahat na isa ako. I even have a fake call tapos nagkorean ako kuno. Tapos ayun sayang walang Andy edi sana pinapunta ko siya para... *sigh* Nevermind iniwan ka na nga lang niya bigla eh. Hindi binigyan ng pagkakataon.
Natapos ang tatlo kong klase nun. Kanina ko pa gusto istretch yung mga binti ko hindi ako sanay umupo sa armchair. Hindi naman kasi ganto sa dati kong school. May upuan kami tapos may lamesa din at hindi sila magkadikit. Tapos init na init pa ko. Stress ako nung araw na yun.
Pagtawid ko. Walking distance lang naman ang apartment na nirent ni mama para sa aming tatlo kasi napagdesisyunan nila na dito na kami lahat mag-aral. Yung problema ko lang is yung sa kuya ko. Remember what have he done to me. Hindi kami nagpapansinan. Pero wala akong paki kung ganun. Nevertheless, nakita ko yung kaklase kong morena. Tang-ina masasagasaan si gago. Ako naman si gago umiral ang pagkasuperman tinakbo si classmate. Aun sabay hila kasi mababangga siya.
"Hoi babae. Anung plano mong gawin magpakamatay!? Dudumihan mo pa yung kalsada. Dun ka magpakamatay sa inyo" Sabi ko yan sa kanya. Tanga niya kasi eh. Laki laki ng kotse hindi nakitang mababangga siya.
"Sorry :3 wait, marunong ka magtagalog? Diba ikw yung koreano kong kaklase?" Tanong niya. Oo nga tanga kayo para paniwalaan yun.
"Oo naman at hindi ako koreano. May lahi lang akonh hapon kaya ganto chinito gwapito ako. Mag-ingat ka sa susunod. Nakakamatay ang pagiging tanga." Sabi ko sa kanya. Nilait ko siya na may halong concern.
"Salamat. Sorry hindi na mauulit" tugon niya. Namula pa ata siya. Can't blame her, Isang chinitong gwapito ang nasa harap niya ngayon.
"Sino ka nga? Im very sorry hindi ako memorable sa names kapag hindi chicks." Sabi ko. Im so rude. Ayaw ko na kasi maging pa goody lagi kang inaabuso pag ganun.
"Kristine, ikw c Jong Il dba?" sabay lahad ng kamay niya sa akin. Tinugon ko naman. Nagpapakatao lang. Ang pangit ng kamay niya. Mega kalyo everywhere sa hands. Talo ko pa siya kasi wala akong kalyo.
"Hindi Jong Il, Yuki na lang. Yukito ia my real name. Sige uwi na inaantok na ko. Nice knowing you Ms. Nerdy Bye." Sabi ko sabay alis. Inaantok na kasi talaga ako.
"Salamat Yuki" sigaw niya. Hindi ko pinansin. Nakakabulabog ata no.
Pag-uwi na pag-uwi ko sa bahay nagsabi agad ako kay mama na ayaw ko na dun. Nakakamatay. Ang sakit ng braso ko dahil 52 kami sa isang classroom kamusta naman yun diba? Ang init init pa. Sa dati kong school 15 lng kami sa star section di aircon pa. Oh dba? Kaso tiisin ko na lang daw wala daw silang panlipat sakin sa mga exclusive school dahil nabangkrupt yung business ni lolo at si mama ayun itinigil niya ang pagsisinger dahil nabuntis siya kaya naging clerk siya sa isang bangko.
Natulog na ako at nakakawindang ang araw na to. Sana namimiss mo rin ako Andy. Mahal pa rin kita kahit ginanito mo ko.
*itutuloy*
A/N: Sorry sa mga nagbabasa nito. Nag-audition po kasi ako sa kispinoy kaya ganun. Nagpractice ako at naghanap ng magarang costume. Ang saya lang. ^_^ Sana makapasa ako. By the way pag hindeh edi mega mega update ako everyday hahaha. Next Chapter is how Yuki became a real player at chickboy
BINABASA MO ANG
I'm a Chickboy
FanfictionChickboy- lalaking mhilig mglaro (normal meaning) Chickboy-pwede na sa chicks pwede pa sa boy. (own definiton) Samahan c Yuki sa knyang Journey.