#Two

147 11 9
                                    

Published : April 30, 2015

Kaye's POV

"Bestfriend! Sorry ha? 'Di na ako nakapunta ng house niyo kahapon. Si kuya kasi umalis ng bahay, sa akin tuloy naiwan lahat ng household chores." Sabi ni Andrea habang naglalakad kami papunta ng classroom. Halata sa boses niya ang pagkabadtrip. Nakakatuwa tuloy siyang tignan. Lol.

"Ano ka ba, ayos lang yun no. Saka kaya ko namang magmove on mag-isa. Dali lang pala. 'Di nga ako umiyak e." Sagot ko sa kanya.

Hay naku. Napakasinungaling ko talaga. Hindi naman talaga ganun kadali magmove on e. Ang dami ko ngang nagamit na tissue kahapon. Kung makapag-emote nga naman kasi ako parang nangaliwa 'yung boyfriend ko. >.

"Sigurado ka? E bakit ang putla ng mga mata mo?" Tinaasan pa niya ako ng kilay habang nakangiti. Gusto lang ata ako nitong paaminin e.

"Nakalanghap kasi ako ng usok kanina sa daan papuntang school. Lam mo na." Nakangiti kong sagot. Naku. Sana naman gumana 'tong palusot kong 'to.

"Talaga? E 'di ba nagtataxi kayo ni kuya Jim papunta dito? Wag mo sabihing tumagos 'yung usok sa bintana nung taxi."

BOOM PANES.

"Hay naku. Oo na! Umiyak ako. Pano ba naman kasi, sa twing nakikita ko 'yung picture nila sa IG, ang dami ng like. Kung may dislike lang sana sa Instagram, pinindot ko na e. Para naman malaman ng superman na 'yan na supermanhid niya talaga."

"Woah. Woah. Kalma lang, bestfriend. Baka atakihin ka niyan e. 'Di bale, irerequest natin 'yang dislike button sa official page nila, okay? So ano, tara na sa room?"

"Sige."

Habang naglalakad kami ni Andrea papasok ng classroom, nakita naming naglalakad si Tyrone kasama ang girlfriend niyang nang gayuma sakanya. At grabe, magkaholding hands pa silang dalawa.

"Kaya mo 'yan, bestfriend. 'Di ka iiyak, I'm here for you." Pang cheer up sa akin ni Andrea. Kahit kelan talaga love ko 'to e.

Nagpaalam si Tyrone sa girlfriend niya at naglakad papalapit sa amin.

"O Kaye, nabasa ko yung post mo kagabi sa FB a. Sana makapagmove on ka na diyan sa maling taong minahal mo para 'di naman maapektuhan ang grades mo." Nakangiti niyang sabi sa 'ken. "Sige, pasok na 'ko."

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mas lalo pang mabibwisit sa narinig ko.

"Superman talaga 'yun! Super sa kamanhidan! Grabe. Kung alam niya lang na siya yung tinutukoy niyang maling tao sa post ko.. Naku, grabe talaga!"

"Anong sabi ko sayo? Kalma, diba? Makakapagmove on ka din dyan sa supermanhid na Tyrone na 'yan."

"KYAAAAAH! Parating na siyaaaaa!"

Aray ha. Ang akala ko kasi tapos na ang concert ng 1D, bakit 'di pa rin sila makaget-over sa tilian? Masakit po sa ears.

"SI ETHAN ANDIYAN NA! UWAAAA!" Sinong Ethan? Ano bang meron? Daga? Ipis? Palaka? Nakakatakot ba yan?

"ETHAN! PAKASALAN MO NA AKO!" Ay grabe, te. Taray a. Kayo na ba? Kasal agad? Exaggerated, huh. Saka ipis ang papakasalan mo? Nag iisip ka ba?

"BABY ETHAN! I'M HERE!" Sino ba 'tong Ethan na 'to? Ang akala ko ipis e, baby pala. Baka baby na ipis.

"KYAAAAH! ANG HOT NIYA!" Ah okay, gets na. Si Ethan ay isang baby na ipis na sobrang hot.

"OMG bestfriend!" Kinikilig na sabi ni Andrea. "Papalapit sayo si Ethan!"

"Huh? Asan? Wala namang ipis dito a." Tanong ko habang nakatingin ako sa baba.

"Ayan na siya. Ahihihi." Kinikilig uling sabi ni Andrea.

Napatingin naman ako sa biglang nagsalita sa harap ko. Saglit nga, ayan ba 'yung Ethan? 'Di naman pala kagwapuhan e.

"Excuse me, can I ask a question?" E baliw pala 'to e.

"You are already asking." Sagot ko. Agad naman akong siniko ni Andrea.

"Oh. Yea, you are right. I'm already asking. I'm sorry." Pag-apologize niya. "By the way, is this Grade 8 St. Margarette's room?" English speaking. Ang taray!

"Yes, dito nga."

"Then you must be my classmates. I am Ethan Gonzales, a transferee from Stanford University. How about you?"

"Eke se Endreye Gerceye. Nice te meet ye. Ehehehe." Aba, kelan pa naging E na lang ang vowels sa alphabet? Lupet a.

"Nice meeting you, Endreye?"

Natawa ako ng banggitin niya ang pangalan ni Andrea. Grabe, priceless!

"Andrea palangan ng loka lokang 'yan, hindi Endreye." Explanation ko.

"Ah. Eh ikaw? What's your name?"

"Kaye Cruz."

"You look familiar. Nagkita na ba tayo before?"

"Ewan ko ba."

"A-ako, Ethan! Nagkita na tayo." Singit na sabi ni Andrea.

"Really? Where?" Manghang tanong ni Ethan.

"Sa panaginip ko. Ahihihi."

Facepalm.

"I like your sense of humor." Sabi pa niya kay Andrea na mas nagpakilig sa lola niyo.

~*~*~*

"Good morning, class!" Bati ni Ms. Manalastas, adviser namin.

"Good morning, mam." Bati namin in chorus.

"Before we start our class, may I present to you your new classmate." Tinawag ni Ms. Manalastas si Ethan. Agad naman siyang pumunta sa harap. "Pakilala ka, iho."

"Hello! My name is Ethan Gonzales, 14. A transferee from Stanford University. Hope we can be friends." Nginitian pa kami na mas lalong nagpaingay ng tili ng mga kaklase kong girls at feeling girls. Of course, kabilang si Andrea.

Yung totoo? Ngumiti lang siya, kinilig na kayo? Grabe ha.

"Where do you want to take your seat, Mr. Gonzales?" Tanong ni Ms. Manalastas.

"Umm.." Nakita ko siyang napatingin sa akin. NOO! I don't want him replace me in my seat.

"I want to sit beside Kaye Cruz."

O___________________________________________________________________O

****
Pwede po bang makihingi ng Vote ninyo pleasse!

Thanks :)

Marked By Fate (Darren Espanto Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon