#One

352 12 13
                                    


Published : April 14, 2015

AUTHOR: Hello guys! Eto po pala ang first story ko dito sa #WATTPAD. I Hope you like it po ^~^ Sana po mag enjoy kayo sa 1st Chapter :) Thank you. :>

~*~*~*

Sabi nila, ang LOVE daw ay parang preso. 'Di mo dapat pakawalan, kundi magsisisi ka sa huli.

Para naman sa akin, ang LOVE ay ang pag-seset free sa taong mahal mo. 'Yung hahayaan mo siyang maging malaya kung saan siya masaya. Kasi kung mahal mo siya, rerespetuhin mo kung ano ang desisyon niya. Dahil sa LOVE, kailangan mong magsakripisyo para sa sake ng taong mahal mo.

Kaye's POV

Hi! I am Kaye Cruz, 13 years old. Nag-aaral ako sa St. Joseph High as a grade 8 student. I'm a proud GGSS :) Actually maganda naman talaga ako. 'Yun ang sabi sa 'ken ng mommy ko. Isa akong ordinaryong teenager na walang ibang alam na gawin kundi ang magpacute at iistalk ang crush kong si Tyrone Posadas, 'yung classmate ko. *0*

From: Andrea Garcia
Kaye! Nakita mo na ba yung pinost ni Tyrone sa Instagram kagabi? Kung nakita mo na, ay nako! Condolence sa'yo. Hayaan mo, bibisitahin kita dyan. Magdadala ako ng isang dosenang tissue roll para maibuhos mo ang lahat ng hinanakit mo. Haha! Chos!

30 mins ago..

Pagka bukas ko ng FACEBOOK ko yan ang unang kong nakitang message..

"Ano bang pinagsasasabi nitong si Andrea?" Pag momonologue ko. "Post ni Tyrone? Condolence? Nababaliw na ba siya?"

Sa sobrang pagka-curious ko, agad kong binuksan ang INSTAGRAM account ko.

Username: kayecruz
Password: ********

Sign in!

Ini-scroll ko agad ang News Feed upang hanapin ang post ni Tyrone na kinalolokohan nitong si Andrea.

O.O

Bigla na lang natigil ang mundo ko nang makita ko na ang sinasabi niyang post kagabi.

"H-hindi to pwede!"

Picture ni Tyrone at isang babae, nakaholding hands silang dalawa. At may caption pang: "princetyrone: Sa wakas, sinagot mo na ako iamclarissa. Thanks for letting me enter your life. #Happy #Inlove #BlessedToHaveHer"

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nagkulong na lang ako sa kuwarto at doon umiyak. Kahit crush ko lang si Tyrone, hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Weird.

Binalikan ko na lang ang sinabi sa akin ni Andrea sa Facebook at sinagot ko siya.

To: Andrea Garcia
Thanks for informing me. #HeartBroken

Sent!

"Sino ba itong babaeng to? E mas maganda pa ako dito. Naku! Ngayon ko lang nalaman na ang poor pala ng taste ni Tyrone." Sabay turo ko pa dun sa picture ng dalawa. Kainis talaga!

E totoo naman e. Ginayuma lang ata ng babaeng 'to si Tyrone ko. Magkano kayang pinambili niya't naparami ata.

Napahiga ako sa kama at huminga ng malalim.

"Relax Kaye. Ibuhos mo na lang 'yan sa FB nang mawalan ka kahit kalahati lang ng tinik sa puso mo."

Kaye Cruz
Minsan lang tayo magmamahal pero bakit ganun sa maling tao pa? #WrongChoice Feeling-Sad

Post!

Wala pang isang minuto pagkatapos kong ipost 'yun ay may pumatak na agad sa Notification ko. Cli-nick ko iyon para ma-view.

Jim Cruz commented on your status.

Ugh. Si kuya. -.-

"TSK! Nakalimutan kong may FB din pala 'tong si kuya." Napakamot ako sa batok. "Kaasar naman, o."

Jim Cruz Bata ka! Ano ba nanaman 'tong drama mo?

Hay nako. Parang 'di naman na ako nasanay. Parati namang ganyan 'yan e. Akala mo naman kung makapagsermon, tatay ko. Siya na ata ang pinakasupportive na kuyang nakilala ko.

Itulog ko na lang kaya 'to, para kahit papano 'di ko muna isipin 'yang Tyrone at 'yang Clarissang 'yan. :'(

~*~*~*

"Aaaaaaaah!" Nag-inat inat ako bago tignan ang orasan. (Wala pong budget si author sa mga sound effects na 'yan. Pasensya na.)

6:47 PM?! O.O

Halos walong oras din pala akong nakatulog. Chineck ko agad 'yung status ko at halos magimbal ang mundo ko nang makita ko ang pangalan niya bilang isa sa mga nagcomment.

Andrea Garcia I'm here for you, best. Keribels mo 'yan!

Kammy Dy Hashtag Hugot! :D

Samantha Pavino Yep, that's true.

Dariella Ong Lumalablayp si ateng. XD

Bh0sCxz Gr3g0rI0 ILanG b3s3S nA rIn ak0nG naL0k0. 22LunGan K8anG maGm0v3 0n!

Tyrone Posadas We can love whenever and whoever we want. Gaya ko, ilang beses na akong nagmahal, pero ngayon nakakasigurado akong siya na talaga ang tamang tao para sa 'ken, si Clarissa. You can find the right person for you, when the right time comes.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o mas lalong magluluksa nang makita ko ang pangalan niya at mabasa ang comment niya. Basta ang alam ko lang ngayon ay nainlove na talaga ako kay superman..

#SUPERMANhid.

Follow me on Twitter : @KayeeNineteen
Follow me on Instagram : @KayeeNineteen
Follow me i'll follow you back :)

Marked By Fate (Darren Espanto Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon