Chapter 1

31 3 8
                                    

Ako si SAMANTHA TORRES.

MAGANDA - Simple lang ang merong maipanlalaban ko. Hindi ako yung taong magpapakadesperada magbutingting sa mukha para lang magmukhang tao.

SEXY - Sabi nga ng iba jan (mga kapitbahay ko at mga tambay sa kanto) na para daw akong model. Model ng swimsuit, mamahaling damit and etc. Hindi naman ako nagda-diet. Sadyang mataas lang talaga ang metabolism rate ko.

MATALINO - Minsan nga nakikipagsapakan na ako sa babaeng counter dun sa mall. Tanga ba naman? Maski mag-PLUS lang hindi alam? Tatanungin pa yung makina. Aba! Malay ba naman natin kung reliable yung pinipindot nila! Bobo yun!

MORENA - Hindi ako MAPUTI. And hinding-hindi ko talaga pipilitin ang sarili kong pumuti. Hindi ako desperada na kulang na lang lunukin an buong bote ng zonrox, muriatic acid, Mr. Clean at Joy para lang pumuti.

And siyempre.. MAYAMAN ako..

"Hoy Samantha! Yung sinampay dun sa bakuran baklasin mo na! Mamaya uulan pa! Yung ulam nating tinapa at tuyo sa lamesa, takpan mo! Tatangayin yun ng pusa! Yan na nga ba sinasabi ko eh!"


*mentally face palm*

"Opo! Andyan na Mommy! Ito naman! Bababa na po!"


As what I have said...

MAYAMAN - ako. Mayaman sa pagmamahal. Dahil sa mga taong nakapalibot sa akin.

At kahit hindi man kami ganun ka yaman sa aspetong pera na kung pag-usapan, atleast, kontento na ako sa pamilyang meron ako. Sa set-up na kinasanayan ko. Ang gumising para magsilbi sa taong mahalaga sa iyo. Pagka-Hapon naman ay maghahanap ng trabaho. At kahit na hanggang ngayon, na kahit waitress lang ang merong propesyon ako.. PROUD akong ipagsigawan yan sa buong mundo. Dahil alam kong kumikita ako sa malinis pamamaraan.

Oh sige. Hanggang jan na lang muna. May pinapagawa pa kasi si Mother dear.

—-

"Anak, wag magpapakagabi ha? Umuwi ka pagkatapos ng trabaho mo." Paalala sa akin ni Papa.

"Yes, Daddy." Sabi ko na may Australian accent pa.

"Wag ka ngang feeling jan, Ate! Feeling mo naman mayaman tayo. Kung maka-Daddy ka akala mo naman marami tayong PULA!" Singhal ni Nadine sa akin. Kahit talaga kalian, intrimitida talaga yang kapatid ko.

"Wag ka ngang NEGRA! Mabuti pa, gayahin mo na lang si Josh dun... Buti pa siya, nakiki-join sa rides." Depensa ko naman habang nagsusuklay ng buhok.

Napalingon naman si Josh sa akin pero binalik ulit sa libro kanyang binabasa ang kanyang atensiyon. BOOKWORM ng PAMILYA.

"BOPLAKS ate! Nega! Hindi NEGRA. Tengene! Nakakahiya ka ate ah!" sabi ni Nadine at lumayas na sa harap namin ni Papa.

"Hahaha..." Tawang tawa si Papa dahil sa pag-aaway namin, loko. Lagot ka kay Mama.

"Tawa ka ng tawa jan pa. Nainom mo na ba yung mga gamot mo? Oh! Eto yung sa pagkatapos ng agahan. Eto namang bilog, tatlo yan.. Pagkatapos yan ng lunch. Tapos ito namang kulay orange, alas-kuwatro. Itong maliit, bago ka kumain ng hapunan." Sabi ko sbaay lapag ng mga supplements ni Papa sa mesa.

"*cough* Anak! Kaya na ni Papa! Ako pa! Gusto mo sparring pa tayo eh! Makaka-sit and reach pa ako niyan."

"Sus! Ayan na naman yang pagkamahangin mo Sebastian! Sige, Samantha, umalis ka na. Wag kang magpapakagabi ha?! Umuwi agad sa bahay pagkatapos agad ng trabaho mo. Baka gumawa ka pa ng gulo." Sabi ni Mama at binigyan pa ako ng lunch box.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A FOUR-letter word called LOVE: What's that?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon