Chapter One

27 3 0
                                    

Introduction:
Haayy! Pasukan na naman. At eto, lumipat ako ng bagong school! May kakilala na agad ako dito. May kumakausap naman kasi sakin at tinatanong kung ano ang pangalan ko. Yung iba nga ang daldal. Eh, hindi naman kami close kung maka kulbit e parang ang tagal na naming magkakilala.
"Ms. Dela Cueva."
"Yes Mam?"
"For I know You're from Private school, right?"
"Yahh."
"So, why do you transfer here?"
"Uhm. I just want to make some new friends here. And my school was far from our house. That's why I'm always late. And because, I want to experience how to be in a public school."
"Oh. Great! You will be having some new friends here! Don't worry. The students here in public school are not as bad as you think!"
"Thanks Mam."
Hayy! Andami namang tanong nung teacher na yun! Bytheway, ang init dito grabe! As in, OVER! Nakakaloka naman dito. May electric fan nga, di naman nagana. Halos lahat ng ilaw, pundi na. Tapos, may t.v nga, wala namang antena. Hayy! Useless naman ng mga gamit dito.
Ayun! Natapos ang araw ng wala namang ginawa. Nagpakilala lang kami nang sarili namin dito at pinakopya ng mga requirements na kailangan dalin bukas.
"Ms. Avegail Dela Cueva, You're turn."
Okay. Ako na ang sunod na magpapakilala. Tumayo naman ako kaagad at inayos ang uniform ko bago ako pumunta sa unahan.
"H-hi. M-my name is Avegail Dela Cueva. 13 years old. I'm from private school. P-please be nice to me." O:)
Wow ha! Meron pa talagang 'Please be nice to me' HEHE! Wala na 'kong masabi sa unahan e. Nabubulol pa nga ako. Nakaka-kaba kasi e. Muka kasing antaray nang adviser namin. Nakakatakot kasi yung make up niya. Tapos yung liquid eyeliner niya e ang taray ng pagkakalagay. Nakakatakot tuloy tingnan. Pero, muka naman mabait si Mam. Melissa Cayetano
"Kringgggggggggggg!"
"Whooooo! Uwian naaaaaa!" Sabi nung isang estudyante na sumisigaw.
Asus! Anong problema nun? Nag ring lang ang bell e. Ngayon lang ba siya makakauwi ng bahay nila? GHAD! Eh kung sampalin ko kaya yun? Wag nalang. Baka first day of class e, may record na agad ako sa D.O (Discipline's Office)
Eto ako ngayon. Nag-iisa~ HAHAHAHA Naglalakad na 'ko pauwi ng bahay. Oo. Naglalakad ako. Malapit lang kasi ang bahay namin dito sa school e. Malapit din kasi siya sa may simbahan. Atsaka isa pa, isa rin yun sa dahilan kung bakit ako lumipat dito. Halos kasi lahat ng baon ko e, natitira lang para sa pamasahe.
"Hoy! Maganda!"
Di ako lumilingon. Baka di naman ako yun e. Tas masabihan pa ng 'Ay? Hindi ikaw ate. Masyado kang feeling' Kaya di nalang ako lilingon.
"Hoy!!!" Tas bigla niya 'kong hinigit.
"H-hi?"
"Lang ya ka! Tinatawag kita, nasa malayo ka palang e. Di ka naman tumitingin. Ang bilis bilis mo pa maglakad." Sabi niya habang hinihingal hingal pa.
"Ah. Sorry ha? Akala ko kasi-"
"Okay lang. San ka nga pala nakatira?"
"A-ako? Dyan lang naman. Pagkalampas mo ng simbahan tas may pangalawang bahay na kulay green, makikita mo na."
"Ahh. Dun ka pala. Malapit lang ako dun e! Gusto mo, sabay na tayo pumasok at umuwi lagi?"
"Oo ba. Ah teka, ano nga pala pangalan mo?"
"Ako si Zairene. Classmates tayo. Eh nakita kita na lonely na naglalakad. Hmm. Mabait ka naman pala. Kala ko maldita ka. Kase, galing ka sa private school. Tapos, ang tahimik mo pa. Parang wala kang balak makipag kaibigan."
"Ah. Sorry ah? Ayoko kasing mag feeling close. Baka masabihan na naman ako ng FC (Feeling Close) e. HAHA!"
"Asus! Ok lang yun noh! Edi kung ayaw nila, Di wag! Ako, gusto ko. Ano nga pala pangalan mo? Nakalimutan ko na e. Kasi nung nagpakilala kanina, di ako nakikinig. Atsaka, andami dami natin. Pano ko matatandaan yun? Dba?"
"Ahh. HAHA Oo nga. Nakalimutan ko nga rin yung iyo e. Ako nga pala si Avegail." :)
"Ahh. Oo. Avegail nga pala. HAHAHA!"
Nung nandun na kami sa tapat nang simbahan, niyaya ko siya na pumasok sa loob para magdasal. Pumayag naman siya.
Nung nandun na kami sa tapat ng bahay namin, nagpaalam na kami sa isat-isa.
"Hoy! Avegail. Sabay tayo bukas ah? Dadaanan kita sa inyo"
"HAHA Sige.Sige. Ingat ka paguwi ha? Ge. Bye."
At ayun, pumasok na 'ko sa loob ng bahay namin. Tapos pumunta ako sa Walter Mart. bumili ako ng mga requirements para bukas. Tapos, umuwi na rin ako kaagad. Baka gabihin pa ko. Mahirap na.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon