Second day of class! Whooo. Nakakatamad! Kailangan maaga na lagi ang gising! Pero, Kailangan 'ko nang sanayin ang sarili ko. Haayyy! Inaantok pa 'ko e. Lang'ya! Dire-diretso lang ako sa banyo nang biglang..
*BLAGG!*
WAAAAAHHHHH! Nauntog ako! HANSAKITTTTT! Help! Magkakabukol pa ata ako nito. Agad akong pumunta sa salamin para tingnan yung nauntog kong noo. Ampula niyaaa. WAAAAAH Pangit na nga, papangit pa lalo!
Pumasok na 'ko sa banyo pagkatapos 'kong tingnan ang kaawa-awa kong itsura. Tapos nagbihis, kumain, tas nilagyan ko ng pantapal yung noo ko. Nakakainis! Muka tuloy akong albularyo nito! Aiisst!
Pumasok na sa school! Pinagtitinginan pa 'ko ng mga estudyante na naglalakad din papuntang school! Ay bwisit! Hilong-hilo ako dahil sobrang lakas ng pagkakaumpog ko dun sa pader!
Maya maya may tumawag sa'kin.
"Avegail Dela Cueva!" Si Zairene. Tumatakbo siya. Kala mo parang may humahabol sa kanya. Ano ba 'to? May hinoldap 'ba 'to at sobra kung makatakbo? Sana 'di niya mapansin yung nasa noo 'ko.
"Oh? Anong nangyari sayo? 'Bat ka tumatakbo? May ginawa 'kang kasalanan noh?"
"Sira! Diba sabi ko sayo sabay tayo pumasok lagi at umuwi? 'Bat nandito ka na agad? 'Di mo 'ko inintay! Daya!"
Ay oo nga pala. Sabay nga dapat pala kami. Aiisst! Nakalimutan 'ko! Kahit kailan talaga ulyanin ako!
"Ay sorry! Nakalimutan 'ko. Sorry talaga. Babawi nalang ako mamaya. Sorry talaga, Zairene."
"Hmm. Ok lang! HAHA Tara na pumunta sa Flag Ceremony!"
"Oh sge tar-"
"Teka! Ano 'yang nakabalot dyan sa noo mo. Ha? May nangyari ba sayo kanina habang naglalakad ka? Naaksidente ka ba?"
Aiisst! Napansin pa niya. Kala ko di na niya mapapansin e. Bwisit naman oh!
"Ah eto ba? Wala 'to. Nauntog lang ako kanina. Pero okay na 'ko. Wag mo nalang pansinin yung nasa noo 'ko. HAHA!"
"Ah. Patingin nga." Hinawakan niya yung noo 'ko.
"Aray! Wag masyado- Ah! Aray ko po naman! Ansakit!"
"Sus ko po naman! Ang sensitive ah!" Tas lalo pa niyang diniinan yung pagpindot niya!
Ayyyyyyy! Nakakainis naman yung babaeng 'yun! Alam nang masakit e. Diniinan pa lalo yung pag- UGH! Wag na nga! Pag pinatulan 'ko 'to baka mag gerahan pa kami dito.
Pumunta na kami sa flag ceremony. Andaming nagtatanong kung ano yung nasa noo ko. Roll eyes nalang. 'Di tayo close eh. WHAHHAAA Taray! Paki niyo ba? Hmmff! >_
Wala namang nangyare buong maghapon. Nagturo lang yung mga teachers. Di nga ako nakikinig e. Hmmff! Ang init. 'Bat ba ayaw paltan yung electric fan dito kung di na nagana. Sarap tuloy ibato. Walang kwenta. Habang tinitingnan ko yung mga electric fan at pinapaypay yung sarili ko bigla akong tinawag nung subject teacher. Science teacher ata siya? Ay ewan! Wala akong pake!
"The girl at the back. What's you're name?" Tapos bigla niyang tinaas yung isa niyang kilay. Taray ha!
Tumingin sila sa'kin lahat sa likod! WOW! Famous na'ko. HAHAHA Tumayo na lang ako. No choice e.
"M-mam. A-avegail p-po."
"Are you listening to our discussion?"
"Y-yes Mam."
"So, what is science?" Tanong niya. Habang ang sama ng tingin sa'kin.
"Science is.. science is.. science is a way searching for facts!" Sagot ko. Buti nalang lagi yung sinasabi ni daddy. Na kapag daw tinanong kung 'What is science' yun lang daw ang isasagot namin.
"Okay. You may take your seat." Tapos inirapan niya 'ko.
Hmmff! Sabunutan kita dyan e! Yabang! Kala mo wala akong maisasagot noh? Belat ka! Meron. WHAHAHAHAH
So, ayun. Dakdak pa'rin siya ng dakdak dun sa unahan kesyo ano daw yun. Ano daw yan. Blah blah blah! Wala namang nakikinig sa kanya e. Yung nasa gilid ko nagliligawan. Yung iba nagd-drawing. Yung iba nagf-flames kung magiging sila ba daw ng crush niya. Yung iba may ka-text! Lahat kami may sariling mundo dito. Ako? Wala. Nakabangla lang! Wala ako sa mood e. Tsk!
*Kringgggggggg!* Bell na. It means? UWIAN NAAAA. WAAAAAHH Sa wakas! Makakauwi na 'rin ako! Pag uwi 'ko hihiga talaga agad ako sa kama at bubuhayin ko yung aircon! Grabe! Ang init talaga! Mahe-heat stroke ako nito e! Hayyy.
Sabay kami umuwi ni Zaizai! Oo. Zaizai na tawag ko dito sa matabang 'to. Chubby kasi siya e. Siguro, kasing taba ni mami. Pero, mas mataba pa din sya. Ayy. Ano ba 'yan! Change topic na nga. Baka mamaya, mabasa pa ni Madear-dear 'to! Nak-ow! Hahabulin ako ng tsinelas nun! Bytheway, nandito na 'ko sa bahay. At agad 'kong binuhay si aircon. Nagpalamig muna 'ko bago ako magpalit. Ang init kasi e.
Pagkatapos ko magpalit, kinuha 'ko 'yung tablet 'ko. Tas nag online ako sa facebook. Andaming notifs, messages, at friend requests. Speaking of. May nakita akong pangalan. 'John Oliver Abdon' Hmmm. Abdon? Pangalan yun ng lolo ko ah? Pwede din pala yun maging apilyido?
Tiningnan ko 'yung facebook ID niya. Taga La Consolacion College Tanauan siya. (Dati kong school) Hmmm. Muka namang mabait. Siya sge. CONFIRM na.
Maya-maya may nag-message sa'kin. 'John Oliver Abdon'?
"Hi"
"Hello po. Kilala niyo po ba 'ko?"
"Hindi e. Ikaw kilala mo po 'ba 'ko?"
Po? Muka namang mas matanda 'to sakin ah? Atsaka, for I know third year na 'to.
"Hindi 'din po e."
*John Oliver is typing...*
And the story of us BEGINS..
A/N (Autor's note): Thanks for suporting my story. Hope na sana suportahan niyo 'till the end. Atsaka, 'di 'ko 'to story. Imagination 'ko lang 'to. HAHAHAH
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Roman d'amourNaranasan niyo na bang ma-inlove? Naranasan niyo na bang pag-agawan ng dalawang lalaking importante sa buhay niyo? Sinong pipiliin mo? Mahal mo o mahal ka? Kaya mo bang isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa ikatatahimik at ikapapalagay ng...