Santhy's P.O.V
"Bakit di mo ako pinag-laban? Hinayaan mo lang sila na husgahan ako at hinayaan mo lang sila na pag-layuin tayo! T-tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyare.! At mang-gugu------"
"Anak naman bakit mo pinatay ang T.V kita mo naman na nanunuod kami ng tatay mo" sabay bato sakin ng tissue na sinisingahan niya.
"Yakk naman nay! Pati puro kadramahan lang naman yung palabas na yun. Porket hindi pinag-laban mag-dadrama na yung babae kung pinapatawad niya na agad yung lalake edi tapos "- sabi ko habang nakasimangot. "Pati nay kung nag-luluto ka na ng almusal edi sana nakapunta na kami ni Tatay sa Talyer natin."- Sabay akbay kay nanay.
"Ikaw talaga Santhy, kahit kelan panira ka"- sabi ni Nanay habang nakasimangot.
Si nanay talaga feeling bata haha. Ako nga pala si Santhy Reyes. May apat ako na kuya at akong bunso nag-iisang babae sa aming mag-kakapatid.
"Nga pala Tay asan sina kuya?"- tanong ko kay tatay na katabi ko panunuod ng basketball na Slamdunk parang bata lang eh noh? Haha.
"Nauna na sa Talyer"- sagot ni tatay di manlang ako tiningnan busy kasi panunuod kay Akagi haha. Teka nauna na sina kuya?
"Di manlang ako hinintay"- sabi ko habang naka-simangot at sinisipa ang lamesa namin sa Salas.
"Kain na kayong dalwa"- Sigaw ni Nanay mula sa kusina.
"Pupunta na po"- sagot ko.
-------------------------------
"Bye nay! Alis na po kami ni Tatay"- sigaw ko habang sumasakay sa kotse namin.
"Ingat kayo "- sabi ni nanay habang kumakaway.
"Tay, madami po bang aayusin ngayon na sasakyan "- tanong ko kay tatay.
"Madami-dami din daw sabi ng mga kuya mo"- sabi ni tatay.
Wag na kayo mag-taka sadyang tahimik lang si Tatay.
-+-+-+-+-+-+-+-+-
Bumaba na ako sa sasakyan namin at pumasok na sa talyer. Nakita ko ang mga gwapo kong kapatid na masayang nag-kwekwentuhan. Talagang may gana pa silang mag-kwentuhan eh andaming sasakyang aayusin?.
"Hoy! Kayong apat anong tinutunga-nga niyo diyan? Bakit di kayo nag-tatrabaho?"- pasigaw kong sabi at kita kong nagulat sila napangisi naman ako sa itsura nila.
"Bunso hehehe. Akala ko kung ano na hehe"- sabi ni Kuya Sander na pang-apat saming mag-kakapatid isang taon lang ang tanda niya sakin.
"Tsk. Akala niyo makakalampas kayo sa pang-iiwan sakin"- sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanila.
Lumapit sakin si kuya Seven. Panganay samin mag-kakapatid. Di ko alam kung bakit seven pangalan niyan. Kakaiba lang talaga mag-isip si Nanay.
"Bunso, Sorry na si Samuel kasi eh nag-yaya agad na pumasok"- sabi ni kuya seven habang naka-akbay sakin at tinuturo si kuya Samuel pangalwa saming mag-kakapatid.
"Anong ako si Spade kaya yun"-sabi ni kuya samuel habang kumakain.
"Ako daw eh"- sagot ni kuya spade. Siya nakamana ng pag-katahimik ni Tatay halata naman siguro. Pangatlo siya and ako ang panlima. Sad to say pero ang totoo gwapo silang lahat di naman sa nag-mamayabang mganda naman ako.
Napasimangot ako kasi nag-sisihan na sila. Haist mas mukhang mas matanda pa ako sa kanila kung mag-isip.
"TAMA NA ANG SISIHAN MAG-TRABAHO NA LANG KAYO!"- sigaw ko . Hingal na hingal ako dun.
Kita kong nag-tinginan sila sa isat-isa sabay tingin sakin.
"ANONG KAYO? TAYO!"- nagulat ako ng sabay sabay silang sumigaw.
"Sabi ko nga tayo. Tara na"- sabi ko. Rinig kong tumawa sila. Asar talo na naman ako sa kanila.
------+++---------
A/ N
Kim Seok Jin as Seven Reyes
Mark Tuan as Samuel Reyes
Kim Myungsoo as Spade Reyes
Jeon Jungkook as Sander Reyes
Jung Eunji as Santhy Reyes
Support my storyyyyyy pleasseeeeee

BINABASA MO ANG
Loving You
Random"Ikain mo na lang yan"- Santhy Reyes Define Sanhty Reyes -Babaeng walang inuurungan -Matakaw akala mo PG -Madaldal -Bungangera -Malakas mantrip -Di naniniwala sa Love Pero kahit ganyan ang ating bida may ugali parin siyang hindi mo aakalain na meron...