Conflict 25: Sleepless nights

845 28 3
                                    

Chandria's POV

As I gazed at the moon through my window, I took a glimpse at my phone's screen to check the time and it read 11:57 pm.

Malapit nang maghating gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Something's fishy around here. Kanina puro tinginan, hand gestures and even pandidilat ng mata nila nung dinner. Hindi ako makatulog kakaisip ng kung ano anong rason or talagang kung ano ano lang iniisip ko. Nakakaparanoid 'tong ganto ah.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Basti kanina eh. Sa buong dinner yun lang yung nasabi nila kaya syempre di ko makakalimutan yun.

*FLASHBACK*

"Dinner is ready. Spencer? As in Spencer Black? What about that guy?" Biglang sumulpot si Basti sa kitchen. Patayo na kami ng biglang sumagot si Andrei.

"He's back."

Sumunod na kami sa kitchen saka umupo sa kanya kanya naming pwesto. Korean style ang dinner namin ngayon. Gumaganern. Alam ko lang magaling magluto si Basti pero hindi ko alam na kung ano anong cuisine pala around the world ang kinakaya niya.

Habang amazed-na-amazed pa rin ako sa dinner namin ngayon, na-feel ko na walang nagsasalita. Tinignan ko silang tatlo, nagtititigan at nagsesenyasan sila.

"Anong meron?" Tanong ko sabay subo ng kanin. Nagulat naman sila kaya sabay sabay silang umiling at napayuko.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain pero tuloy tuloy din sila sa pagsesenyas. Natatawa ako kasi si Andrei nanlalaki pa yung mata, pinipigil ko yung tawa ko kasi baka masira yung moment.

"Spencer Black. Isang sikat na model sa US. He was our childhood friend. Not until something happened 3 years ago." Basti said.

Tumango ako at naghintay ng susunod na sasabihin nila. And to my dismay, malapit na tumulo ang laway ko pero wala ng nagsalita. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain since isa akong malaking fan ng KPOP at K-Culture.

*END OF FLASHBACK*

Past 10 am na akong nagising dahil sa ingay na galing sa pintuan ko. Ni-hindi ko nga alam kung anong oras na ako nakatulog eh, but i'm sure past 12 mn na. Walang tigil pa din yung pagkatok sa pinto. Tsk.

"Sino ba 'yan?!" Sigaw ko habang kinukusot ko yung mata ko. Ang ayoko sa lahat ay yung iniistorbo ako sa pagtulog. Nakakaiyak. Ang aga aga pa eh.

"Ang pinakamaganda mong bestfriend!" Isang linyang lalong sumira sa umaga ko. For sure si Ash 'to. Hayss. Napairap na lang ako at binuksan ang pinto. And..

"BESTFRIIEEEE-- ay? Anong itsura yan?" She looked at me with disgust in her eyes.

"What?" Tanong ko. "Nest sa ulo mo, tulo ng laway mo, muta sa mata mo at hello kitty na pajamas. Anong get up yan best?" Tinulak niya ako at tuluyang pumasok sa kwarto at umupo sa kama.

"Anong ginagawa mo dito ng ganto kaaga?" Irap ko sa kanya. Eh kasi, sabado ngayon pero ang aga aga andito. Usually, pag saturdays late na ako gumigising eh.

"Tatambay, makikikain annndd guguluhin ka." A grin was plastered on her face. Ughh, di ko mapigilang mapasabunot sa sarili ko. Kelan pa ko nagkaron ng kaibigang ganto? Tell me. Pakiexplain! Labyu! Hahahaha.

"Ewan ko sayo. Liligo lang ako." Sabi ko at saka tuluyang pumasok sa banyo.

* * * * * * *

"KINIKILIG PA DIN AKOO BEST!" Tili ni Ash habang nanonood kami ng A Walk to Remember.

"Move on na best." Poker face kong sagot. Alam niyo naman, inimbitahan siya ni Itim magdate diba? Okay wait, ang corny ko. Itim, Black. Tawa. HAHAHAHAHAHAHAHA.

Brothers ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon