AKATNK

43 0 0
                                    

Dear readers,

Ang mababasa niyo dito ay base lamang sa naging experience ko. Gusto ko lang ibahagi sa inyong lahat.

Nagmamaganda,
Ateng Dyosa
~

Anong klase nga ba ang tunay na kaibigan? Marami nang tao ang naloko ng mga pekeng kaibigan. Kaya mag-ingat. Dahil malay mo, sila'y nasa tabi tabi mo lang.

Tunay na Kaibigan in english, True Friend. True means totoo. Fake means peke. So ipag-compare mo ang totoo sa peke. Anong mas maganda pakinggan?

TOTOO DIBA?

Alam mo ba na napaka swerte mo kung meron kang tunay na kaibigan? Yung totoo. As in walang plastikan.

Yung hindi lang siya lalapit sayo sa panahon lang na "may kailangan siya sayo".

Yung tipo na, "nandyan siya lagi para sa'yo".

Siya din minsan yung magbibigay ng kabaliwang advices sayo kapag may problema ka. Kasi sa mga sinabi niyang advices na yun, matatawa ka na lang at bigla mo na lang makakalimutang sumimangot sa mga problema mo.

Siya yung tinuturi mong kapatid sa ibang nanay.

At higiiiit sa lahat. Hindi siya yung "once na mag-away kayo, ipagsasabi niya sa iba yung mga sikreto mong sakanya mo lang pinaalam"

Alam mo ba na mahirap yung ginawa mong sinabi mo lahat ng sikreto mong naging problema mo noon?

Kasi biruin mo, nagawa mo yung balikan para lang ikwento sakanya. KASI NGA, TINURING MO SIYANG TUNAY NA KAIBIGAN. Kahit masakit yung mga nangyari sayo, naglakas loob kang ikuwento sakanya.

Tapos mababalitaan mo na lang na may nakakaalam ng iba ng mga sikretong sinabi mo sakanya? Aba! Tunay nga bang kaibigan yan teh?!

Baka naman, STRAW yang kaibigan mo? Plastik na, sipsip pa!

Baka nakikisipsip lang yan sa'yo kaya ganun.

At saka syempre pag nagkaroon ka ng kaibigan, wag naman sana masyadong palakuwento ng mga sikreto mo. Dapat may privacy din kahit minsan. Libre lang yun itry. Walang bayad.

Sa magka/kaibigan kasi, dapat nagsasama yung powers niyo. Di naman yung kilikili powers ha mga ateng.

Yun yung power na kung saan, kapag nagkaroon ng problema yung isang kaibigan mo, lahat kayo magtutulungan para lang malutas yun. Syempre the love between each others. Maganda din yung mag-away kayo para may trick sa barkada. Para malaman niyo sa isat-isa kung hanggang saan ang kaya ng pagcontrol niyo sa friendship niyo.

Note: Wag masyadong pa-friendly. Piliin yung nararapat maging kaibigan. Okay? Panget kasi yung magiging bad influence siya sa'yo.
~
THE END.
SA MAY MGA GUSTONG HUMINGI NG ADVICE ABOUT FRIENDSHIPS, COMMENT BELOW LANG. =)

-nagmamaganda, Ateng Dyosa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong Klase Ang Tunay Na KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon