Chapter 14

7 2 0
                                    

Ilang oras na ang nakalipas mula nang mailibing ang abo kasama ang urn ni Mama. Marami ang tumututol sa paglibing ni Mama kanina habang nasa chapel room pero wala rin naman silang magawa dahil iyon ang gusto ni Mama.

Nakaalis na ang mga nakilibing ilang minuto matapos ilibing ang urn ni Mama. Kaming tatlo na lang nila Russell at Kira ang natira dahil pinauwi ko na si Ethan at wala itong pahinga. Nag-stay lang ito sa tabi ko at hindi na umuwi sa kanila kaya pinauwi ko na ito at isa pa, may pupuntahan kaming tatlo.

"Halika na. Alis na tayo," pagyaya ni Russell sa amin.

Nag-alay lang kami ng dasal at umalis na sa sementeryo. Sumakay kami sa sasakyan ni Russell na naka-park hindi kalayuan sa sementeryo. Si Russell ang nag-da-drive at sa kaniya rin na sasakyan ang gamit namin. Dahil sa kabilang city lang ang address na nakalagay, mabilis kaming nakarating doon.

"Ito raw iyung bahay, sabi no'ng babae na napagtanungan ko," saad ni Russell at tinuro ang bahay na may pulang gate.

"Sure sila diyan? Baka mamaya mag-doorbell ako tapos maling bahay pala," may pagdududa na saad ko.

"Oo, tinanong pa nga ako kung kaano-ano ko si Nathan Palad. Sabi ko nga may kailangan lang akong itanong sa tao kaya ko hinahanap."

"Hindi siya ma-'Palad' sa buhay niya," natatawa na saad ni Kira at nauna nang lumabas ng sasakyan.

Sinutsutan ko ito. "Kira! Balik! Gusto ko lang naman malaman kung saan nakatira! Hindi ako magpapakita!" sigaw ko rito.

Hindi ito nakinig at tuloy pa rin sa paglapit sa bahay at saka nag-doorbell. Napahilamos na lang ako ng palad sa mukha ko dahil sa pinaggagawa ni Kira.

"Mica, Mica, tingnan mo," saad ni Russell habang kinakalabit ako.

Napaayos ako ng upo nang makita na lalaki at medyo matanda na ang lumabas. Kausap nito si Kira at panay tango lang ang lalaki. May tinuro ang lalaki sa papuntang north at nagpaalam na si Kira dito at naglakad na pabalik sa sasakyan. Inabangan ko na si Kira na makasakay ng sasakyan.

"Ayan na, nakita mo na," natatawang saad ni Kira nang makasakay ito sa sasakyan.

Hinampas ko ang hita nito at bahagya itong sinabunutan. "Gaga ka talaga! Kinabahan ako sa ginawa mo!" sigaw ko rito habang hinihila ang buhok paibaba.

"Aray! At least nakita mo! Tinanong ko nga kung sino siya at siya nga si Nathan Palad. Nasilip ko pa nga bahay nila at may asawa at anak nga. Isang babae na halatang mas bata sa iyo at isang lalaki na siguro mas matanda sa iyo ng isang taon."

Binitawan ko na ang buhok nito at umayos ng upo sa passenger seat.

"Alam ko. Someone sent a friend request to my account. E, siyempre, always akong nag-s-stalk bago mag-accept ng friend request ng isang tao. Hanggang sa nakita ko sa mga post niya na singer siya, magaling mag-paint, writer, at kung ano-ano pa na talent meron siya. Napahanga ako kasi marami siyang kayang gawin tapos ako, limitado lang. In-accept ko friend request niya. Until one day, she posted a video and doon ko napakatitigan ang mukha niya. Her looks, it's familiar. How funny, kinutuban na ako kasi hilatsa pa lang ng mukha, kilala ko na. She's the daughter of my father sa pangalawang pamilya nito. Now I know why hindi kami pinili ng father ko.

Nakilala ko naman na talaga sila noon pa. Nasa grocery store kasi kami ni Mama, then palabas na sana ako ng hypermarket, bigla akong pinigilan ni Mama at sinabi na magtago kami kasi nandiyan si Nathan. Hindi kami pwedeng makita dahil kasama ang pamilya at ayaw ni Mama na magulo pa ang pamilya nito dahil maayos naman ang kalagayan nito sa pamilya nito. Sa mga oras na iyon, kinabisado ko ang mga mukha nila. Kasi sabi ko, balang araw, kakailanganin kong makilala sila. Para alam ko kung sino ang iiwasan ko," pagkwento ko.

Loving AnonuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon