Chapter 30

18 2 0
                                    

WARNING: This story contains mature or sensitive contents that are not suitable for young readers or people who are not open minded. Please read at your own risk. You have been warned. 

Matapos ang reception sa kasal namin ni Ethan, agad pinakuha ni Ethan ang gamit namin sa kwarto nito at pinalabas at pinadala ang mga ito sa entrada ng bahay. Tinulungan kami ng mga guard na ilagay ang mga iyon sa sasakyan ni Ethan at nang matapos, nagpaalam na kami kila Tita Ayla at Tito Christian na nagmamatiyag sa amin.

"Mom, Dad, alis na po kami," paalam ni Ethan at lumapit kami sa magulang nito at niyakap ang mga ito.

"Enjoy your honeymoon, dear!" pilya na bulong ni Tita Ayla sa akin nang yakapin ko ito.

Pinigilan ko ang tawa ko at nginitian si tita nang bahagya akong lumayo rito. Iginiya ako ni Ethan papunta sa sasakyan nito at pinasakay. Tumingin muna ako kay Tita Ayla na kaway nang kaway sa akin.

"Fighting!" she mouthed at me and showed me her fist.

Napailing-iling na lang ako at sumakay na sa sasakyan ni Ethan at nag-seatbelt.

"Where are we going?" tanong ko kay Ethan nang makasakay ito.

"Somewhere we deserve. My surprise for you," magiliw na saad ni Ethan at nagsimula na itong magmaneho paalis ng bahay.

Tinitingnan ko ang bawat paligid ng madadaanan namin. Halos wala ng katao-tao sa kalsada dahil anong oras na rin naman. Hindi nagtagal ay may pinasukan na village si Ethan at pinakita lang nito ang ID nito.

Napakunot ang noo ko nang mapagmasdan ang mukha ng security guard ng village. He looks familiar . . . .

Tila may karera sa dibdib at tiyan ko nang mapagmasdan ang mga bahay na nadadaanan namin. "Tama ba hula ko, Ethan?" hindi ko napigilan na magtanong dahil sa abot-abot na kaba na nararamdaman ko.

"I don't know, maybe?" inosente na saad nito at hindi nagtagal at hininto na ang sasakyan at pinarada iyon.

Hindi ko na hinintay pa si Ethan na pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Agad akong lumabas at tiningnan ang lugar na hinintuan namin. Napaiyak na lang ako nang makita ang bahay na binili ni Mama para sa akin. Makulay ito at mukhang alagang-alaga dahil sa magandang disenyo nito. May mga ilaw sa paligid ng bahay at miski sa gate ay mayroon din na lamp na siyang nagpapatingkad ng kulay ng gate ng bahay.

"Let's go?"

Napatanga na lang ako kay Ethan nang ayain ako nito pumasok sa bahay.

"Iyo ito?"

Nakangiting tumango ito sa akin at inalalayan na akong pumasok ng bahay. Bumukas ang mataas at bakal na gate kaya pumasok kami. Naka-remote key pala ang gate at may pinipindot lang si Ethan sa maliit na remote na hawak nito, nagsara na ang gate.

Mas lalo kong napagmasdan ang itsura ng bahay. Mas lalo itong gumanda at naging masaya ang kulay nito. Maraming halaman na rin ang natubo sa paligid ng bahay pero iyong halaman ay hindi naman sagabal. Mukhang alagang-alaga rin miski halaman na noon ay wala.

Napatili na lang ako nang may kamay na dumampi sa likod ng tuhod ko at sa balikat. Habang karga-karga ako ni Ethan, naglakad ito papasok ng bahay. Agad nitong tinungo ang kwarto na nakabukas ang pinto; ang kwarto ko noon. Inihiga ako nito sa kama at agad na kinubabawan. Siniil ako nito ng halik sa labi na siyang hindi ko tinanggihan.

Loving AnonuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon