Chapter 1: Fallen Spirit

77 3 1
                                    

"Pangalan?" Bungad na tanong sakin ni San Pedro. Habang nakatayo sya sa tinutungtungan niyang ulap at hawak hawak ang isang libro.

"Brayden Hills po." Mahinahong sagot ko kay San Pedro habang palihim akong sumisilip sa hawak niyang libro na sinimulan na niyang buklatin ang bawat pahina nito.

"Brayden Hills Poe?" Walang ganung pangalan dito sa listahan ko. Sabay niyang tingin sakin.

"Aist, Brayden Hills lang po ang pangalan ko San Pedro walang POe." Pag papaliwag ko kay San Pedro.

"Ohh Sorry naman, SANTO lang, nagkakamali din!" Pagalit na sabi niya sabay tingin ni San Pedro sa libro o listahan niya.

Madali palang maginit ang ulo ni San Pedro pero teka diba TAO yun, Hindi SANTO?.. (TAO lang nakakamali din.). Ai hayaan na ng yon.

"Wala ding ganong pangalan dito" Paglinaw ni San Pedro sakin at inilipat niya sakin ang pagtingin niya sa libro nya.

" B-R-A-Y-D-E-N H-I-L-L-S" I-ni-Spell kona baka kasi hindi alam ni San Pedro ang Spell eah .

"Wala nga! Meron dito BLACKBURN Hills. Ohh anu ikaw yun?" Galit na sabi ni San Pedro habang nakatayo at hawak ang libro.

Anu ba naman yun. BLACK na nga BURN pa. Perfect combination for Toasted. Syempre gusto ko namang makapasuk sa loob ng langit kasama ang ibang mga Spirits or Angels, pero hindi naman sa ganung paraan. Tatanggapin ko yung pangalan nayun makapasok lang sa loob.? NO WAY.

"Uhm, Hindi po San Pedro. Pero bakit po ba wala ang pangalan ko sa listahan mo?" Pagtatanong ko kay San Pedro habang nakatingin sya sakin.

"Marahil hindi kapa maaaring pumasok sa loob ng langit dahil hindi pa tapos ang misyon mo sa lupa." Si San Pedro habang sinisugurado ang pagtingin niya ng pangalan ko sa libro niya

"Patay nako , kaluluwa nalang. Paano nangyari na hindi pa tapos ang misyon ko sa lupa, San Pedro?" Naguguluhan kong tanong kay san Pedro habang tinitignan ko syang binubuklat ang libro niya.

"Dahil buong buhay mo naging makasalan ka." Seryosong sagot niya sa tanong ko matapos niyang tignan ang libro niya.

"Kung naging makasalanan ako noong nabubuhay pako paanong naka akyat ako sa langit at kung totoo naman yun paano mo po yun nalaman?" Tanung ko sa kanya na may pagtataka.

"Tandaan mo, naka akyat ka nga dito , pero hindi ibig sabihin nakapasok kana sa langit.. Nasa harapan ka palang ng pinto ng langit at kaylangan mong makapasok dito sa ikatatahimik ng kaluluwa mo. Kaya kaylangan mong bumaba sa lupa para magawa mo na ang misyon mo. At tungkol naman sa kung paano ko nalaman na kung baket ka masama noong nabubuhay kapa dahil sa libro nato." sabay turo niya sa libro niya na nasa kanan "Ang libro nato ay hindi pangkaraniwan. Kaya kong mabasa ang nakaraan mo sa pamamagitan nito." Seryosong sabi ni San Pedro habang nakaturo siya sa hawak niyang libro

Kung babalik lang naman ako sa mundo nang mga tao wala naman sakin yun, pero ang bumaba ulit sa mundo nila na gamit ang 1 milyon o higit pang baitang nang hagdanan pababa. Ang hirap kaya nun, nahirapan na ngakong umakyat papanik tapos bababa nanaman ako na ayun ang gamit. Tsk.

"Lalakarin ko ulit ang hagdanan nang langit, pababa San Pedro?" Tanung ko kay San Pedro na ayaw kong mangyari.

"Wag kang mag-alala, dahil sa gagawin ko hindi ka mapapagod na maglakad sa hagdanan ng langit." si San Pedro na naka ngiti habang nakatingin sakin.

"Ano bang gagawin mo San pedro para mapadali ang pagbaba ko?" Ako na napakamot ang hing-tuturo ko sa patilya ko.

"Simple lang, ilalaglag lang naman kita eh." Nakangiting sabi ni niya.

My Boyfriend My Ghost Guardian, Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon