Mahirap talaga sa buhay ang may mga 'WHAT IFS'.
Bakit ba kasi nauso sa dictionary ang 'apprehension', 'hiya' at 'rejection'? Yan tuloy, natutong isabuhay ng tao..
Kaso, sa part ko mukhang nasobrahan ata.
If only people could learn to take risks then there'll be no what ifs.
Just, 'Im glad i did it'.
There is no harder thing in life other than holding back.
*******REUNITED**********
"Luhtang!!! long time no see! Kumusta ka?!"
"Emma! Woah! Namiss kita luhtang!"
We hug each other so tight and gave each other a peck on the lips. Oh, di kami talo ha. Ganyan lang talaga kami. Kung sa iba beso-beso, samin eh casual na lang ang smack sa lips whenever we see each other or we part ways.
"Tara na! Dun yung table natin oh! Nandun na din yung mga luhtang!" sabi ni emma sakin habang hinihila-hila nya ako.
"Talaga?! Waaaah! Tae. Namiss ko talaga kayooo!" Binagtas (lalim! shet!) namin ang quadrangle na puro tables.
As expected, puro mga masasayang mukha sa table ang mga nadadaanan namin. Mga nagyayakapan na magbabarkada habang nagtitilian. Mga nagpipicturan. Mga grupong nagtatawanan.. probably reminiscing silly yet happy moments nung high school.
"April! oi luhtang, kumusta?! Gumaganda lalo ahh."
"Wow! nagsalita ang crush ng bayan! Waaaah! iseng luhtang namiss kitaaaa!" sabi ko at nagyakapan na kami ni Iseng.
Tama ang nabasa nyo. Sya ay crush ng bayan. Ganda ba naman ni kumag eh. XD
"Eh di kayo na magkaibigan! Letche!" Napalingon naman kami sa nagsalita. Hahaha. Si joseth pala with her infamous pagkocross arms at nakairap pa. Seriously, sya nagpauso nyang gesture na yan. Hahaha. Sya si Joseth, ang forever malditang isnabera ng barkada. Pati nga principal namin, nakabangga nyan eh. :D
"Sus! Kelan pa nauso sayo ang magtampo? Bagong motto mo ba yun ha luhtang?"
"Oo. Bakit, gagaya ka?" -- joseth na maintain pa din ang cross-arm-taas-kilay-posture nya.
Lumapit ako sa kanya at inakbayan sya, "Naks naman! Luhtang, nakalimutan mo na bang tayong dalawa ang matibay sating lima? Sus. Eh hanggang 4th year nga tayo eh magclassmate tayo! Muntik na ako magsawa sa mukha mo.." And i wear my sarcastic smile.
"Ahem.. ako 'pril, di mo na-miss?" nakangiting tanong sakin ni sarah.
"Lipat ka ng bahay para mamiss kita." Nagkatawanan na lang kami after nun.
Kami ang tropang luhtang.
Nagsimula ang friendship namin since 3rd year high school. Though, kilala na namin ang isa't isa kahit 1st year pa lang. Si joseth, classmate ko since 2nd year up until 4th year. Si Sarah naman, childhood friend ko na yan. So, 3rd year lang namin talaga naging super close si Iseng at Emma, since si Emma ay transferee. Bakit tropang luhtang? Hmm.. Tanong nyo kay Emma. XD
Aun na nga. Kwentuhan dito, kwentuha dun ang drama. Puro tawanan na ang naririnig ko. Kung anu-anong kalokohan na ang inaaalala at nandyan pa ang pagkukumparahan ng mga naging teacher. Lumibot din kami sa iba't ibang table.
Pinuntahan namin ang mga naging dating classmates namin. Hindi kasi by section ang mga tables. Free setting sya, so yung mga magbabarkada ang mga nakapwesto regardless kung magkakaklase ba sila o hindi. Echusera lang ang peg.