Paglapit namin sa mga bantay, binuksan ni Mae ang bintana ng sasakyan.
"Good evening, ladies," bati ng lalaking guard.
"Hello, sir. Ako po 'yung lumapit kanina, tungkol sa mga kasama ko," nakangiting sambit ni Ella habang nakadungaw sa bintana.
"Yes, ma'am. Pero kailangan pa namin—" Hindi na natuloy ang sasabihin ng unang guard nang biglang sumingit ang isa pang guard.
"Excuse me, sir. Dumating na ba 'yung mga extra na tao para mag-assist sa party? Tumawag kasi ang secretary ni Ma'am Precious," sabi nito.
"Bakit hindi sinabi agad?" inis na sagot ng unang guard na kumausap sa amin.
"Excuse me, 'yung mga kasama ko po 'yung mga taong hinihintay sa loob," sabat ni Ella. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ma'am, kayo lang po kasi ang may invita—"
"'Yan nga po ang purpose. Kasi 'yung mga kasama ko, sila po 'yung mga extra na tao na kailangang mag-assist sa loob. Isang invitation lang po talaga ang binigay sa amin."
Nagkatinginan pa 'yung dalawang guard.
"Sir, pag dumating na raw sila, papasukin agad. Kailangan na ng tao sa loob. 'Yan po ang sabi ng secretary ni Ma'am," dagdag ng pangalawang guard.
"See? Kung ayaw ninyong maniwala, tawagan niyo ang tita ko Enda Santos po, siya ang head chef ro'n. O kaya 'yung boss ninyo," pilit pa rin ni Ella.
'Eto na ba 'yung planong palusot? Taena. Ano 'to, "oo" lang agad? Hindi ako preferred, potek! Ready naman akong pumasok pero hindi ready sa ganitong palusot.
"Shit," bulong ni Dianne. Ako lang ata ang nakarinig. Pano ba naman kasi, dikit na dikit na siya sa akin, parang ako na 'yung upuan niya.
"Wait lang po, Ma'am, itatanong lang na—" Hindi na naman natapos ng guard ang sasabihin dahil tumunog 'yung radiophone na nakakabit sa gilid ng pantalon ng pangalawang guard.
At yes po, nakatutok talaga kami sa kanila, kaya ramdam na ramdam namin ang inis ng guard.
"Sorry, sir. Tumatawag po si Ma'am," sabi ng pangalawang guard.
Inabot niya 'yung radiophone sa naiinis na kasama niya.
"Yes po, Ma'am?" tugon nito sa linya sabay lakad palayo sa amin.
"Gago ka, Ella," natatawang sambit ni Dianne.
"Shhh!" sinenyasan siya ni Ella.
"Sorry," nakangusong sagot ni Dianne.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas. Ano na? Paano kung hindi kami papasukin? Magpapakamatay na lang?
Bahagyang natawa ako sa sarili. Gutom lang 'to.
Hindi ko namalayan ang paglapit ng guard. Nagulat na lang ako nang bigla akong niyugyog ni Dianne.
"Ayden!" tawag niya.
Tumingin ako sa kanya.
"Ayden, need ng address mo at pirma," sabi ni Mae sabay abot ng form.
Kinuha ko 'yung papel at sinulat ang hinihingi. Nang natapos na kami, binigay na 'yon sa guard.
"Kailangan rin po mag-iwan ng ID, Ma'am," sabi nito.
"Guys, ID daw. Dala ba ninyo?" tanong ni Ella sabay lingon sa amin.
"Yes!" "Oo," sabay naming sagot.
Buti na lang laging nasa wallet ko 'yung ID ko. Hindi rin naman ako mahilig magdala ng bag, maliit man o malaki. Sa totoo lang, phone at wallet lang dala ko ngayon.

BINABASA MO ANG
Young Love
RomansaDISCLAIMER: Cover is not mine. Credit to the rightful owners. This part is boys love story.