Part 1: Really?

40 4 0
                                    


"Sage, are you free on saturday? Punta ka sa birthday ng  junakis ko" My officemate Jannaia, enthusiastically asked me.

I looked at her for a second bago ako sumagot.

"Miss Jannaia, ano--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli.

"Shh. I wouldn't take 'No' for an answer, okay? Lahat sila dito sa office pupunta." Natatawa niyang sabi.

"--and.. may utang kang gala saamin. Busted kami sayo nung magpunta kami sa Northern Lights nung nakaraan. Hmmm"

I shyly smiled at her and nodded.

"Owrayt!" She exclaimed. "Don't worry hindi lang yun basta children's party. Mayroon pa yun after party para talaga sa mga majojonda. Hahaha"

"Okay, Miss Jannaia." Natatawa kong sagot sakanya.

"Ikaw naman, masyadong pormal. Miss Janna na lang o kaya Beb na lang gaya ng tawag nila Macey.."

"Sige, Miss Janna na lang.."

"Oh siya, sige na. Basta sa sabado ha!"

I nodded and smiled.

Ako talaga yung tipo ng tao na hindi gaanong sociable hindi dahil sa mahiyain ako o hindi ko kaya kundi dahil pinili kong huwag na lang kung hindi rin lang naman kailangan.

Severe sa pagka-introvert no? I'm at the point of my life kasi na sobrang pagod na akong ipaliwanag sa ibang tao yung nararamdaman ko.

Ayoko ding ma-attach kasi masasaktan na naman ako.

Tama na saakin yung Kuya ko at Bestfriend ko na palaging nandyan para sumuporta at mag alaga saakin.

Bago pa lang ako dito sa Marketing Firm na 'to. May two.. ay hindi, going three months na pala next week.

Sa Marketing Firm din yung previous job ko. I was a Marketing Executive on my previous Company for three and a half years and candidate na din for promotion but.. Life happens so, I am here right now sa Marketing Team din ng Celeste Marketing.

That girl, the one who invited me was Jannaia. She's the senior among us.. I guess? Six years na siya with the company followed by Crystal and Darleen na three years na and Macey which I think going two years na.

Mukha naman silang mababait at masasaya kasama pero gaya nga ng sabi ko, mas gusto ko na lang mapag-isa most of the time.

There were times na nakakasabay ko sa Bus si Crystal, sa 'twing coding ang sasakyan ko. She's funny at sobrang kalog, may mga nakukwento din siya kung minsan sa personal niyang buhay lalo na ang tungkol sa boyfriend niyang OFW.

Si Darleen, she's a coy. I observed that she's just laughing most of the time sa mga jokes and opinions nung tatlo but I've never heard her sharing her own opinion.

About Macey naman, I think we share the same trait sa pagiging straightforward sa aming mga ideas and opinions. She's the youngest among us yet sometimes she overpowers Crystal and Darleen considering mas nauna yung dalawa sakanya. She's also the loudest, I mean.. Ang lakas niyang magsalita, ang lakas niyang tumawa at ang lakas niyang mang asar lalo kay Darleen. Single din siya at palagi ko silang naririnig na hinahanapan siya ng magiging jowa dahil siya na lang ata ang single sa kanilang apat.

*****

"Sage!" Tawag saakin ng papalapit na si Crystal.

"Oh, Hi." I waved at her. Nagpapalipas lang ako ng rush hour. Masyado kasing mahirap sumakay kapag ganitong oras.

"Coding ka ngayon?"

"Oo eh, papalipas muna ako oras saglit" I moved a bit para makaupo siya sa tabi ko.

We're just sitting here sa couch dito sa lobby.

"Sabay na tayo, okay lang ba?" She smiled shyly.

"Sure. Hindi ka naman nagmamadali ano?" I asked.

"Oo, hindi naman. Teka, oo nga pala birthday ng anak ni Beb sa saturday. Seventh birthday ni Julia yun, sama ka ha?"

"Yeah," and the I smiled.

"Ayown, buti naman sumama ka na. Alam mo ba, palagi ka namin gustong ayain kaya lang nung inaya ka namin before sa Northern Lights tinanggihan mo kami kaya nahihiya na kami ayain ka uli."

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Strict ba parents mo?"

"Hindi naman, may mga kailangan lang ako asikasuhin pag uwi."

"Ahh, pero saan ka nga ba nakatira?"

"Sa Swiss, kasama ko kuya ko."

"Sabi ko na eh, sosyal ha. 'Di ba yun yung katabi ng Fortress Mall?"

"Hmm, actually kadugtong. May access din kasi sa Condo going to the Mall."

"Ay ang shala!" Natatawang sabi ni Crystal "Kami naman dun sa kanto before yung Fortress Mall, pag pasok sa kanto yung unang Subdivision."

"Ah, really?" Yun na lang ang naisagot ko sa mga sinabi niya.

"Oo girl, super lapit lang pala natin. Gusto mo Fortress tayo mamaya? May pang regalo ka na ba sa anak ni Beb?" Magiliw na tanong niya.

"Wala pa nga. Sige sige, daan tayo mamaya."

"Yehey! Wait, sagutin ko lang 'tong jowa ko, tumatawag.."

"Yeah, go ahead."

*****

"Ang hirap naman pumili ng pang gift!"

Natawa ako kasi parang bata si Crystal na nagmamaktol.

"May napili ka na? Ano yang nasa basket mo patingin nga.."

Iniangat niya bigla yung mga laman ng basket ko.

"Ay ang taray, make up set. Naku magugustuhan yan ni Julia Marie, sobrang kikay pa naman nun. Magkano ba yung ganito?" Sabay tinalikod niya yung box.

"Hala. 4,995 pesos? Ang mahal masyado Sage, tapos ano pa 'to? Bag and slippers na Barbie? Huy ang dami nito.."

"Okay lang yan, tsaka magugustuhan naman nung bata diba sabi mo? Kaya ayos lang yan. Minsan lang naman sila bata" Nakangiti kong sagot sakanya.

"Kung sabagay.. Pero grabe Beb, pang ipit lang ng buhok ang afford ko" Tawang tawa niyang sabi.

"Wala sa presyo yan, ano ka ba. Ma-appreciate yan ng bata di dahil mahal o mura. Magugustuhan niya yan dahil regalo sakanya, pati magagamit din niya naman yan for sure"

"Kung sabagay.. Nakaka-ovewhelmed yung gift mo. Parang gusto ko na bumalik sa pagka-seven years old. Magawa na nga itong five pairs para iba-iba araw-araw yung ipit niya sa buhok pag pasok sa school."

Nginitian ko lamang siya "Crystal, mag-C.R. muna ako. Pakihawak muna ako nito" I handed her the basket.

"Sure, magiikot muna din ako dito sabay na tayo magbayad"

I just nodded and went straight in the comfort room.

Buti na lang at walang pila at nakalabas ako agad. Nakakahiya naman paghintayin ng matagal si Crystal.

I was spraying my alcohol when someone familiar called my name.

"Sage.."

*****

Hi! How are y'all? It's been a while. I miss you guys. I miss Donkiss! 💖

Adios~

09 • 06

ASH&SAGEWhere stories live. Discover now