Chapter 11

94 12 0
                                    

After what happened last sunday ay wala na akong ginawa kung hindi ang isubsub ang sarili ko sa trabaho.

Ano pa nga bang pag kakaabalahan ko love life? Na sakit sa ulo, totoo pala yung mga sinasabi nilang sauna lang masaya.

"Huy, Nurse Amber." Nagulat ako ng biglang pag sulpot ni Nurse Lyna sa harap ko.

"Iniisip mo nanaman sya no? Alam mo ba nakita ko si Elli kanina kasama yung sinasabi mo saaking Liezel." May pang aasar sa boses nya sinamaan ko lang sya ng tingin.

As long na masaya si Elli sa ginawa nyang desisyon dapat ay maging masaya narin ako dahil yung taong mahal ko masaya na ang masaklap nga lang ay hindi saakin, but that's okay.

"O? Tapos?" Tanong ko na parang walang pakialam pero alam ko sa sarili ko na gusto ko lahat malaman nya nung nakita nya si Elli na kasama si Liezel.

Tumawa say at bahagyang hinampas hampas pa ang braso ko kaya napairap ako at bahagyang umatras sakanya.

"Impyernes ha, hindi sila bagay." Tawa pa nito. "Mas bagay parin kayo, no."

Natawa naman ako sa inasta nya at ngumuso.

"E, talaga?" Mahinang tanong ko.

Lumapit sya saakin at umakbay sa mga balikat ko bago ay may ibinulong.

"Nayy, ilang linggo na hindi parin na kakapag move on." Nagising pilyang aniya.


Gaga tong babaeng to kala nakikipag biruan ako, pero paano naman ako makaka move on ha? Ten years tapos dapat ay ilang linggo lang dapat ay naka move on na?

Makaka move on din ako, kahit mahirap.

Masama akong lumingon sakanya. "Sige sabihin mo nga kung paano ako makakapag move on e, lagi mong bukang bibig."

Ngumuso lang sya at pinulupot ang kamay nya sa braso ko na parang nag lalambing.

"Ewan ko ba sa mga lalaki, ang hilig manakit." Sabi kopa hindi naman sya umimik, hinila nya ako para makaupo kami sa garden ng Hospital.

Ayaw ko naman talaga sa amoy ng Hospital ayaw ko ring mag nurse pero dahil sa hiling ni lola bago nya ako iwan non, gusto nyang mag nurse ako kaya iyon ang ginawa ko.

Habang tumatagal napa mahal narin naman ako dito, habang si Elli naman ay pangarap maging kilala ang banda nyang One Way. Lagi akong nasatabi nya tuwing gig nya ganon din sya saakin.

I remember nung akin pa sya, hatid sundo nya pa ako dito sa Hospital kahit nung nag aaral palang kami ayaw nyang nahihiwalay saakin, pero nag bago lahat yon at parang kahapon lang ang lahat.

9:00 na ng makalabas ako ng Hospital wala akong kasabay sa pag labas dahil nag karoon ng emergency si Nurse Lyna kaya maaga syang umalis.

Habang nag hihintay ako ng taxi ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa shoulder bag ko.

1 text from ate Elyse

Kunot noo ako habang binubuksan ang text naiyon ni ate Elyse, buti nalang talaga si ate hindi nag mana ng kamalditahan nya sa nanay nya.

Ate Elyse:
Pwede ba tayong mag kita? Andito ako ngayon sa Blossom Cafe malapit sa hospital na tinatrabahuhan mo Amber.

Basa ko sa text nya, kaya gayon nalang din ang pag tataka ko.

To: Ate Elyse
Sige po, papunta na.

Sagot ko sa text nya at agad ko namang inilagay ang cellphone ko sa shoulder bag ko at pumunta sa sinasabi nyang Blossom Cafe.

Parang kahapon lang (COMPLETED) PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon