Chapter 15

81 12 0
                                    


"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Elli saakin ng makasakay na kami sa sasakyan nya.

Saan ba? I only know basta kahit saan basta sya ang kasama ko ayos na ako doon.

"Kahit saan basta ikaw yung kasama." Nakangiting sambit ko dito nakita ko naman ang pag silay ng pilyong ngiti nya.

"Sa langit nalang kung pwede." Sambit nito habang hindi mawala wala ang pilyong ngiti.

Napakunot noo naman ako sa sinabi nya sa langit? O sinabi nyang gusto nyang sumakay ng eroplano para makapunta sya sa langit. Pero bakit naman doon alam nyang takot ako sa high e.

Ngumuso ako sakanya na parang nag tatampo.

"Takot akong sumakay ng eroplano, ikaw nalang kung gusto mong pumunta ng langit." Nakangusong sabi ko dito nakita ko naman ang pag igting ng panga nya.

Problema nito, minsan talaga hindi ko naiintindihan mga banatz nya. Ayaw nalang kasing deretsyuhen d.

Bahagya nya ring sinabunutan ang buhok nya at napahampas pa sa manibela bago tumingin saakin.

"Problema mo?" Nag tatakang tanong ko dahil para syang baliw sa ginawa nya.

Mahina syang tumawa. "I love you." Tanging sabi nya na ikinapula ng mukha ko bago nya binuhay ang makina ng sasakyan nya bago ito paandarin.

Umiling nalang ako at binaling ang tingin sa labas ng daan ng sinimulan nyang paandarin ang sasakyan nya.

Humikab ako dahil sa antok anong oras narin kasi ako nakatulog kabagi napahawak din ako sa tyan ko dahil naramdaman ko ang pag kalam nito hindi nga pala ako nakakain kagabi at kaninang umuga dahil sa pag mamadali na makita si Elli.

"Hindi kapa kumakain?" Napatingin ako kay Elli ng mag salita ito, nakatingin din sya sakin na kunot ang noo.

"N-nakalimutan ko." Utal na sabi ko at nag iwas ng tingin sa kanya ng sumama ang tingin nito saakin.

Lagi syang ganon tuwing nakakalipasan kong kumain.

"Pano pala kung wala na ako, baka pabayaan mo ang sarili mo." Sambit nya na ikinaawang ng labi ko at pag init ng mata ko.

"Kaya wag kang mawawala ah?" Mahinang sabi ko at tumingin muli sa mga mata nya na bahagya nawala din ang pag kunot ng noo nya.

Hindi sya sumagot sa sinabi ko at tinuon lang ang sarili nya sa pag mamaneho. Napapikit nalang ako dahil sa inasta ko.

Kailangan ko ng mag ingat sa mga sasabihin ko sa susunod ayaw kong maalala nya na may sakit sya naiiwan nya na ako pag mag kasama kami dahil ramdam ko ang sakit na nadadama nya.

Wala akong imik nakatingin sakanya misan ay tumitingin sya saakin pero agad din nya itong iniiwas pag nag tatama ang mga mata namin.

Tumigil ang sasakyan ni Elli sa tapat ng drive thru sa may Jollibee na favorite ko at ganon din sya.

"Huy Elli." Kalabit ko dito pero hindi parin sya humaharap sakin.

Tumingin lang ako sakanya habang kinukuha ang mga inorder nya, isang bucket ng fried chicken four rice at mga fries at cola ang binili nya.

Binigay sya saakin lahat iyon bago paandarin ang sasakyan nya, napanguso nalang ako dahil sa inasta nya. Ganon ba talaga ang pag tatampo ng lalaking to saakin.

"Ikaw kumain kana, mag l-lunch narin hindi ko naman to kayang ubusin." Sabi ko dito pero hindi nya parin ako nilingon.

"Mamaya na." Malamig na giit nito kaya napatango nalang ako.

Parang kahapon lang (COMPLETED) PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon