Chapter 6

5 0 0
                                    

"C'mon, Blaze." tawag ng isang cute na tinig. May mga narinig siya mga yabag ng paa. Ang mahinang bulungan ng mga ito ay napalitan ng mahinang tawa.

"Be careful, Frost. They might woke-up."

"I will. " Aniya. Iminulat niya ang kanyang mata para tingnan kung sino ang kanina pa nag-uusap. Isang DSLR cam ang bumungad sa kanyang harapan. Hawak ito ng isang cute na batang lalaki.

"Good morning po, tita Kerrine." magalang na bati ng dalawang. Ngumiti siya sa mga ito. May kung sino ang gumalaw sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ang kaibigan pala niyang si Deanne ang gumalaw na ngayon ay gising na rin parehas niya. Tumabi sa pagitan namin ni Deanne ang dalawang kambal. Walang ipinag-kaiba ang dalawang magkapatid. Kung titingnan ito ng maayos, talagang mag-carbon copy sila. Mula sa mata, sa tangos ng ilong, ang hugis ng kanilang mukha. They were absolutely the same.

"Anong oras na ba?" tanong ni Deanne. Kinuha ko sa bedside table ang relo ko.

"It's already pass eight in the morning."

"At late na po kayo for breakfast, tita." saad ni Frost.

"Oo nga, no." agad na bumangon sa higaan si Deanne at pumasok sa banyo.

"Bangon na po kayo dyan, tita Kerrine. Play po tayo sa labas." yaya ng dalawa.

"It's too early pa to play outside." sabi ko sa kanila. Nakita niya inilagay ni Blaze ang kanyang daliri sa side ng kanyang ulo. Para itong nag-iisip o talagang nag-iisip nga ito.

"Tita is right, Frost. It's really too early to play. Let's just go out and take a horse ride."

"Yeah! You're right, Blaze." sang-ayon nito sa ideya ng kambal. Nakakatuwa silang tingnan dalawa. Talagang magkasundo sila hindi parehas ng iba na nag-aaway pa. Pero teka, tama ba yung narinig niya na horse riding?

"Kiddo, ano yung sinabi niyo kanina?" tanong niya sa kanila. Gusto niya lang manigurado na tama ang kanyang narinig mula dito.

"Yung po ba Horse ride?" sabi nito. Tumango ako. Magandang pampalipas oras ang pangangabayo. Ano kaya kung mangangabayo kame ni Deanne. Not bad. After breakfast sasama ako sa magkapatid sa kwadra ng mga kabayo. Bibihira lang kasi ako pumunta dito sa Aurora at saka hindi ko naman alam noon na may kabayo silang inaalagaan. Sakto lumabas si Dea sa banyo. Bagong ligo na ito at  tinutuyo nito ang kanyang mahabang buhok.

"Hey Kerr! Anong magandang gawin ngayon? Hindi naman pwede na buong araw nandito lang tayo sa loob ng kuwarto at magmukmok."

"May naisip ako gawin mamaya pagkatapos ng almusal natin." suggestion ko sa kanya. Naintriga naman ito lumapit sa akin.

"Anong naisip mo?"

Umayos ako ng pagkakaupo sa kama. "Narinig ko kasi sa dalawa chikiting na magho-horse ride sila. Since hindi ko alam na may kabayo pala sila kuya dito, yun ang gagawin natin mamaya. Lilibutin natin ang buong lupain ni kuya Vincent." I laughs.

"Agree ako sa ideya mo iyan. Hindi ko naitapos ilibot ang lugar na itong nung pumunta ako 2 years ago. Mamitas na rin tayo ng mga bungang kahoy para may makain tayo."

"Sige!" sang-ayon niya dito saka sila nag-apir.

"Kuya Vincent!" Tawag niya. Asan na ba yun si kuya? Kanina pa namin siya hinahanap sa bahay pero di namin siya makita. Tumingin siya sa paligid. Ang daming kabayo! Ginagamit kaya ito lahat nina kuya at ate? Naglakad siya paisa-isa sa kuwadra. Iba't-iba ang kulay ng mga ito. May black, light brown, dark brown, pero ang nakaka-agaw ng kanyang pansin ay ang kulay puting kabayo. Bata pa ito kung titingnan dahil di masyado kalakihan ang katawan. Parang nangingislap ang mata nito kung titigan at napaka-amo. Hindi siya aggresibo.

You are my only one (Henry&Kerrine story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon