Nakakamiss magsulat and magpa inlove. I will try to do this in less than 20 chaps. Sana kayanin :). Please let us all be responsible readers. Ayaw ko ng toxic na pag uupdate, nawawala po ako sa focus hanggang tamarin na lang ako :). Thank you and happy reading!
*****
Napatingin ako sa rear mirror sa aking harapan. Nagtama ang paningin namin. Napatingin lang siya sandali pagkuwa'y bumalik din ang tingin sa daan. Napaiwas naman ako ng tingin at bumaling na lamang sa nadadaanan naming mga establisyemento.
"May dadaanan pa ba kayo senyorita?" boses sa harap ko.
Bumaling ako ng tingin sa rear mirror muli at umiling.
Napabuntong hininga ako.
Kanina ay gustong gusto kong sumama sa mga kaibigan kong pupunta ng Rockwell para mamili ngunit nawalan ako ng gana sa pagsunod sunod niya. Tumunog ang telepono niyang ikinabit ang kanyang earpiece.
"Yes sir," aiya sa kabilang linya. Nanatiling nakatingin ako sa labasan.
"Copy, Sir" aniyang muli. Napatingin ako sa harapang napagtanto kong baka si Daddy ang kausap niya.
Hindi nga ako nagkamali, pagkatapos niyang tanggalin ang kanyang earpiece ay tumunog ang telepono kong alam kong si Daddy iyon, sa ringing tone pa lamang. Inilabas ko ang pinaka bago kong modelong cellphone. Bagong labas ito sa market, bago ko pa nasabihan si Daddy na gusto ko ay naibili na niya ako.
"Dad" ani kong inilapat iyon sa aking tainga.
" Heading home?" si Daddy na nasa kabilang linya.
"Opo," maikling sagot ko.
"I thought it's Janina's birthday, hindi ba kayo lalabas para bumili ng regalo?" Si Daddy muli.
"Uh, hindi na po ako sumama Dad-" sagot ko.
"You're not feeling well?" alarma ng boses ni Daddy.
"Hindi po Dy, I am fine. Gusto ko na lang umuwi muna" sagot kong napatingin sa rear mirror. Nagtama muli ang paningin naming bumalik ang tingin niya sa daan.
Napailing akong napairap.
"Okay then anak, but if you're not feeling well. Magpahatid ka na lang kay Kirk sa Emergency Room, he knows what to do" si Daddy na malaki ang kumpyansa at tiwala sa taong nasa harapan ko.
"I am fine Dad-" sagot kong napapaisip kung anong meron sa kanya at tiwalang tiwala si Daddy. Imagine, entrusting my life to him.
My driver slash bodyguard.
Ani ni Daddy, hindi daw siya makapagtrabaho at maasikaso ng maayos ang kumpanya niyang iniisip ang lagay ko sa araw araw. Mukhang hindi naman araw-araw. More of oras-oras. Masyado akong mahal ni Daddy para hindi icheck maya't maya.
Sa pagkakaalam ko ay pamangkin siya ng kasambahay namin na kilala nila Mommy sa probinsya. Scholar din siya ni Daddy. From his pre-law hanggang ngayong nasa ika apat na taon ng kanyang pag aabogasya. Personal assistant siya ni Daddy dati hanggang naging bodyguard ko nitong nakaraang taon.
Sumandal ako sa aking inuupuan. Pakiramdam ko nasasakal ako sa sobrang pagiging masunurin niya kay Daddy. Lahat ng aktibidades ko ay nakareport kay Daddy.
Pumikit akong naalala ang biro ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Finally Know What Love Is
RomanceCarmela and Kirk Ayaw ni Carmela noong una kay Kirk, isa siyang bodyguard na inatasan ng kanyang ama na bantayan siya. Hindi naman siya ganon ka brat kaya lamang ay pinakaiingatan siya ng ama dahil nag iisang anak. Bukod pa rito ay busy ang daddy ni...