Althea's POV
Nandito kami sa starbucks ng mall. Syempre kasama ko cla bess. Makiki WiFi muna kami habang hinihintay namin si Fiona. Tagal nya kasi, pero papunta na daw. -_-
Mga 20 minutes din ang nakalipas at sa wakas nakarating na rin si Fiona. Sakit na ng pwet ko kakaupo .. At ngayon maglilibot na kami sa mall. yiieppie ^_______^
"Unnie, doon tayo oh. Magaganda damit nila jan. Dyan nga ako palagi bumibili ng damit eh. ^_____^" sabi ni Fiona, habang hinihila ako papunta sa loob ng boutique. Wow ! Kung makahila parang tinatrato akong aso. haha.. pero okay lang, cute nya naman eh .. ^_^
Pagpasok namin sa boutique, wow !! O_o ang gaganda ng mga damit nila. Mukhang mapapagastus na naman ako nito. mehehe ..
"Unnie, bilhin mo to oh. Bagay na bagay sayo." sabay abot ng damit.
"Hehe. Sige sige." pag sang ayon ko naman.
Natapos narin naming libutin ang buong mall. Kapagod lang talaga. Grave pala talaga tung si Fiona maka shopping, libutin ba naman ang buong mall ?? Tapos, ang dami pa nyang napamili. Ako sakto lang naman binili ko. Di masyadong marami, di rin masyadong kaunti .. haha .. May ganun ?? Pero wala talagang makakatalo kay Chloe. Super dami ng pinamili nya. Bawat boutique na pinapasukan namin dumibili talaga siya. Siya na talaga ang dakilang fashionista. =___=
"Tara kain muna tayo." - at last nagyaya na ring kumain si Fiona.
"Tara na. Pagod nako kakalakad." - bulalas naman ni Blaise. Halata nga sa mukha nya na pagod na pagod na siya. -_________-
"Tara kain tayo ice cream." - excited na sabi ni Chloe.
"Sige sige. I want to eat ice cream too." - Fiona
Kahit kailan may similarities talaga tong dalawang to. (Fiona & Chloe) Parehas silang mga isip bata at mahilig kumain nga sweets. Pero kahit na ganyan love na love ko sila. haha.. Charrrott .. ^_^
So ayun, pumunta na kami sa Ice cream shop ang umorder ng ice cream. Sympre cookies & cream inorder ko. Favorite ko kaya to. hihi ^_________^
"Ahmp... unnie, may sasabihin nga pala ako." sabi ni Fiona habang kumakain ng ice cream. hahah
"Oh anu yun ??"- tanong ko sa kanya. na cucurious kasi ako sa sasabihin nya.
"Gusto ko po kasi sana imbitahin kayo sa party bukas. May party po kasi sa bahay namin."- masigla nyang sabi .
"Talaga ?? Wow ! Mukhang exciting yan." tuwang tuwa namang sabi ni Chloe.
"Anong party yan?" seryosong tanong ni Blaise. =_____________= Ang cold talaga ni Bess..
"Wala lang po. Nagpaparty lang po mga magulang ko. Kasi gusto nya raw makilala mga friend ko at friend ng kuya ko." - ang sigla talaga sumagot ni Fiona noh ?
"Kailangan pa ba talaga kami pumunta dun?" - tanong ko naman sa kanya.
"Opo. Kasi kayo lang naman mga kaibigan ko eh. Wala akong kaibigan sa school. Di ko feel makipag-kaibigan sa kanila. Tsaka kung di kayo pupunta, ma o OP naman ako dun. Kasi lahat ng kaibigan ng kuya ko pupunta. Kaya please pumunta na kayo. Pretty please. *pout*" - di ko talaga matiis tong si Fiona.
"Ahh ! Sige na nga."- sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Yeheey !! Thank you so much unnie ^_______________^" - ang cute cute nya talaga.
"Baka naman magalit kuya mo?" cold na naman na tanong ni Blaise.
"Ayy ! Di yan. Friend ko kayo eh. Isusumbong ko siya kay mommy kapag nagalit yun." - Fiona
"By the way, sino ba kuya mo? Sa East High din ba siya nag aaral?" curious naman na tanong ni Chloe
"Ahh! Opo. Ipapakilala ko po siya sa inyo bukas." - full of energy sagot ni Fiona.
"Siguraduhin mong mabait yan ha. Kung di itatapon ko siya palabas ng planet Earth." - hahaha .. natawa naman ako sa sagot ni Blaise.
"Eeeeehhhhh !!! ??? Medyo may lahing masungit pa naman kuya ko. Pero don't worry ako na mismo ang tatapon sa kanya palabas ng Earth kapag inaway nya kayo." - isa pa tong si Fiona oh. Nakakatawa. ^_______________^
"Hahahaha... Sinabi mo yan hah." - natatawa ko namang sabi.
Pagkatapos namin pag usapan ang tungkol sa party, nagsi uwian na rin kami. Pagod na kami sa kaka shopping eh. Sakit na ng mga paa ko. >............<
Nagshower na ako at pagkatapos ay humiga na ako sa kama para matulog at makapagpahinga narin. I need some beauty rest para sa party bukas. Ang panget naman kasi kung pupunta ako sa party na may malaking eyebugs na mukhang di nakatulog. haha.. nakakahiya naman.
At sympre di ako papayag na ganun nalang mangyari sa beauty ko noh.. Kaya kailangan paggising ko bukas magandang maganda ako. hahah :D ^_____________^
xxxxx~~~~xxxxx
LIKE, VOTE & COMMENT !! ^___________^
BINABASA MO ANG
I'm Freaking Inlove with my Enemy ~slow update~
Novela JuvenilI Love my enemy ! Sino kaya ang matinong tao ang magsasabi nyan ? Will it be happily ever after ? or forever enemies nalang sila ? Find out by reading this crazy but sweet story of mine! ^___^