Part Two :))

182 0 0
                                    

Part Two :)

Haaay, December na din pala. Naalala ko tuloy yung mga Christmas Shopping namin ni Marc. Nakakamiss talaga siya. Disyembre na naman, panibagong Pasko na naman ang dadating. Nakakalungkot dahil nabawasan na naman ako ng isang mahal sa buhay ngayon. Si Marc. :( Pero siguro may rason at halaga ang pagkawala niya. Teka nga.. *beep beep*

Rafael: Rhose, I’m sorry may kasalanan ako sa’yo.

Rhose: Oh, bakit Raf? Anong kasalanan?

Rafael: Hindi ko natupad yung promise ko sa’yo. :(

Rhose: Promise? Anong promise Raf?

Rafael: Hindi ko inalagaan si Jenny, Rhose.

Rhose: Break na kayo? Bakit what happened Raf?

Rafael: Di pa kami break, pero there’s a girl na minahal ko higit pa sa kanya. I’m sorry. :’(

Rhose: Ha? Ano? Sino siya Raf?!

Rafael: Yung friend ko na sinasabi ko sa’yo dati, yung textmate ko na pinagseselosan ni Jenny. I’m sorry di ko natupad yung promise ko sa’yo. :(

Rhose: Alam niya ba ba ‘to?

Rafael: Yup, I told her about this last night.

Rhose: Oh, ano namang sabi niya?

Rafael: She got mad, pero ayaw niyang tapusin yung relasyon namin eh.

Rhose: Call ‘ya later. K? Nasa SM ako eh. Mamaya usap tayo.

*deep breathe* Lord, eto na po ba yung sign? Ibig sabihin po ba nito na si Marc na talaga? Ano bang ginawa ko, hindi naman po ako nagging selfish kay Rafael ah? Pinag-promise ko po siya na hindi saktan si Jenny para din sa kapakanan ni Jenny, kahit nasasaktan na po ako. Kahit mahal ko siya. Pero bakit niya pa po kailangan magmahal ng iba, pagkatapos ko pong tanggapin na si Jenny ang mahal niya? Hindi pa po ba sapat yung ginagawa ko? Di pa ba sapat yung pinaparamdam ko kay Raf? O sadyang manhid lang po talaga siya? Lord, tulungan niyo naman po ako oh. :( Haay, tadhana, naglalaro ka na naman. :|

“Hello, Angel, pwede ka bang pumunta sa SM? Badly need you.”

“Oh, napatawag ka ata. Sige, pupunta na ‘ko, mukhang may problema ka eh. Meet kita sa food court, nandito na din kasi ako sa Entrance, what a good coincidence. Sige, bye.”

Nakita ko agad si Angel sa likod ko..

“Oh, Teh, anung problema?”  salubong niya sa’kin habang nakaupo ako at nakayuko.

“Ayoko na ulit magmahal. Ayoko ng masaktan pa ulit.” :(

“In love ka kay Raf? OMG!”

“Oo, in love ako. Pero ayoko na, ang sakit-sakit pala talaga.”

“Oh, bakit ano problema?”

“Magkaaway sila ni Jen ngayon eh.”

“Oh? Bakit ka-emo? Dapat nga masaya ka eh. Magkaaway sila.”

“Hindi naman ‘yun yung kinakalungkot ko eh, hindi ddahil magkaaway sila kaya ako nagdadalamhati dito.”

“Eh bakit ka ganyan?”

“Raf loves another girl besides Jenny.”

“Oh? Humanda ‘yun sakin. Oh? Ano balak mo ngayon?”

“Tatawagan ko muna si Raf.”

“At anong sasabihin mo? Magbibigay ka na naman ng advice para sa ikabubuti nilang dalawa? The, wag ka nang magpakamanhid, tigilan mo na kung nasasaktan ka. Tell him you love him, and show him that you care.”

Tadhana. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon