25: How's The Taste?

16 1 0
                                    

"Hindi ka ba kakain, Dolli? We'll have our investigation later. Lapit ng dumilim ang araw-"

"I know! As I said earlier, leave me alone!" sigaw na saad ko at tumayo papalapit kay Yorish. "Pasensya na Yorish ha pero please, just this time, give me some space to let myself sunk in with these antagonizing events? Hindi na ako napapatahimik e and lastly, lalo akong hinahabol ng konsensya ko ngayon lalo na't bilang na bilang na lang sa darili ko ang mga taong natira dito." madiin kong saad habang nakatingin sa kaniya.

Ramdam ko ang biglang pagbago ng aura nito. Para bang dumilim at masikip sa dibdib ang pinapahiwatig nito. "Sorry." nanlalambot na sabi nito bago umalis nang malamya, nakayuko.

As time passes by, nakikita kong pati ugali ko nagbabago. Nagiging toxic ako dahil sa mga sirkumstansiya na nararanasan ko ngayon. Gusto lang maging malaya! Gusto ko lang maibigay ang hustisya na ninanakaw ng kambal ko! Pero bakit ang hina hina ko? Na sa sobrang hina, inumplewensiyahan na ako ng nakakalason na pag-uugali. I'll try to change. What if Jaevier's getting tired of me because of this attitude that I'm currently dealing with? Hindi impossible 'yon.

- Yorish's POV -

"Hindi pa rin umiimik?" tanong ni Sir bago sumubo ng isang kutsarang pagkain.

"She did. Pero basta po Sir. Bigyan muna natin siya ng peace of mind." malamig kong saad at sumubo rin ng isang kutsarang pagkain. He just shook his head, having a look of disappointment.

Dumikit sa akin si Ylaijah at bumulong. "Pabayaan mo muna, just eat. That's what you need to be energized later." tumango na lamang ako at tinuloy ang pagkain sa hapunan ko.

Malaya kaming natapos kumain, wala pa rin si Dolli. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kaniya but all I just knew is that ever since Mr. Fernandez died, she's lost her faith to herself. Ang laki ng pinagbago niya. Sobrang unexpected actually. Siguro, hahayaan ko na lang na idikta muna ng oras kung ano ang magiging kahihinatnan niya. Maghihintay ako sa reformation ng dating siya. Dollibae has been a great friend of mine and I wouldn't be able to afford if I'd lose her.

Bumalik na kaming lahat sa kuwarto kung nasaan ang mga gamit namin to prepare for another investigation later only to find Dollibae, sleeping peacefully. Sayang nga't hindi pa nahuli si Dazirene kanina nung natagpuan namin silang dalawa ni Dollibae sa unknown room na pinaglagyan nila nina Viu, nasa University na sana kami as of now at nagsasaya dahil nakamit na ang minimithing hustisya pero siguro, let's work harder na lang. We need to unite, we need to unite.

We started preparing our things, isa-isa kami. Nasa bandang dulo ng kuwarto sina Russelvic and Shaun. Dito naman ako sa bandang entrance kasama si Ylaijah habang sina Sir, Shinoo at si Jaevier nasa kabilang-dako ng kuwarto.

"Pst uy." sitsit sa akin ni Ylaijah sa tabi ko habang kinakalabit ako.

"Bakit?" tanong ko naman.

"May napapansin ka ba kay Dolli?" muling saad nito habang nagliligpit ng gamit niya sa tabi ko.

Agad naman akong tumingin sa kaniya at tinigil ang ginagawa ko't muling nagtanong. "Meron. Pero bakit mo naman natanong? May nangyari ba sa inyong dalawa?"

"Wala naman. Yung ugali niya lang, feeling ko parang nagbabago."

"Totoo. Parang nagpalit kayo ng kaluluwa. Nagsanib pwersa ba kayo? Char." biro ko at tinuloy nang muli ang paghahanda sa mga kakailanganin naming gamit mamaya.

"Then?" napatingin na lamang kami sa likod namin nang marinig namin ang boses ni Dollibae, nakatayo sa likod namin.

"Kanina ko pa kayo sinusubaybayan. Masaya bang pag-usapan ako?" sarkastikong pagtatanong nito habang nakangiti.

Diplomat HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon