11th Ruled

44.6K 1.4K 445
                                    

Ruled

Distracted

Latch:

I'm sorry. Something came up. Happy birthday my angel.

My? You're calling me yours when you failed to show up? My brow shot up with my smirk. My ass.

Hindi ko iyon nireply-an at itinabi na ang aking cellphone lalo na't ch-in-eck ko lamang habang nagpapalit na ng panibagong dress.

I watched myself on the reflection of the mirror infront of me. Dalawa ang nag-aayos sa akin. Isa sa buhok at isa sa likod na tinatali ang lace ng aking dress.

I wore a white gown this time. It wasn't heavy like my first ball gown but the skirt looked bigger with its three layers. Mahaba pa rin ang sleeves at puff ang sa may braso hanggang siko na doon humigpit at pa v-shape na ang ibaba.

The combination of the color were white and cream. Binago na rin ang ayos ng aking buhok at ginawang tuwid lahat ng bawat hibla.

"Ang ganda noong sayaw niyo. Para kayong prinsepe at prinsesa, Miss," ang babaeng nangingiti habang hinihigpitan ang tali sa likod.

I only smiled.

"Bagay kayo. Boyfriend mo?"

Halos gusto kong ngumiwi. Ni hindi ko nga makitang kaibigan ang lalakeng 'yon tapos boyfriend- nakakaduwal 'yon ah. Kay Hiro pa talaga?

"Ah hindi po. Family friend," I said softy.

Kita ko ang panghihinayang niya ngunit tumango rin. Sunod niyang ikinabit ang pang-ibaba.

Nakapaglakad din naman ako ng maayos. Si North ang sumalubong sa akin at naghintay na matapos ako.

"Damn... you're like an angel," aniya nang pasadahan ako ng tingin.

I smiled and hooked my hand to his arm.

"You looked disappointed. Is it because of your last dance?" tanong ni North nang tumagilid ang ulo at tiningnan ang aking ekspresyon.

I nodded and smiled bitterly.

"Paasa," hindi ko maitago ang tabang sa ngiti ko.

North only smiled. Sumeryoso ako saglit at pinasadahan ng haplos ang aking buhok. Ayoko talaga sa lahat iyong hindi tumutupad sa usapan. I hate being stood up.

I'm disappointed.

Tumapat ulit ang light sa akin nang lumabas ako. The guests glanced at me while I'm walking. Agaran kong binura ang dilim sa ekspresyon at ngumiti ng tipid. I saw how Ken's eyes sparkled. Blue's lips parted. Ang ibang Delafuente ay ngumingiti katulad ni Red, Elle at Nana habang ang iilan ay seryoso.

"Ganda!" Cassey shouted shamelessly and clapped.

Chey hushed her but she's laughing. Napatingin ako kay Naia na tahimik lamang na sumusubo at nasa pagkain ang tingin. I silently watched Hiro to confirm if he's looking at her. He is.

Binawi agad ni Hiro ang tingin kay Naia at napansin ang aking mga mata. Binawi ko rin ang tingin lalo na't ayoko nang panay nalang kami tinginan ngayong gabi. Nauumay na ako sa mga mata niya.

Sumuyod ako sa ibang tables habang abala silang kumain. May ibang nagpapapicture na pinagbigyan ko at meron ding yumayakap.

"Picture, Franca," si Ken nang tumayo habang nakahanda na sa camera ang kanyang cellphone.

"Blue," senyas niya sa pinsang tumatayo rin at lumalapit dala ang phone.

Kita ko ang paglingon sa amin ni Dad habang nakaupo kasama ang iba pang Buenaventura kasama sa iisang mesa. My mother caressed his cheek to get his attention. Binawi ni Dad ang tingin kaya doon lang nakahinga sila Ken.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon