8th Ruled

44.2K 1.6K 696
                                    

Ruled

Accident

"Lorren, that bitch!" pahisteryang sigaw ni Cassey nang magkita kami sa hallway bago ang uwian.

Again, she's holding a chocolate with a half bite. Kita ko sa kanyang mala bow ng kupidong labi ang dumikit na chocolate ng kaonti habang nasisira ang kanyang ekspresyon.

"Kilala mo siya?" I asked softly.

She nodded harshly.

"Oo naman s'yempre. Bakit ko siya makakalimutan eh nagsabunutan kami noong Grade Nine."

Hindi naman iyon kagulat gulat sa kanya lalo na't nag-eexpect talaga akong ganoon ang ugali niya kaso nagpanggap nalang akong gulat.

"Bakit? Anong pinag-awayan niyo?" tanong ko at tumabi sa sinasandalan niyang pader.

She rolled her eyes while putting some of the strand of her hair on the side of her ear. Nasa chocolate niya ang tingin na binabalatan niya pababa para makain ulit ang natitira.

"She's talking bad things about my cousin. Nagugustuhan si Naia noong crush niya. Kaya sinugod at sinabunutan ko."

Hindi pa kailanman nadadawit ang pangalan ni Naia sa mga gulo lalo na't napaka ilap at tahimik. Ang madalas na suki ay si Cassey.

"Ano namang reaksyon ni Naia?"

Umiling si Cassey at ngumiwi.

"Believe me Franca, Naia is the coldest human being I know! Baka nga hindi niya 'yan kilala si Lorren! Bukod sa wala siyang pake sa paligid niya, makakalimutin pa sa mga taong para sa kanya ay hindi naman importante. She doesn't care. Wala siyang ideya na siya na pala ang pinag-aawayan."

Huminahon ang aking ekspresyon. That's her. Noon pa.

"Bakit? Friend mo si Lorren? Kung kinakaibigan ka niyan lumayo layo ka. She's not nice," saka niya kinagatan ang kitkat.

Tumingin ako kung paano niya iyon kinain. She chewed it slowly at nagawa pang alukin sa akin ang natitira.

Umiling ako at ngumiti. Nakita ko kung paano nagsikuhan ang iilang boys na mapapadaan sa aming harapan.

"Thanks. Uh, girlfriend kasi siya ng isa sa friend ko. Kuryoso lang ako lalo na't kilala ka niya," saka ko siya muling sinulyapan.

Umirap siya at sinundan ng tingin ang group of boys na dumaan sa aming harapan.

"Hi Cassey, Franca..." bati ng mga boys.

I smiled innocently. Cassey flashed her smirk.

"Hi boys..." nanunuya ang kanyang tinig saka ako tiningnan.

"Siyempre kung nasaan ang group of boys nandoon siya. Feel na feel niyang siya lang ang maganda. Yabang pa. Ugh I really hate her," sabay habol ng tingin sa likod ng mga boys na nakalagpas na at bumaba pa ang mga mata sa kanilang pwetan.

Dami rin talagang hate ng babaeng ito. Mapa babae... lalake... But she's very friendly kahit napapaaway siya. Overprotective kay Naia.

"Papaiyakin niya siguro ang pinsan ko. Baka pumuti nalang ang uwak hindi niya makikitang iiyak 'yon," dagdag niya pa at may dinukot na panibago sa bulsa ng kanyang skirt.

Napatingin ulit ako sa panibagong chocolate na binubuksan niya. It's goya. Madaling lasunin 'to si Cassey. Bigyan mo lang ng chocolate wala na...

"Bakit hindi siya umiiyak?" tanong ko at inipit ang mga kamay sa aking pwetan.

Nagkibit siya. "I don't know. Noong mga bata pa kami, namatay 'yung isang pet na paborito niya. Alam mo 'yon... tinitigan niya lang habang nililibing ng Daddy niya. Kami ang umiiyak ni Chey. She's... oh wait. Nandiyan ang crush ko." Natataranta siyang umayos at ipinasok ang akmang babalatan na chocolate.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon