Ikaw ang bahag-hari
Matapos ang malakas na ulan
Ikaw ang langit
Mga bituin pati ang buwanIkaw ang pahinga
Sa bawat kapaguran
Ikaw ang silong
Kapag walang mapuntahanHanap ang bisig mo
'Pagkat sa yakap mo kumakalma
Ang nais na kapanatagan
Ay sa boses mo nadaramaSa bawat panalangin,
Sambit ang 'yong pangalan
Sa bawat hiling,
Ikaw ang kasagutanIkaw ang musikang
Palaging pinakikinggan
Ikaw ang paboritong bagay
Na hindi pinagsasawaanIkaw ang takbuhan
Sa tuwing nalulumbay
Ikaw ang sandalan
Kapag nais lang mahimlayIkaw ang nariyan
Sa tuwing malungkot at nag-iisa
Ikaw ang nag-iisang tiyak
Sa libu-libong pagdududaIkaw ang hiwaga
Ang nag-iisang kayamanan
Sa piling mo nadarama
Ang payapa't katahimikanKasama ka sa pangarap
Sa bawat hiling na "sana"
Sa'yo nagiging sigurado
'Di na kailangang mangambaIkaw ang aking palagi
Ikaw sa bawat sandali
Ikaw ang minimithi
Ikaw lang, bukod-tangi
YOU ARE READING
Sa Mundo Ng Makata
PoetryHalina't libutin ang mundo kung saan mahiwaga ang bawat sakit at luha na ating dinarama. Pasukin ang kaisipang puno ng iba't ibang emosyon na siyang nag-uudyok upang makalikha ng sining, obra maestra, talinhaga, at mahika. Pinapalaya ako ng pagsusu...