.CHAPTER 1.

1 0 0
                                    

Micha’s POV

Nandito ako ngayon sa dalampasigan, nakaupo lang at nakatingin sa kawalan.

Ang gandang pagmasdan ng dagat lalo na pag ganitong oras. 5:30 na kasi ng hapon, maggagabi na rin.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito, well sinama lang naman ako ng sira ulo kong bestfriend dito sa resort na pagmamay-ari nila. May beach din kasi dito, halos nga wala mang tao kasi taglamig ngayon. October na kaya, diba pagBER months na, malamig na yung panahon? Kaya hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng babaeng yun at naisipang magbeach. Okay lang naman kasi wala namang pasok ngayon, it’s Saturday today pero kasi nga ang lamig lamig na. -_-

Ayaw ko na sanang sumama pero dahil pinilit ako ni boyfie, sumama na ako. Hihihi. Halata bang kinikilig ako? Kahit isa lang akong hamak na nerd na nakasuot ng eyeglasses (na sobrang kapal), nakabrace (kahit hindi ko naman bagay), makapal ang kilay (sobrang kapal talaga), nagsusuot ng maluwang uniform (sinasabihan pa akong jejemon), hanggang tuhod yung palda ko (pero dapat above the knee yon), buhaghag na buhok (sinasabihan nga nilang akong magauditon daw ako sa mga horror movie, malaki daw ang chance na makuha ako, hindi bilang  bida kundi isang aswang, kainis lang diba? >.<) at higit sa lahat HINDI DAW AKO MAGANDA, in short PANGIT ako.

Pero sa kabila ng lahat ng yon, tinanggap parin ni BLUE yung buong pagkatao ko. Kahit halos awayin na ako ng mga babae sa school mapasocial media man o personal, hindi ko ako sumuko, pinaglaban ko siya. Halos kasi lahat ng babae sa buong Pilipinas ay may gusto kay blue, pati rin nga yung mga babae sa ibang bansa nagkacrush sa kanya, model kasi si Blue kaya ganun. Ang swerte ko lang kasi nakatagpo ako ng kagaya niya, gusto niyo idescribe ko siya sa inyo? Haha, wag na baka agawin niyo pa siya sa akin.

HAHA, idescribe ko na nga, Kasing gwapo at kasing lakas ng appeal ni Daniel Padilla (Gosh! Unang tingin ko palang sa kanya, nainlove na ko), kasing hot sumayaw ni Enrique Hil (halos tumulo na nga laway ko nung nakita ko siyang sumasayaw eh, haha), kasing ganda ng boses ni Adam Levine (Isang word palang yung binibigkas niya nahimatay na ko), kasing hot ni Zac Efron (may six pack abs siya bro), kasing galing magbasketball ni Rukawa ng SlumDunk (ang hot niya pagtumutulo yung pawis niya), kasing astig magdrums ni Ashton Irwin (best drummer ever), kasing galing gumamit ng gitara ni Luke Hemmings (yung paghawak niya palang ng gitara nakakamatay na), kasing cute ni Niall ng 1D (shit, gusto ko siyang yakapin palagi sa sobrang cute niya)..

Siguro yung karamihan sa inyo ay iniisip na nababaliw na ako dahil sa mga description ko sa kanya but God! He is almost close to perfection, no, I mean he is already perfect!

Hindi siya magkakaroon ng sobrang daming obsessed na fans kung hindi siya ganun. Kaya nga it’s a miracle nung sinabi niyang mahal niya ako eh, sino ba naman ako diba? Palagi ko ngang iniimagine na maganda ako para hindi na ako pag-isipan ng masama ng maraming tao, all of them want to kill me, sa tingin palang nila sa akin pero dahil super mahal ako ni Bluue sabi niya hindi ko daw kailangang baguhin ang sarili ko kasi kuntento na siya sa itsura ko, kenekeleg eke. Haha.

Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na may tao na pala sa likod ko, he suddenly cover my eyes with his two hands. Alam ko na kung sino to, haha.

Naramadaman kong nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.

“Guess who?” sabi niya. Shet! ang hot ng pagkakasabi niya. Micha! Ang landi mo!

“Zac Efron?” tanong ko, haha. Gusto ko lang siyang asarin.

“Mas gwapo pa sa kanya” yabang.

“Jamie Dorman?”

“Mas hot pa ko sa kanya no” feeling ko nakapout na siya, haha.

“Alright, suko na ko. You are my Blue, my only Blue” tinaggal naman niya ang pagkakatakip sa mata ko at tumabi sa akin sa pagkakaupo sabay akbay.

Imagination Becomes RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon