"Miss, pabili po ng chocolate fudge, brownie, with ferrero toppings po." Sabi ko dun sa nagbebenta ng ice cream sa ice cream shop malapit sa bahay.
"Okay ma'am. That would be 250 pesos." Huh? Ang mahal ata masyado. Noon 175 pesos lang yan. Ngayon 250 na? Asan ang hustisya?
Hayssst. Sige na nga. Magbabayad na lang ako. Tutal nakakahiya kung ibabalik ko pa yun.
Nakakaexcite naman! Ngayon pa lang ulit ako makakatikim neto! It has like been 3 years since huli akong makakain neto. Nawala na kasi si papa kaya si mama na lang ang bumubuhay sa aming magkapatid.
Parang may nakakalimutan ako. Ay oo nga pala, ako si Esther Sapphire Sanchez. I am 16 years old. Well, nagmumukha akong formal sa pag-iintroduce so.... matalino ako. Hindi sa nagyayabang ako ah. Valedictorian ako ng klase namin. Alam niyo na siguro kung ano ako. Oo, I am a nerd. Hindi ako panget ah! Maganda rin ako, pero wala akong time sa ganda na yan kaya nagmumukha akong princess sarah na nagbabalat ng patatas.
Lahat ng kaibigan ko, may love life! Ako, "WALA". Hindi ko nga alam may ganun pala sa mundo. Joke lang! Hindi ako bitter ah. Alam ko ang love, pero yung love life, malabo sa akin yun. May magkakagusto kaya sa akin?
❤️--~~************************************~~--❤️
"Uy, uwi na ako. Kanina pa tayo nagbebaseball. Hindi ba kayo nagsasawa dito? Kanina pa tayo training ng training. Malayo pa pasukan ah?" Nakakinis din tong mga kasama ko eh. Na-adik na sa baseball. Buti pa ako. Balance ang academics and sports.
"Sige tol, uwi ka na. Practice pa kami para pagdating ng pasukan, READY NA KAMI! Whoooo!" Ang lakas din ng mga tama neto. Hindi man lang naawa sa pagod nilang katawan.
Oo nga pala. Ako si Drew Morsale. 4th year highschool student. Mahilig ako sa sports and sa academics din (slight lang!). Varsity player ako ng school kaya kami nagprapractice kanina. Kailangan kasi, ready na agad kami sa mga on-the-spot na mga tournaments sa school. Pag hindi, uuwi kaming talunan, and pag nangyari yun, nakakababa naman ng ego and dignity kaya ayaw rin namin mapahiya at matalo.
Nako. Paparating na naman yung mga babeng linta. Buti nakalayas na ako.
Kung hindi niyo pa alam ang definition ko doon, yun yung mga girlfriends ng mga kaibigan ko. Sila rin ang mga popular cheerleaders sa school. Marami rin na ibang babae ang nagkakandarapa sa kanila, pero syempre, they never dare to go near them. Lalapit ka pa nga lang sa ka-varsity ko, titignan ka na ng masama ng girlfriend nya. Lahat naman ng cheerleaders na babae ganun. Popular and drop-dead gorgeous. Pag tinignan ka nila, tumakbo ka na paalis. Mamaya madala ka pa sa hospital.
Di naman ako naiinggit sa kanila. Nacucurious lang ako kung ano yung feeling. Never pa akong nagkagusto sa isang babae. As in "NEVER". Hindi ako choosy. Sadyang pag nameet ko siguro yung girl, parang kahit hindi mo tignan yung feautures nya, magkakagusto ka agad.
Marami rin na babeng nagkakandarapa sa akin, yun nga lang, di ko sila type. Masyado silang maaarte and ang kapal ng makeups. Pwede na nga silang maging clown eh.
Kailan kaya darating yung taong magugustuhan ko?
A/N: Di ko pa po alam ang date ng paglalagay ko ng chapter 1. Busy rin kasi ako sa pagaayos ng mga chapters sa Bestfriends Forever? na book. Nga pala, maganda rin yung story nun! Kaya please, basahin niyo and tiyak, matutuwa kayo! Thank you sa mga readers ng Bestfriends Forever?, sana magustuhan niyo rin po ito!
BINABASA MO ANG
When The Nerd and The Jock Fell
Teen FictionWhat would happen if an extraordinary kind of nerd meets the popular kind of jock? Meet Sapphire. A nerd that's well, smart enough to study abroad. Her looks are just like the ones you see in t.v. that wears glasses and has a braided hair. You may t...