"Leah... Gising ka na oh. Wala akong kadaldalan na hyper eh." Hay. Naaalala ko tuloy yung kuwento ni Hayley. Sobrang sakit pala nun noh? Parang sobra yung tagos sa puso mo. Naaawa talaga ako kay Leah pero okay na rin at the same time kasi nakalimutan niya na yun.
"Oo nga Leah. Mauubos ko na tong sushi na dala ni Sapph. Bahala ka, wala kang sushi pag gumising ka!" Pang-tatakot ni Mel kay Leah. Buti andito sya para laging masaya ang environment. Hindi dull at malungkot!
*Bukas pintuan*
Biglang ini-luwa ng pintuan ang apat na lalaki na guwapo. Ang isa naka-glasses, ang isa naman ay nakangiti at ang dalawa ay may pagka-snob at pagka-guwapo at the same time...Wait, what did I just said? Erase Sapph! ERRRAAAASSSEE!
"Hi girls!" Pag-sisimula ni Zac.
"Hello!" Masiglang bati naming dalawa ni Mel. Ang hindi lang kumikibo ay si Hayley. Siguro hindi pa rin sya naka-get over dun sa away kanina.
"May dala nga pala kaming foods para kay Leah at sa inyo!" So si Zac lang talaga yung dadal-dal ganun?
"Talaga!!!" Biglang lumiwanag mukha ni Hayley. So pag sa foods masigla sya? Buti na lang at hindi na kumikibo tong si Ginno. Ayokong maulit ang world war! Huhuhu.
"Eto oh. Sorry kasi salad at sushi lang ang mga dala namin. Request kasi ni Ginno eh!" Kaso nung binanggit ni Zac yung Ginno, parang gumuho ang happy face ni Hayley. Huwag niyong sasabihin na world war na ulit!"Ay thank you ah! Sige, kakainin na namin to. Pwede rin naman ipakain sa mga katulong ni Leah kasi kanina pa sila hindi kumakain. Right ate Plaz?( Isa sa mga katulong ni Leah)" tumango naman si ate Plaz. So hindi pa rin pala okay yung dalawa.
"Nako po ma'am, wag na. Okay lang po kami."
"Hindi po ate. I insist! Kanina pa po kayo dito eh! Sige na po. Pleeeaasseee! *PPPUUUPPEEHH FACCEE*" Kinuha rin naman ng katulong ni Leah ang pagkain at lumabas na sila para kumain.
"Bakit mo binigay sa kanila yung food? Eh diba favorite ni Leah yun?" Nag-tatakang tanong ni Johnny. I think, yung boys lang ang hindi nakakaalam sa matinding tension nina Hayley at Ginno. Hindi rin siguro nila alam ang dahilan kung bakit nabangga ng kotse si Leah.
"Eh kasi naaawa na ako sa mga katulong ni Leah. Don't worry guys! Bibili ako ng food or magpa-deliver na lang tayo ng pizza and sushis! Ano ba ang gusto biyo kainin?" Pag-iiba ni Haykey ng usapan. Si Ginno, nananahimik pa rin. Siguro napansin niya na galit pa rin sa kanya si Hayley. Kasalanan din naman ni Ginno eh. Dapat hindi niya pinaasa si Leah.
Si Drew naman, naka-upo doon sa sofa malapit sa T.V. Malaki kasi ang rooms ng clinic namin in case na malala ang kaso ng pasyente.
*Dial, dial, dial.*
"Pwede po magpa-deliver? Dalawang thin crust na pizza. Yung Hawaiian delight and manager's choice. Yes po. Uhmmm, yes po. Dalawa pong ganoon. Coca-cola lang po. Sa Star Faith Academy. Opo. Sa clinic po, room 107. Hayley Yu po. Ok po! Thanks!" Mukhang nagpa-deliver na si Hayley kasi narinig kong puro foods eh. Nagugutom na tuloy ako. Hehehe.
"Ayan naka-order na ako! Sige, Sapph and Mel, order na kayo ng mga sushi sa mall na malapit sa school. Uhmmm, Drew! Samahan mo ako mag-puntang library! K-kaseee, may ibabalik akong libro. Let's go na!" Sabi ni Hayley tapos lumabas na kami ni Mel ng room.
"Hindi pa rin okay yung dalawa noh?" Tumango ako sa sinabi ni Mel. Masyado kasing tahimik si Ginno tapos wapakels si Hayley sa paligid nya.
"Isipin mo ba naman, ibinigay ni Hayley yung sushis sa katulong?! Diba mahilig sya dun?"
"Oo nga eh. Nga pala! Bakit iniwan ni Hayley si Ginno sa rooommm? Eh mamaya magising na si Leah?!" Whaaa! Oo nga noh! Paano na ngayon kung magising si Leah tapos ma-inlove ulit sya kay Ginno?! Nako po?
BINABASA MO ANG
When The Nerd and The Jock Fell
Teen FictionWhat would happen if an extraordinary kind of nerd meets the popular kind of jock? Meet Sapphire. A nerd that's well, smart enough to study abroad. Her looks are just like the ones you see in t.v. that wears glasses and has a braided hair. You may t...