Sapph and Drew! ⬆️
"Miss, eto po yung card. Hintayin nyo na lang po yung order niyo." Sabi sa akin nung cashier. Grabe. Naeexcite na talaga ako. Hindi naman sa mahirap kami at ngayon lang ako makakakain neto ah! May kaya rin kami pero ayaw kong igastos pera ni mama dahil mas kailangan yun para sa pag-aaral ko.
Mukhang wala nang table....... "Ayun!" Sa wakas! Nakahanap na rin ng table. Nangangalay na ang legs ko sa kakatayo eh. Naglalakad lang kasi ako para sa exercise.
Nang makaupo na ako, nilabas ko agad ang librong binabasa ko. Ang title nya ay 'The Selection'. Actually, medyo nagagalit sa akin yung mama ko. Bakit ko daw kasi tinatapos agad yung libro. Mahal kasi yung libro and andami kong libro sa kwarto. Nagmumukha na ngang library ang kwarto ko. Kung matatapos ko agad tong libro, eh di bibili ulit ng bago! Pero syempre, magiipon na ako. Nakakahiya kay mama kung gastos lang ako ng gastos. Pero mabait talaga si mama. Kaya simula ngayon, ang unang part ng librong babasahin ko ang ipapabili ko kay mama!
Ang papa ko? Nagkasakit. Maliit pa ako nun. 7 years old siguro. Di ko pa alam yung sakit noon kasi maliit pa ako. Ayaw ko rin naman ibring yung topic kay mama. Di ko alam kung ano reaction nya pero syempre, malulungkot.
Yung kapatid ko naman, mas matanda sa akin. Babae sya and nagtatrabaho sa ibang bansa bilang chef. Mahilig sya magluto since nung maliit pa kami.
"Miss, eto na po yung order nyo." Sa wakas! Makakain na ako! Pero syempre, magprapray muna!
Ayan, nakapagpray na ako! Nakakaiyak, grabe! Wala akong pakielam sa mga nakatingin sa akin. Sanay na ako na pagisipan bilang weirdo sa school. Di talaga ako makapniwala na may ice cream sa harapan ko! Puro cookies and cream lang ang kinakain ko eh!
*subo*
Ahhhh!!!! Ang sarap nya grabe! Lalabas na muna ako ng shop para maenjoy ko yung labas. Ang lakas masyado ng aircon dito, kaya pala ang puputi ng mga staff dito. Mga sanay sa aircon na parang habagat.
Subo lang ako ng subo ng ice cream! Ang sarap talaga! Thank you talaga Lord at nakakain ako netong ice cream!
*boogsh*
"What the heck? Ano ba? Tignan mo nga yang dinadaanan mo!"
"Sorry ah! Ikaw na nga nakatapon ng ice cream ko eh! *tulo luha*" nakakainis. Ang mahal neto tapos matatapon lang? Huhuhu.
"Ikaw nga etong nakabangga- Umiiyak ka? Ano ba yan! Ng dahil lang sa ice cream na yan? Bwiset yan." Inalalayan nya ako tumayo. Nakayuko lang ako habang tulo ng tulo luha ko. Ang sama naman ng lalaking to! Hindi siguro to naturuan ng good manners and right conduct!
Malamang nahihiya sya sa mga taong nakatingin sa kanya kaya nya ako tinulungan makatayo. Pero mukhang wala talaga syang balak tumulong. Sa ugali nya pa nga lang!
"Next time kasi, tumingin ka sa dinadaanan mo. Bulag ka ba? Parang hindi mo ata ginagamit yang mata mo." Nakayuko lang ako. Ayokong iangat ulo ko dahil ayokong makita ang nakakatakot nyang mukha.
"Hoy, wala ka ba talagang balak tignan yung kausap mo? Hindi ka ba tinuruan ng GMRC ng magulang mo?" Nakakasira na ng ego ah! Bahala na si batman. Ayokong mapahiya.
Pagakaangat ko ng ulo ko..........WOAH. Hindi sya panget! Mukha nga syang singkit na Japanese, Chinese, Korean, o kung ano mang singkit! For short, gwapo!
"Tinuruan naman ako ng magulang ko nun noh! At hindi ako bulag!" Tumawa lang sya sa akin. Tumakbo na ako paalis ng shop. Nakakahiya. Wala akong pakielam kung gwapo sya, basta panget ugali nya! Bad sya!
Hayysstttt. Bakit pa kasi ako lumabas ng shop, ang init tuloy. Saan ako ngayon pupunta? Tunaw na nga ice cream ko eh, sisipsipin ko na lang to. Umuwi na lang kaya ako? Ay wag na, nasayang lang last day of summer ko. Pero kahit anong gawin ko, ANG INIT PA DIN!!!
BINABASA MO ANG
When The Nerd and The Jock Fell
Novela JuvenilWhat would happen if an extraordinary kind of nerd meets the popular kind of jock? Meet Sapphire. A nerd that's well, smart enough to study abroad. Her looks are just like the ones you see in t.v. that wears glasses and has a braided hair. You may t...