"Nak?"
Pumasok si mama sa kwarto."Bakit po ma?"
"May family date tayo kasama ang mga Villegas. Maligo kana ha?"
"Opo ma. Mag aayos na po ako."
Pagkatapos ako sabihan ni mama kinausap ko ulit si superman.
"Uhmm ... hello?"
"Wonderwoman aalis kayo?"
"Oo eh. Sorry."
"Okay lang noh. Haha. Pero pwede favor?"
"Osige. Ano ba yun? Pasalubong?"
"Hindi! Pm moko kung san kayo pupunta."
"Hmmm osige. Maghahanda nako bbye na muna."
"Sige ingat kayo ha?"
"Oo sige. Bbye!"
Dun natapos yung pag uusap namin. Pagkatapos nun nilock ko na yung pinto ng kwarto tas pumasok na sa cr para magshower.