Sa bahay ...
Mama's Point of view
Sa totoo lang balak talaga namin ng papa ni macie na bumalik ng Cavite para dun muna sila mag aral ng kapatid nya. Merong kapatid si macie na kalimutan nya lang siguro ikwento sainyo.MC's point of view
Gaya nga ng sinabi ni mama. Merong kapatid si ate macie, at ako yun. My name is Marc Cedric G. Ortiz. MC ang nickname ko. 10 years old nako. Pogi ako, matangkad, cute, magaling mag basketball. Basta ang masasabi ko lang POGI AKO. Palagi kaming nag aaway ng ate ko, epal kase sya! Ang panget nya kase at pogi ako! Hahahaha.