Kabanata 3

2K 84 23
                                    

Kabanata 3

ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Zeus nang maiparada niya ang kanyang kotse sa labas ng tahanang iniregalo sa kanila ng mga magulang ni Rosanna. The maids lined up immediately out side as the huge front door opened for him like he's a king, yet despite all the luxury the Illustranos could offer, Zeus felt nothing but a total void deep within.

He's like a pawn in this crazy gamble his grandmother took; a hopeless bait who couldn't disagree to any of these or else his family will suffer great consequences.

Dinampot niya sa shotgun seat ang kanyang coat saka siya lumabas. Kinuha naman ng butler ang susi ng kotse upang igarahe habang sinalubong siya ng maids para kunin ang bitbit niya.

"Ako na," malamig niyang sabi saka hinigpitan ang hawak sa kanyang coat.

This royalty lifestyle is plainly bullshit for him. Baka kung nandito ang pinsang si Jael ay bumuhanglit ng tawa. He sighed. Kung hindi lamang siya nag-aalalang guguluhin na naman ng lola niya ang buhay ng tiyuhing si Khalil Ducani at mga anak nito, hindi naman siya mapupunta sa posisyong ito. But he made a promise to his Dad. Na kung may masamang mangyayari rito ay hindi makararating sa kapatid nang hindi ito mag-alala. Sadly, his Dad is in a vegetative state right now at tanging ang ina ni Jael ang nakakaalam ng katotohanan.

Just like Kyro Alkaide, Zeus' father, anak din sa ibang babae ang ina ni Jael ngunit hindi tulad ng lola niya, saksakan ng sama ng ugali ang kanyang lola Ysandra. Amor Consuelo-Marasigan didn't give a fuck if Kamino Ducani would support their child back then, hindi gaya ng kanyang Abuela na daig pa ang tunay na asawa kung mag-isip na dapat sa kanila napunta lahat ng pinagpaguran ni Khalil Ducani. Ysandra Alkaide has so much beef towards Khalil Ducani because of what happened to Kamino Ducani's business and now she thinks they should take everything away from the Ducanis.

Marrying him off to Rosanna Illustrano was his grandmother's brilliant way to gain power so they could take their revenge to the next level. Wala naman siyang balak patulan ang trip nito sa buhay dahil nakita naman niya kung papaanong nagkaayos ang daddy niya at ang nakatatanda nitong kapatid, ngunit kung hindi siya papayag sa gusto ng matandang babae ay baka hugutin ang life support ng kanyang ama. Ito ang nakatalaga na may kontrol sa kahit anong medical stuff na may kinalaman sa kanyang ama kaya tila nakasakal sa kanyang leeg ngayon ang mga daliri ng matandang babae.

If only his Dad would wake up . . .

"Sir Zeus, mawalang galang na pero bakit ngayon lamang ho kayo nakauwi? Kanina pa naghihintay si Ma'am Rose sa inyo. Hindi ho siya pumayag na kumain hangga't wala kayo," anang mayordoma sa malamig na tinig.

Zeus scratched his temple in an irritated way. "I had to deal with something. Bakit? Bitbit ko ba ang pinggang gagamitin niya at hindi siya makakain nang wala ako?"

Tumikhim ang mayordoma. "Hindi sa gano'n, Sir pero unang araw pa lamang ninyong mag-asawa. Hindi ba dapat ay hindi ninyo basta na lamang iniiwan ang asawa ninyo?"

Zeus rolled his eyes in frustration. "As if I wanted this marriage in the first place," he murmured before he heaved a sigh. "Pakihanda na lang ang guest room."

Kumunot ang noo ng mayordoma. "May... bisita ho kayo?"

"Wala. I'll use it." He started walking towards the bar area of the house and grabbed himself an expensive bottle of whiskey. "Call me when it's ready."

Hindi niya na hinintay ang sasabihin ng mayordoma. Dumiretso siya sa gazebo malapit sa swimming pool at doon tinungga ang matapang na alak. He still couldn't believe that his life completely changed within twenty four hours. If Roxie didn't happen tonight, he probably ended up throwing a fit out of his misery.

SEDUCTION SERIES: Sinful Heartbeats (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon