Kabanata 7

1.1K 2 0
                                    

Kabanata 7

ZEUS can feel Roxie's stares while he's tying his necktie in front of the mirror. They would often spend some sexy time in one of the suites in Hotel Khallisa after his work and her duty. Minsan ay roon sila nagpapalipas ng gabi kung wala itong pasok kinabukasan ngunit may mga pagkakataong magyayaya itong umuwi kahit dis oras ng gabi.

He looked at Roxie again. Nakapagbihis na rin ito at nakaupo na ngayon sa gilid ng kama ngunit ang isip ay tila lumilipad pa. Kung dahil sa antok o sa ibang bagay pa ay hindi mapagtanto ni Zeus.

He walked towards her after he fixed his tie then held her by her chin. "What's bothering you, Roxie?"

Roxie sighed. "Wala. N—Naisip ko lang na... pang-ilang beses na 'to, Zeus. Pakiramdam ko ay... nawawalan ako ng respeto sa sarili kong katawan dahil nakikipagtalik ako sa..."

Iniwas nito ang tingin at tinikom na lamang ang mga labi, ngunit kahit na hindi itinuloy ni Roxie ang sinasabi, alam na ni Zeus ang nais nitong iparating.

Naupo siya sa tabi nito saka ito iginiya na kumandong sa kanya. Nang mahawi niya ang buhok ni Roxie patungo sa likod, napalunok siya nang mapansin ang pangambang nakapinta sa maganda nitong mukha.

Hindi niya masisisi si Roxie. Babae ito at sa kanya nito isinuko ang sarili kahit na wala silang relasyon. Kahit naman siya ang nasa katayuan nito at babae rin siya, kahit na nagustuhan niya ang nangyari ay darating din siya sa puntong ganoon ang magiging tingin niya sa kanyang sarili.

Honestly, Zeus hates the way Roxie thinks of herself right now. Alam niyang napaka-selfish niya ngayon ngunit imbes na sabihing pwede na huling beses na ito na may mangyayari sa kanila, iba ang tumakbo sa isip niya.

He wanted to keep her despite his current situation. Not to toy her or make a fool out of her, but to at least have something or someone in his fucked up life na masasabi niyang ginusto niyang maging bahagi ng buhay niya.

Mahirap mang aminin ngunit may kakaiba talagang epekto sa kanya si Roxie. Iyong tipong kahit hindi niya alam kung paano niya ipagtatapat dito ang totoo niyang marital status, gusto niya pa ring sumugal. It's like even when they don't know each other that deeply yet, a part of him is already scared to lose their connection.

Zeus kissed her shoulder blade then rested his chin on the same spot. "How can I ease your worry, hmm? Because I'm sorry, I can't tell you that this will be the last time that I'm going to see you."

Halatang nagulat ito sa kanyang sinabi at hindi kaagad nakakibo. Her enthralling eyes just stared at him as if the words he just said were too hard for her to decipher.

"You... still wanna see me after this? Hindi ba ay... dapat ang one-night-stands, isang beses lang?" Napansin niya ang paglunok nito. "Aren't you... getting tired or bored of me yet? Inexperienced din ako at halos hindi kita masabayan. I'm actually surprised that you're still seeing me."

Zeus pursed his lips for a moment to hide his smile. "Why? Pang-ilang beses na ba natin 'to?"

Roxie sighed as she looked away. "I've... lost count already."

Muli niya itong pinatakan ng halik sa balikat. "Can this still be considered a one-night-stand?"

Bahagya itong sumimangot. "M—Malay mo naman part ten o eleven lang 'to para sayo..."

He couldn't help but let out a soft chuckle. "Ah, your humor is such a breath of fresh air." He heaved a sigh while staring at her with a sweet curve on his lips. "When are you free?"

Inirapan siya nito. "Huwag mo kong gawing stripper na idadala mo sa hotel kapag gusto mong chumenelin. Sa lakas mong bumayo naalog kahit paano kanina ang utak ko." Ngumuso ito. "Palagi namang naaalog ang utak ko pero... ewan. Masarap ka, eh. Ang hirap mong tanggihan. Malay ko ba kung anong nangyayari sa akin pero basta! Nagi-guilty na rin ako lately kasi parang nagiging fubu na lang talaga tayo."

His brows furrowed as he laughed. "What? God, if that means sex, then you got me wrong." He caressed her thigh to calm her down. "I'd like to spend time with you, outside a hotel room Roxie."

Uminit ang mukha ni Roxie at nang tignan siya ay para bang siya na ang pinakamalisyosong tao sa mundo. "Ayaw kong magka-sex scandal, Zeus kaya kung outdoor sex ang trip mo, pass."

Bumungisngis ng tawa si Zeus. Nakalimutan niya ang lahat ng kinaka-stress niya sa buhay at tanging ang sinabi lamang ni Roxie ang umokupa sa kanyang isipan. Oh, he badly needs her company or else he will be the most miserable man on Earth.

Kinalma niya ang sarili kahit nais pang matawa. "Goodness, Roxie. I meant I wanna ask you out, get to know you and just relax."

Naniningkit ang mga mata nitong tinaasan siya ng kilay. "Walang sex sa damuhan?"

He chuckled. "I'll try."

Umirap ito. "No, thank you. Kung sisikat din pala ako dahil sa video, sana nag-bold star na lang ako noon pa."

Akmang aalis ito sa pwesto nito nang higpitan niya ang yakap sa baywang nito. "I'm kidding. I won't force you to do anything that you aren't comfortable about. If you told me before that you'd rather sleep with me once we already know each other deeply, I'd force myself to behave even if my dick would always call for you."

"Bunganga mo talaga, Zeus," namumula nitong sabi bago bumuntonghininga. "So getting to know each other na lang from now on, hmm? Wala munang warakan ng Bataan?"

Zeus couldn't help but bury his face on her shoulder while he laughs. Ah, this woman is really something, and he's sure he's going to crave for her presence more because of her personality. 

Madalas kapag natatapos sila ay nag-o-order sila ng pagkain pagkatapos ay manonood ng movie. They would share opinions that would lead to their principles and views about a certain social topic. 

Hindi man tungkol sa personal nilang buhay ang madalas nilang mapag-usapan, pakiramdam ni Zeus kahit paano ay nakikilala naman niya ito sa ganoong paraan. Besides, he loves her way of thinking. Hindi lamang ito puro ganda. Marunong makipagpalitan ng opinyon sa propesyunal na paraan.

"Wala nga." He looked into her squinting eyes. "I just wanna go out with you and totally forget about everything else..."

Sandali itong hindi kumibo na tila tinitignan kung nagsisinungaling siya o hindi. Nang makumbinsing nagsasabi siya ng totoo, bumuntong hininga ito saka nagsalita.

"Day off ko sa Sabado pero may pupuntahan ako," sa wakas ay sabi nito.

Saturday. May schedule silang family dinner sa bahay ng mga Illustrano pero ayaw niyang pumunta roon.

He licked his lower lip. "Can I tag along?"

"Pwede kaso ready ka bang pagpyestahan ng mga tsismosa? Uuwi ako sa probinsya. Awarding ng pamangkin ko sa school tapos titingnan ko 'yong bahay na ipinapaayos doon," ani Roxie.

"How long are we going to stay there, hmm?"

"Three days. Off ko hanggang Monday."

He smirked. Three days na malayo sa mga bwisit sa buhay niya? "Sounds good to me."

Kumunot ang noo nito. "Paano ang mga tsismosa?"

"Don't care." He pecked kisses on her shoulder blade. "Kahit ako pa mismo magkwento sa kanila..."

SEDUCTION SERIES: Sinful Heartbeats (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon