Entry 07

7 0 0
                                    

Naalala mo ba?

Noong minsang ako'y iyong sinamahan

Noong panahong iyon binalikan natin ang nakaraan

Nakaraan kung saan ang saya saya pa natin

Habang binabalikan ang nakaraan

Ika'y aking tinanong patungkol sa kasalukuyan

' sa iyong palagay, sino-sino ang nagbago sa atin?'

At nang ito'y iyong sagutin, binigay ko ang akin,

'sa aking palagay, ako ang unang nagbago at habang tumatagal unti unti din kayong nagbago'

Pero alam mo ba?

Hindi naman talaga ako tuluyang nag iba,

Naging tahimik lang ako dala ng aking mga karanasan

Pati na rin siguro dahil alam kong may nag iba na

Dahil mula ng ako'y magbalik

Pakiramdam ko'y unt unting nagkakaroon ng pader sa pagitan natin

Gustohin ko mang tibagin ay hindi ko magawa

Pagkat alam kong wala na yung taling kumokonekta sa atin

Magkaganon man nais kong inyong ipaalam sa inyo

Nagkaroon man ng harang sa pagitan natin

Mananatili pa rin ako sa tabi niyo

Ako na inyong nakilala at nakasama mula pagkabata

Ako na may ugali mang hindi kagandahan

Ngunit hindi papayag na kayo'y husgahan ng iba

Hindi ko man maipakita ang suporta ng harapan

Ngunit handa kayong damayan anuman ang inyong problema

061020

Pain and MemoriesWhere stories live. Discover now