CHAPTER 20

2.9K 41 0
                                    

Chapter 20: Rejection

GABI na ako nang nakauwi at sumalubong agad sa akin si Eujinn. “Bakit ngayon ka lang?” tanong niya.

“Ang dami kong ginawa sa opisina,” sagot ko at lalagpasan ko pa lamang siya nang mahuli niya ang braso ko. “Jinn, kanina ka pa, ha.”

“Kumain ka na ba?”

“Huwag mo akong intindihin. Nasaan na si Haze?” tanong ko.

“Nasa kuwarto ko,” sagot niya at sa halip na magtungo ako sa kuwarto ko ay pinuntahan ko na muna si Haze.

Napangiti ako nang makita kong mahimbing na ang tulog niya sa malaking kama ng daddy niya. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ko ang buhok niya.

“Are you happy, honey?” I asked him kahit na tulog pa siya. Bumukas ang pinto at pumasok si Eujinn.

“Gusto mong makatabi ang matulog ng anak natin?” Umiling ako.

“Hayaan mo siyang makasama ka na wala ang presensiya ko,” aniko.

“Pero ikaw pa rin naman ang hinahanap niya palagi,” he reasoned out.

“Kaya nga, para masanay siya sa presensiya mo,” sabi ko pa. Hinalikan ko ang pisngi ng anak ko saka ako tumayo.

“Hazel, marami pa talaga tayong pag-uusapan. Let’s settle this,” seryosong sabi niya.

“Next time, Jinn. Pagod ako,” sabi ko lamang.

“Huwag matagal, please,” aniya at tinitigan ko sa mga mata ko.

“Fine, may ipagagawa rin ako sa ’yo. Pag-usapan natin ang tungkol sa kompanya ninyo,” sabi ko at nasa pinto na ako nang magsalita naman siya.

“Hazel, I don’t need the company. It’s yours.” I frowned.

“Next year na lamang tayong mag-usap,” supladang saad ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. Muli akong napairap. Mahirap nga siyang pakiusapan kaya sumuko na lamang sa kaniya si Ma’am Lixie.

Nang magising naman ako ay ’saktong  palabas din ang mag-ama at naririnig ko ang mahinang pagtawa ni Haze. Magkahawak kamay pa silang dalawa at napatingin naman sa gawi ko ang aking anak.

“Mommy,” tawag niya at bumitaw siya sa daddy niya para lapitan ako. “Good morning po, Mommy,” bati sa akin ni Haze.

“Good morning too, honey,” ganting bati ko at yumuko ako para halikan siya noo.

“Ipagluto mo kami ni daddy ng breakfast, Mom. Miss ko na po ang luto mo,” munting hiling niya at hindi ko napigilan ang mapangiti.

“Sure, hon.” Inilahad ko ang kamay ko at hinawakan naman niya pero naglahad din siya sa maliit niyang kamay. Walang pagdadalawang isip na tinanggap iyon ni Eujinn.

“Tara na po! Magluluto si mommy ng breakfast, Dad!” masayang sabi niya.

“Puwede naman tayong bumaba nang hindi na ganito, Haze,” aniko. Pero mas hinila pa niya ang ama niya palapit sa amin. “Haze.” Nang bumaba ang tingin ko ay ang lapad-lapad ng ngiti niya. Huminga na lamang akong malalim.

Nang nasa kusina na kami ay nagsimula na akong magluto kahit sumasakit ang puson ko. Red day ko kasi ngayon pero kaya ko pa namang gumalaw.

“Bakit maputla ka? May sakit ka ba?” tanong ni Eujinn at hinipo ang noo ko.

“Ayos lang ako. Wala akong sakit,” sagot ko.

“Ako na ang magluluto.” Tinampal ko ang kamay niya. Kunot-noong tinitigan niya lamang ako.

She's the Montefalcon's Heiress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon