CHAPTER 29

2.4K 28 1
                                    

Chapter 29: Baby brother

MAG-ISA sana akong uuwi sa mansyon at mauuna pa naman na umuwi si Haze dahil ang daddy niya ang susundo sa kaniya pero ang magaling kong fiancé kuno ay gusto niyang kami ang susundo sa aming anak.

Iniwan niya lang sa parking lot ang sasakyan niya at ngayon nga ay siya na ang nagmamaneho sa kotse ko. Desisyon din siya masyado, eh.

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa school ni Haze at pumasok kaming dalawa na magkahawak ang kamay. Magkasiklop pa ang mga daliri namin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na maayos na sa amin ang lahat at nabigyan na uli namin ng second chance ang isa’t isa. Parang hindi nga kami naghiwalay at bumalik talaga ang dating samahan namin.

“Zel, hey,” untag niya at marahan niyang tinapik ang pisngi ko. Binalingan ko siya.

“Bakit? May sinasabi ka?” tanong ko sa kaniya.

“Kanina pa kita kinakausap at ang lalim ng iniisip mo,” naiiling na sagot naman niya. Sinapo niya ang pisngi ko at marahan na hinagkan pa niya ang sentido ko.

“Sorry na,” sabi ko lamang at pinasadahan ko nang tingin ang paligid.

Ang daming yaya ng mga bata ang nag-aabang sa paglabas ng mga alaga nila at may mga magulang din. Si Haze ay hindi na kailangan pa. Kumakain siya sa oras nang pagkain at kapag mas nauuna ang paglabas nila sa classroom ay maghihintay lang siya sa playground nila.

Kaya sinusundo ko siya nang maaga kung hindi naman ako busy masyado sa resto. Kahit hapon na ay mataas pa rin ang sikat ng araw. Masakit ito sa balat pero ayos lang naman.

Huminto kami sa tapat ng classroom at maririnig ang pagpapaalam ng mga bata sa teacher nila hanggang sa tila nag-uunahan na sa paglabas ang mga estudyante. Hinintay namin ang paglabas ni Haze.

Siya na yata ang pinakahuling lumabas at nang makita niya kami ay patakbo siyang lumapit sa amin. Sa nakikita kong emosyon ay masaya siyang makita kami pero hindi siya katulad ng iba na sisigaw pa. Siya ay nakangiti lang.

Lumuhod si Eujinn at pinangko niya ang aming anak. May kabigatan na si Haze pero gustong-gusto pa rin niyang buhatin ang bata.

“I thought si daddy lang po ang susundo sa akin, Mom,” aniya at napansin ko naman na lukot-lukot ang uniporme niya.

May puting towel siya sa likod niya dahil inilagay iyon kaninang umaga ng daddy niya. Pero ngayon ay wala na, tapos parang nabasa siya ng pawis.

Inilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at nakaamoy nga ako ng pawis. Bago ito, dahil hindi naman siya pawisan.

“What’s wrong, Hazel?” curious na tanong ni Eujinn.

“Wala naman. Nagtaka lang ako,” sagot ko sa kaniya at binalingan ko si Haza. “Ano’ng ginawa niyo sa break time niyo, hon?” I asked him. Lumapad pa ang ngiti niya sa labi.

“Naglaro po kami nang tagu-taguan, Mom, tapos habulan,” masayang kuwento niya. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan sa pisngi.

“Mabuti na lamang ay nakipaglaro ka sa mga kaklase mo, anak. Huwag puro basa lang ng libro, ha?” paalala ko sa kaniya at napatango-tango siya.

Ito ang unang pagkakataon na narinig ko mula sa kaniya na nakipaglaro siya kamasa ang kaklase niya at kaya naman pala nag-amoy pawis siya.

“Okay po, Mommy,” sagot niya at humalik din siya sa pisngi ko.

Bago kami sumakay sa kotse ay hinubad ko na muna ang puting uniporme niya. Pinalitan ko iyon ng extra shirt niya na palagi ng nakabaon sa kotse ng daddy niya. Nilagyan ko pa siya baby powder.

She's the Montefalcon's Heiress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon