Chapter 5

3 0 0
                                    

                                                                                         ***

|x|x|x| Christie's

POV |x|x|x|

 

Dahil sa sobrang lutang yung isip ko, uwian na pala. Haaaay,

mag-isa na naman akong umuwi. Nakakamis talaga si Rhianne. Kamusta na kaya yun?

Hmm, matawagan nga.


Rhianne Calling...

 

*toot toot toot*

 

Anyare dun, di sumasagot.


*Boogsh*


"So-sorry po lolo"  ano ba yan Cheska di ka kasi tumitingin sa

dinadaanan mo eh. Naawa tuloy ako dun sa matanda.


"Okay ka lang po ba

lolo" tinulungan ko siyang makatayo. Pagtingin ko sa mukha niya...


"Lo-lolo Ben? Bat andito

po kayo? Diba nasa Laguna po kayo?" nagtatakang tanong ko.


Hindi siya sumagot. Lumapit siya sakin.


"Mag-iingat kayo

palagi. Lalong-lalo na sa Mansion na pupuntahan niyo baling araw" bulong

niya sakin. Nagsitaasan yung mga balahibo ko sa sinabi niyang yun.


"Pe-pero Lo-" nawala

siya bigla. Kinakabahan ako. At ano kaya yung sinasabi niyang Mansion na pupuntahan

namin balang araw? Te-teka, nawala siya bigla diba? Pe-pero pano, bakit nandito

siya?


Napagpasiyahan kong i-text nalang si Rhianne.


To: Bes Rhianne


Bes, parang nakita ko kanina si Lolo Ben dito sa Manila ha. Diba

kasama niyo siya jan?

 

———-

Naghihintay lang ako sa reply niya. Kumain narin ako ng

dinner kasama sila mama. Humiga ako sa kama ko. Maya-maya'y tumunog yung cp ko.

Kinuha ko agad. Baka si Rhianne na yun.


Pagkaopen ko.


From: Alexander

Hi Cheska J

 

 Akala ko pa naman si

Rhianne. Nireplyan ko nalang siya.

The Hidden TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon