|" Bakit kung sino pa ang mabait, sila pa ang kinukuha ni God at kung sino pa ang mga masasama, sila pa ang matagal mamatay?"|
|x|x|x|Christie's POV|x|x|x|
Nakauwi na ako ngayon. As usual, sinalubong na naman ng nanay kong dahilan ng pagkamatay ng aking pinakamamahal na tatay. Kung di sana siya nagtaksil sa tatay ko, eh di sana di pa patay si Papa. At ang mas masaklap, yung lalake pa niya ang pumatay sa Papa ko sa harapan ko mismo. Mga demonyo sila! At di ko sila mapapatawad kahit kailan. Dumiretso na ako sa taas kung asan ang aking kwarto.
Pagbukas ko ng pinto, pumasok na ako. Humiga ako sa kama ko at parang gumaan ang pakiramdam ko nang pinagmasdan ko ang paligid ng kwarto ko. Puro asul ang kulay ng mga gamit na nakikita ko. Nakakagaan ng pakiramdam. Pipikit na sana ako nang maalala ko ang nangyari kanina sa school habang pauwi na kami.
---FLASHBACK---
Habang pauwi kami kanina. Naglalakad kami sa hallway nang may maamoy akong parang patay na hayop.
"Guys may naaamoy ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Oo nga . Ambaho. Parang patay na hayop" sabi ni Eunnie at tinakpan ng panyo ang kaniyang ilong at bibig. Nagtakip narin ako ng ilong at bibig. Ambaho naman nun! Ano kaya yun?
"Check natin?" sabi naman ni Rhianne. At parang inaantay ang isasagot ko. Tumango nalang ako.
Lumapit kami sa pintuan na pinanggagalingan ng masangsang na amoy. Pagbukas namin ng pinto...
Tumambad sa amin ang nakabitin na bangkay ni John, ang Escort ng classroom namin. Nagkalat ang dugo sa sahig. Napatakip ako ng bibig. Hindi ko inakalang may mamamatay . Wala ang kaniyang mata nasa sahig ang mga ito. NapakaDemonyo naman ng pumatay sa kaniya. Napakabrutal. Nakalabas pa ang kaniyang dila. Napatakip rin ng bibig si Rhianne. Napaupo naman si Eunnie at napasigaw. Umiiyak na siya. I understand her. John was her boyfriend since we're in 2nd year highschool.
---END OF FLASHBACK---
Napaisip tuloy ako kung sino ang pumatay sa kanya at kung bakit siya pinatay. Inaantok na rin ako sa kakaisip kaya natulog narin ako.
|x|x|x|Eunnie's POV|x|x|x|
Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Bakit naman kasi bigla nalang siyang kinuha ni God ? Eh pwede namang yung iba. Bakit kung sino pa ang mabait, sila pa ang kinukuha ni God at kung sino pa ang mga masasama, sila pa ang matagal mamatay? Andaya talag ng tadhana . Naalala ko pa nung niligawan niya ako.
---FLASHBACK---
Papasok na ako sa classroom namin. Medyo malayo pa naman.
"Eunnie para sayo" may lalakeng nagbigay sa akin ng pulang rosas.
"Thank you" sabi ko nalang at nagsmile.
"Para sayo"
"Thank you"
"Para sayo"
"Thank you"
"Para sayo"
"Thank you"
...
Hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng pinto ng classroom namin. Nakita ko ri John na nakatayo sa harapan ko. Bigla siyang lumuhod. Papatayuin ko sana siya pero bigla siyang nagsalita.
"Will you be my Girlfriend" tanong niya nang nakangiti. Parang biglang bumagal ang oras. At lumakas ang tibok ng puso ko. Ilang minuto ang lumipas bago ako nakapagsalita.
"Yes!" sabi ko at naghiyawan lahat ng nasa hallway pati na ang mga nasa loob ng classroom namin. Maliban kay... Di ko nalang siya pinansin. At nagsaya nalang kasama ni John.
---END OF FLASHBACK---
Naluha na naman ako sa naalala ko. Palagi nalang siya ang iniisip ko. Ang sakit dito *turo sa dibdib*. Ang sakit sakit. Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay. Parang di ako makahinga. Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na.
|x|x|x|The Murderer's POV|x|x|x|
Nakaupo ako sa upuan ko at ipinatong ang mga paa ko sa mesa na nasa harapan ko. Di na ako nakapaghintay at siya na ang inuna ko. Noon pa ako naiinis sa Eunnie na yan. Nang dahil sa kanya, nilayuan at iniwan na ako ni John. Si John ang dahilan kung bakit ako nagsipag mag-aral noon. Kung bakit ako sumayang muli. Pero nang dahil sa Eunnie na yan, nagbago ang lahat. Isinusumpa ko siya na ang isusunod ko. Natigil ang pag-iisip ko nang bigla siyang nagsalita.
"Ano nang plano mo?"
"Uhm. Bahala ka. Ano bang gusto mong mangyari? Ikaw na bahala sa susunod na mangyayari. At ako na naman sa susunod. Para masaya. Enjoy " sabi ko sa kanya at kumindat. Nagsmile naman siya ng nakakaloko. Siya ang sumalo sa akin nung sinaktan ako ng John na yan. Palagi siyang nasa tabi ko lalo na kung may problema ako.
"Sige, pagpaplanuhan ko muna bago ko sasabihin sayo" sabi niya at kumindat. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Sige mauna na ako" sabi niya at umalis na . Lumabas narin ako at dumiretso na sa bahay ko.
***
Pagkadating ko sa bahay, pumasok na ako sa kwarto ko at humiga na sa kama ko. Bukas ko daw malalaman kung anong plano niya . I'm so excited. Sino kaya ang susunod? Hmm. Matatagalan pa siguro bago mamatay ang lahat. 37 kaming lahat. Minus two, kaming dalawa. Minus one si John. May 34 pang natitira. Inaantok narin ako, kaya natulog narin ako.
|x|x|x|Christie's POV|x|x|x|
*KRIIING* (tunog ng alarm clock)
Pinindot ko naman na yung alarm clock ko at pinunasan ang mata ko. Nag-unat unat ako. Parang ayoko pang bumangon. Inaantok pa ako. Pinikit kong muli ang mga mata ko.
*TING*
Napaupo ako nang biglang tumunog yung Phone ko.
1 message received
Binuksan ko ito.
09123456789
Limang minuto, limang buhay ang kapalit. Wag kang malate ha. Kung malate ka? Pasensyahan. 5 mong kaklase ang mamamatay.
Kinabahan ako bigla. Nagmadali naman akong nag-ayos. Grabe naman yung 5 minutes! Nagpahatid na ako sa kay Manong sa school.
***
Pagkadating na pagkadating ko bumaba na ako agad at nagmadali na akong pumunta sa room. Malayo palang ay tanaw na ang kumpulan ng tao, at yun ay sa Room mismo namin. Kinabahan na naman ako. Tumakbo ako para mas mabilis akong makarating doon. Pagkadating ko, maraming estudyante ang nagkumpulan kaya nahirapan akong makapasok. Nakipagsiksikan ako at sa wakas nakapasok din! Pagkapasok ko...
___________________________________
___________________________________
Sorry sa matagal na pag_update
Thanks nga pala sa pagvolunteer ng name mo Mei-leene Adviento/ @BlackySwear
-CurlyEmpress
