(VI) Gun With Tears

2K 121 24
                                    

SA TAGAL NG PAGHIHINTAY NI MACY SA KANYANG KARIBAL, nagkusa na siyang umuwi. Inabutan na siya ng alas-onse ng gabi. She thought that it would be a waste of time. SIgurado niyang magkasama ang dalawa.

Habang sakay ng sasakyan ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi huminto at magsisisigaw sa galit. If there was one thing she learned after she was engaged to her man— it was being selfish and monstrous.

How could he like someone who's not even on my level?!

Pag-uwi niya ay sumalubong ang kanyang ina nag-aalala. Agad siya nitong hinagkan. Naiiyak siya at hindi mapigilan ang paglabas ng emosyon sa kanyang mga mata.

Agad namang dumungaw mula sa kusina ang kararating lamang niyang kapatid— si Dallas. Nagsalubong ang kilay nito nang mapagtantong ang kanyang ate ang umiiyak.

"Ate? W-Why are you crying?" usisa niya. Paglapit niya'y ay sinunggaban niya ito ng mahigpit na yakap. Nakapulupot ang kanyang malalaking braso sa katawan nito at tila ba takot.

"I don't know why Demir cheats on me! Why he has put me through this?!" bulyaw ni Macy.

"Shh, shh," tahan ni Dallas.

   Nakagising naman si Harley sa lalaking iniiyak ni Macy. May ngiti sa kanyang labi, kahit masakit ang kanyang tiyan dahil sa marahas na nangyari kagabi lang. Nakahiga siya sa dibdib ni Demir at marahang binigyan ng halik ang pisngi nito.

Ramdam niya ang init ng braso nito na nakapulupot sa kanyang katawan. Nagising itong si Demir at binigyan siya ng halik sa noo. Tila bang isang masayang panaginip ang nangyari kagabi at naging totoo nang mamulat nila ang kanya-kanyang mga mata.

"Demir, ano ba talaga tayo?" tanong niya.

"We are what you want us to be," tugon sa kanya nito.

Bumuntong hininga siya, tsaka marahang kumilos. What eats his conscience is the fact that he's doing this for a reason, but the effect is becoming tragic. Alam niyang sa kaloob-looban niya ay gusto niya ito.

A man who loves him. A man who's ready to leave a woman— just to have him.

Tumunog ang cell phone nitong si Demir, dahilan upang pareho silang mapatingin. Nagpatuloy si Harley sa kanyang pagkilos upang makapunta sa banyo at ayusin ang sarili. Malamang ay hindi na siya nakapasok ng trabaho dahil sa nangyari.

"Owh, Macy's brother is back," sambit ni Demir sa kanya. "Mom texted me that they'll have a welcoming party."

"Uh-huh," tanging tugon niya.

"You'll come with me." Nang sabihin ito ni Demir, kaagad siyang napabalik ng tingin.

"W-Why should I go with you? Ano'ng klaseng pagpapakilala ang gagawin mo?" madiin niyang tanong. Tila ba takot sa mga mangyayari.

"Of course, Macy knows it already!" natatawang tugon ni Demir. "But, I'll introduce you as our wedding coordinator, aşkım." Saka ito lumapit sa kanya at sinapo ang kanyang leeg upang marahas na halikan sa labi.

"You should learn to fight, because once we're out of this, you can't just watch me fight for you, aşkım. This life is a survival movie, take the lead."

Napalingon si Harley sa shotgun na naka-display sa tapat mismo ng kanilang kama. Hindi siya baliw sa pera, pero gagapang siya tulad ng mga sundalo sa gyera upang makuha ang kanyang gusto... Ang maganda at tahimik na buhay.

Kung sa gulo magsisimula lahat?

"Then, that Macy should watch out," sambit niya at napatingin sa mga mata ni Demir.

Ngumisi ito at umiling. "That's what I like about you, aşkım."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Almost An Affair ©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon