Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.
Wala sa aking plano ang magmahal bago maglaho.
Wala sa aking listahan ang makilala ka nang walang katiyakan,
Kung ipagpapatuloy ko ba ang nasimulan...
O piliin na lamang ang lumisan?
Ngunit, mahal, hindi ako pang habambuhay.
Dahil buhay ko'y magwawakas din at malapit nang mawalan ng kulay.
Lumikha ako ng listahan ng mga nais kong gawin bago pumanaw,
Ngunit ang ninanais ng aking puso,
Sa iyo ko lang pala matatanaw.
Dibale nang hindi malibot ang bawat baryo, kanto o distrito,
Dahil sa tuwing ika'y nasisilayan...
Tila ba'y tanaw ko na ang mundo.
Hindi na kailangang sa naglalawang apoy, ako ay magtampisaw.
Dahil sa titig mo pa lamang...
Para na 'kong nalulusaw.
Hindi ko sinasadyang iwan ka, mahal ko.
Ngunit ang Bathala na mismo ang nagsulat sa buwan ng ating hantungan.
Huwag na nating isipin pa ang dulo,
At ibahagi na lamang sa mga tao ang ating kwento.
Maaaring wala itong masayang pagwawakas,
Ang mahalaga, maibabahagi natin ang ating pagmamahalan,
Hanggang sa huling pamamaalam...
Claui.
YOU ARE READING
The Bucket List
Short StoryTulad ng tinta, ang hininga'y nauubos. Tulad ng ulang tumitila, ang buhay ay siya ring humihinto. At tulad ng isang kalatas, ang pagmamahalan natin ay siya ring magwawakas. Ngunit ang mahalaga, naisulat sa tala ang ating kwento. Kwentong kailanma'y...